“Zero, konting panahon na lang matutukoy na natin siya.” Ninanamnam ng lalaking naka-upo sa isang malaking couch ang isang kopita ng mapait na alak habang dahan-dahang nilulunok ito. Napaharap ito sa lalaking tumawag sa kanya ng Zero.

Mukhang natatagalan na ata ‘yan Uno. Alam mo bang nangungulit na ‘tong kaibigan ko at gusto na niyang makipag-laro? Baka gusto mo ng sampol?” Walang ka habag-habag na sabi nito ng diretso dahilan para manginig ang lalaking nag-nga-ngalang Uno. Ang tinutukoy nitong kaibigan ay ang paborito nitong kalibre 45.

G-inagawa na po namin ang lahat Zero. Konti nalang makikilala na natin siya.”Nanginginig na sagot nito sa lalaking ginagalang at kinatatakotan nilang lahat. Si Zero.

“Siguraduhin mo lang ‘yan Uno , dahil konti na lang din at mauubos na na ang pasensya ko at sinisiguro kong hindi mo gugustuhin ‘yun di ba, kaya kumilos kana!” Napapitlag si Uno sa biglang pag-taas ng boses ni Zero. Nanginginig na tumango siya rito at madaling umalis sa silid nito.

Napahawak naman sa sentido si Zero matapos maisara ni Uno ang pinto. Kailanman ay hindi pa siya nanggigil sa isang bagay o tao sa buong buhay niya. At ni minsan ay wala pang-kumalaban sa kanya, scratch that, meron na pala pero matagal niya ng pinatahimik ang pamilya nito. Ang Imperial Family.

·          F L A S H B A C K *

Ano? Are you out of your mind franco? Hindi pa ba sapat ang bilyones na kinikita natin at gusto mo pang-pasukin ang illegal business? For Pete’s sake Nuevas!”

Tama siyang mali ang desisyon niyang sabihin sa matalik na kaibigan ang plano niyang pumasok sa Illegal na gawain. Naging histerical ito sa kanyang anunsiyo.

“Pera ang pinag-uusapan natin dito Donovan! Magiging trilyones ang pera natin pag-pumasok tayo sa illegal na pag-eexport ng druga.”

 

“Nahihibang ka na ba franco? Nang dahil sa pera ay dudumihan mo ang pangalan natin? Mag-isip kang mabuti franco.”

“Buo na ang pasya ko Donovan. Papasukin ang Illegal na Gawain, kasama ka man o hindi.”

Matigas na sabi ni Franco. Napatigil si Donovan sa tinurin ng matalik niyang kaibigan na simula pa pag-kabata ay kanya ng kasama. Hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang sukdulang pag-kaasam nito sa pera at handa nitong pasukin ang mundo ng illegal na Gawain. Nasasaktan siyang malaman na handa nitong itakwil ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa pagkasilaw nito sa pera.

“Walang maidudulot na maganda sayo ang gawaing ‘yan. Kahit na anong mangyari, kamuhian mo na ko’t lahat lahat na , pero hindi kita hahayaan sa nais mong gawin. Hinding-hindi ka magtatagumpay franco , hindi hangga’t nabubuhay pa ako.” Walang pag-aalinlangan sabi ni Donovan at umalis ito.

The Cold-Heartless Bitch ♛Basahin ang storyang ito ng LIBRE!