MUWTBBL 4 ♣ MONSTER

113 5 0

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Messing Up With The Butterfly Boyce Leader♠Chapter 4—Monster

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

••• ETHAN'S POV •••

Ya. Mats. Ang isang Seiji Abrena, magseselos nang ganyan dahil sinabihan ako ni Ms. Magandang Alien na "So handsome"?

Pffft gusto kong matawa sa reaksyon nya.  Ba't bigla-bigla nalang syang nagalit ng ganyan?

Seiji Abrena. Sya lang naman ang pinapangarap ng mga kababaihan. Baket? Mala-Mr. Perfect na kasi. He has the looks, the wealth, the brain, and everything na paglalawayan ng mga babae. Ang wala lang sa kanya? Love. Yung si Aja. Simula nung araw na yun, bumalik na naman sya sa pagiging heartless & emotionless nya. Yung worse pa ang kanyang ugali nung hindi nya pa nakilala si Aja.

Kaya ngayon, ni hindi sya tumitingin sa mata. At kung titingin man sya, yun yung blank lang. Walang emosyon. Yung pagkawala ni Aja, nagiging malala na ang ugali nya. Palagi na syang galit at hindi namamansin ng mga babae. Parang may allergy na sya sa mga babae.

Kaya ngayong malapit na syang mag-18.. ipapakasal sya kay Maraiah. Para sa pagmerge ng kayamanan ng kanilang pamilya. Pero, ayaw nyang makasal sa babaeng yun dahil hinahanap pa nya si Aja. Kaya para hindi sya makasal kay Aja, nabuo ang operation. Kelangan namin ng isang babaeng magiging "fake" girlfriend nya na hindi nagkakagusto sa kanya para may panahon pa syang maghanap kay Aja. At feeling ko, nahanap na namin ang babaeng yun.

Pagkatapos umalingawngaw ang sigaw ni Seiji dun sa tindahan nya, nanlaki ang mata ni Ms. Magandang Alien.

Ang isang kamay nya ay tinatakpan ang bibig nyang nagpipigil ng tawa. At ang isang kamay naman ay nakaturo kay Seiji. "Omyghaad! Nagseselos ka ba?"

Pffft hahaha! Ano daw? Medyo malakas pala ang hangin ng babaeng ito. Ibang klase!

Pati si Seiji, nagulat sa sinabi ni Ms. Magandang Alien. Pero hindi nya ito pinapahalata. Hindi ako makapaniwala, ilang beses na nyang tiningnan sa mata si Alien, pero blank look pa rin. Pero kahit na! "In your face, Alien!" sagot ni Seiji.

"Oh? Anong problema mo sa mukha ko? Problemahin mo mukha mo dahil ampanget! Paksyet! Ang sabihin mo, nagseselos ka kasi bakla ka! Waaahahaha! Bakla! Nagseselos ka kasi kinausap ako ni Ethan! Hindi ka pa ba sinasagot nitong kaibigan mo? Oy.. ang sweet naman, nagseselos sha..(*w*)" tawang-tawang sagot ni Alien. Yamats! Paglalamayan talaga tong babaeng to! Patay to kay Seiji! Sinabihan ba namang bakla sya? Kahapon nga, muntikan na akong mamatay dahil hinagisan ako ni Seiji ng kutsilyo. Buti at pogi ako, kaya nakailag ako. Sinabihan ko lang naman sya kahapon na "Ang init ng ulo mo, Seij! Pwede nang paglutuan ng itlog! Yamats hahaha" Yan lang ang sinabi ko pero papatayin na nya ako! Ano pa kaya kung sinabihan syang bak—

"Shut the fvck up, Alien!" Yamats?! Yan lang sinagot ni Seiji? Walang anumang ginawa? Aba, first time to ah.

"Owkeey, hihi" sabi ni Alien na nagpipigil ng tawa at nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa bibig niya =_____=" Ang unfair naman ata nun. Hindi sa gusto kong patayin ni Seiji si Alien pero— bakit pag kami na tropa nya, mapapatay na nya? Samantalang sinabihan lang ng magandang dilag na "bakla" hindi na lumaban.

••• APHRODITE'S POV •••

Wahaha! Grabe, sarap humalakhak dito! Kaya pala galit na galit sya kanina, akalain nyong may gusto sya kay Ethan? Bakla talaga! Masyado syang possessive di ba? Ni ayaw nyang tinitingnan ako ng ibang katropa nya dahil natatakot syang kausapin din ako tas magseselos sya! Omyghaad! Alam kaya to ng kagrupo nya? Pwes, ang galing nyang magtago.

Messing Up With The BUTTERFLY  BOYCE LEADERBasahin ang storyang ito ng LIBRE!