Grammatical and spelling errors EVERYWHERE.

__________________

Quinn POV

"You dont fit here !"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na narinig ko habang naglalakad sa corridor.

"You dont belong here !"

Mean girls, may binubully nanaman sila. Nakaluhod ang babae para damputin ang nagkalat na gamit na ginulo ng mga nambubully dito.

I hate weak people. But i kinda feel upset sa nakikita ko.

Tumuloy ako sa paglalakad.

"Ang kapal ng mukha mong dito mag aral !"

**PAK**

"Bagay lang sayo yan!"

Di ko napigilang mapahinto at mapalingon ulit. Wala na yung dalawang babae. Mukhang nasampal ang babaeng binully dahil nakahawak ito sa pisngi.

She looks fragile. Maputla ang balat, mahaba ang buhok, makapal ang bangs, tama lang ang tangkad nito at... at mukha syang manika sa paningin ko.

Napansin ko din na mukhang luma ang suot nuto,from her school uniform,to her school bag and to her shoes.

I sighed. Di dapat ako maawa. Kasalanan nya rin yan. Pinabayaan nyang ganyanin sya ng mga taong nasa paligid nya.

She's a weakling.

Nagtuloy tuloy ako sa classroom.

"Quinn !" sigaw ni Elijah ng makita akong pumasok. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "Namiss kita."

Napangiti ako sa narinig ko. Di ko maiwasang kiligin.

^////^

"Ako din." sagot ko.

Bumitaw sya sa pagkakayakap.

"Dont do that again ok ? Wag mo ulit akong dededmahin. Next time magtext ka kahit 'ok' man lang." pinisil nya ang ilong ko. "Tara na upo na tayo."

Sabay na kaming naupo sa upuan namin.

Di nagtagal ay dumating na ang teacher namin. Kasabay nitong dumating yung babaeng nakita ko kanina.

"What is she doing here!?"

"My God ! Look at her,ang kapal !"

"Dito pa talaga nagenroll. Ilusyonada talaga !" sabi ng mga kaklase ko.

Elijah smirked. "Poor girl. Dapat di nalang sya dito nagaral. Tssss. Ngayon may bagong laruan nanaman sila hahaha." sabi nya.

Siniko ko aya. "Quiet Elijah,quiet."

"Ok. Haha."

"Class tahimik !!!" sigaw ni maam. Nanahimik naman sila. "You have a new classmate. Miss,please introduce yourself."

Mula sa pagkakayuko, itinaas nito ang tingin. Mukhang nahihiya sya.

"H-Hello a-ako...s-s H-Heidee... Heidee P-Perales."

"Lakasan mo!" sabi ni maam.

"A-Ako si Heidee Perales, 16 years old."

"Yun lang ?... Hay nako sige na maupo kana dun sa tabi ni Mr.Montreal." tinuro ni maam yung tabing upuan ni Elijah.

"Tssss. Dito pa talaga eh." sabi ni Elijah. Nakasimangot ito.

Nakayuko namang tinungo ni Heidee Perales yung upuan at naupo na.

Tahimik lang sya sa buong klase.

Si Elijah naman panay ang 'tsk'. Ayaw nya ata makatabi si Heidee.

Yung iba kong kaklase pasimple syang binabato ng papel.

Pinipilit kong wag pansinin ang nangyayari sa kanya.

Inis na inis na ako sa ka-weak-an nya.

May part sa akin na naawa sa kanya and i hate it.

Pagkatapos ng maghapong klase ay pauwi na kami ni Elijah. Pagkatapos iligpit ang gamit, hinatak na nya ako papunta sa gate.

"Go away slut !"

"Youre a fucking whore !"

"OMG, dinudumihan mo lang tong school nato !"

Nakasalubong namin ang kumpulan ng mga mean girls. Napapagitnaan nila si Heidee Perales. Of course binubully nanaman nila. At nagpapabully naman sya.

Nang mapatapat kami, medyo bumagal ang lakad ko.

Napalingon ako kay Heidee.

Napalingon din sya sa akin.

Nagtama ang mga mata namin. Nagkatitigan kami.

Nakikita ko ang takot sa mata nya. Paiyak na sya. Nangungusap ang mga mata nya. Para akong namamahika.

Nakaramdam ako ng awa.

Magsasalita at pupunta na sana ako sa kanya. Hinila ako ni Elijah.

"Hayaan mo sya. Choice nyang ganyanin sya. Tara !"

Hinila nya ako palabas ng school. Napapikit nalang ako ng mariin. Huminga ng malalim. Sumabay nalang din akong maglakad kay Elijah.

'Thats right...Choice nyang magpabully. Masyado syang mahina.'

-BMDRedqueen

JUST MINEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!