BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. EunKwang, Peniel and SungJae are Christians. IlHoon is Catholic.

2. HyunSik and SungJae both studied abroad. HyunSik in China and SungJae in the Philippines.

3. BtoB's former member MinWoo was not able to debut with BtoB because he had sudden deafness. He is now C-Clown's T.K.

4. BtoB made an unofficial debut on sitcom “I Live In CheongDam-Dong” with their song “Irresistible Lips”.

5. BtoB was named by their labelmate senior, G.NA.

6. EunKwang and ChangSeob both graduated from Modern K Music Academy and have known each other the longest.

CHAPTER 25

Hindi ako mapakali sa higaan ko. Malalim na ang gabi at mag-uumaga na siguro pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi kasi mawala sa isip ko si Sungjae. Kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina bigla nalang akong nakakaramdam ng kuryente sa katawan. Kahit na anong pigil ang gawin ko, hindi ko makontrol ang tibok ng puso ko. Alam kong mali to. Hindi ko na dapat nararamdaman to. Kung meron mang taong dapat na magpabilis ng tibok ng puso ko, wala yung iba kundi si Minhyuk. Sa kanya lang dapat ako nakakaramdam ng ganun dahil sya ang boyfriend ko.

Pero bakit hindi ko makalimutan ang nararamdaman ko kay Sungjae? Bakit napakahirap diktahan ng puso?

Bumangon ako sa higaan at kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa katabing table. Agad kong tiningnan ang calendar.

7 days.

Parang may kumurot sa puso ko nang bilangin ko ang natititirang araw ko dito sa Korea. Napakabilis ng araw. Sa lalong madaling panahon ay aalis na pala ako.

Ibinalik ko ang phone ko at tumingin lang sa kisame habang nakahiga. Nakakalungkot. Sobra. Parang hindi ko kakayaning umalis. Nasanay na ako sa ganitong buhay. Nasanay na ako sa kwartong to. Nasanay na ako sa lugar na to. Nasanay na akong nakakasama ang BtoB. Iniisip ko palang na aalis na ako parang hindi ko na talaga kaya.

Pero wala naman akong magagawa. Isang buwan lang akong mananatili dito. Nakaplano na ang lahat. Ano kaya ang mangyayari pagbalik ko sa Pilipinas? Iisipin ko bang panaginip lang ang lahat?

Tama na nga yan Mira. May date pa kayo ni Minhyuk bukas. Magpahinga ka na kung ayaw mong magmukhang panda sa date nyo!

*****

*RIIIINNGG*

Itinakip ko ang unan sa tenga ko dahil sa ingay na umiistorbo sa pagtulog ko. Nakakainis. Inaantok pa ako eh.

*RIIIIINNNG*

UGH! Nakapikit kong kinapa ang phone ko sa katabing table ng higaan ko.

"Hello..." matamlay kong sagot na hindi man lang dumidilat ang mga mata. Antok na antok pa kasi talaga ako eh.

"Wow english! Good morning, jagi." sagot ng isang masiglang boses sa kabilang linya.

"Mmm..." Halos bumagsak na ang kamay kong may hawak na phone pero pinipilit ko pa ring hawakan yun dahil baka importante ang tawag.

"Tulog ka pa ba? Hapon na ah. Nandito na ako sa labas ng apartment. Kanina pa ako nagdodoorbell pero hindi mo binubuksan." sabi nya.

Humikab ako. "Mmm. Shige. Good night." Antok pa talaga ako.

"Mwo? Anong goodnight? Papasok na ako ah. Alam ko naman ang passcode eh."

Agad akong napabangon pagkarinig ko nung sinabi nya. Nawala lahat ng antok sa katawan ko!

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!