For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Proving the world that I love her

120 17 7

Break time. 

Pagkatayong-pagkatayo ko ay kinuha ko ang phone ko. Nakuha ko pang-mag-status sa facebook habang naglalakad. 

"TGIF ~ HAPPY Weekend"

Yan ang status ko, that just mean weekend is Happy day with..Happy of course.

 

"Sabay na tayo mag-lunch. Saan ka ba kumakain dito? O siguro may baon ka no?" 

Nagulat pa ako nang may biglang magsalita sa likuran ko habang ako ay papalabas na. Magka-height sila ni Happy kaya nakatingala sya akin. 

"Ah..hi-hindi lalabas ako."

"Sige..sabay na 'ko." Ang nagmamadaling si Loren na agad na nakuha ang bag nya.

Sa kalapit na fast food kami kumain. Naiilang man ay hindi ko nalang binigyan ng kahulugan ang lunch out na iyon.

Habang kumakain, natatawang tinignan ko nalang ang kaninang status ko na may mga comments na pala. 

"Yun oh..family day ba?" si Randy yun, college friend ko kilala nya syempre si Happy.

"HAPPY weekend nga." Si Carla, pinsan ko.

"Patay tayo dyan..sunod nyan best wishes na nyahahahaha.." pangungulit ni Sol common friends din namin. Habang si Shut at Mari ay mga nag-like lang. 

Kinagabihan.

"Nay..mano po."

"Kaawan ka ng Diyos." 

Kinukuha na ni Happy ang mga bitbitin ng ina sabay sabi.

"Nay..ano po..nabilhan nyo po ba ako ng kamatis?" 

"Oo nandyan."

Sa lalabas ng banyo na ina. Nagulat ito nang makitang kinukuha ni Happy ang juice ng mga kamatis

"Nay..heto..pwede po ang mga ito pang-gisa." 

Itinabi nya ang kamatis sa ref. na nahiwa-hiwa na.

"Akin naman ang mga juice na ito." 

Sabay lingon sa lababo. Naghilamos. Pagkatapos ay pinatuyo ang mukha at tsaka ipinahid ang juice ng kamatis sa kanyang mukha habang nakaharap sa salamin sa banyo. Nang makita ang ina na nakamasid sa kanya ay sya nang nagpaliwanag.

"Nay alam nyo ba mainam ito para ma-prevent ang pimples..at kung may pimples na papatubo palang ipe-prevent nito ang pamamaga ng taghiyawat at mabilis itong matutuyo."

"Ganun ba? Akala ko naman kung para saan mo gagamitin ang mga yan? Kung makapag-paalala ka eh ganun ganon na lamang." Ang nauupong ina sa kama.

"Ang tagal ko na po kasing hindi ito ginagawa..ayan may nararamdaman tuloy akong pimples na papausbong na. Nakakalimutan ko po kasing bumili ng kamatis eh."

"Hay naku..bahala ka dyang bata ka." ang nagaayos na ng kanyang dalang mga damit na si Aling Feliz.

Araw ng Sabado ngayon at napagkasunduan naming isama sa panonood ng sine si Nanay Feliz at ahit paano ay napasaya namin si nanay ng mga sandaling iyon. Kinagabihan ay iniwan ko silang kausap sa skype ang kanilang Padre de pamilya. Ilang sandali pa ay kumaway na ako kay tatay at ako ay nagpaalam nang umuwi.

"Asan ang kiss ko?" pangungulit ko kay Happy nang ihatid nya ako sa pintuan.

"Asan nga ba? Teka kukunin ko." Ang natatawa at may paglalambing nyang sagot na tumalikod pa kunwari.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon kaya hinila ko sya sa baywang tsaka ko sya hinalikan.

"Bye..ingat ka." Ang may pagmamahal nyang sambit matapos ilayo ang mga labi nya sa akin.

"Ok..love you." Sabi ko pa habang nakatitig sa kanya.

"Love you too..." sa pagsagot nyang iyon ay nakuha ko pang muling halikan ng mabilis ang kanyang labi pagkatapos ay tinulak na nya ako palabas. Kawayan pa bago nya tuluyang isara ang pinto. 

Pagkalabas ko ay siya nang dive ni Happy sa kama. Nakadapa siya katabi ang ina na nakadapa din habang kausap si Tatay Kardo.

"Mahal..parang pumayat ka yata." Bati ni Nanay Feliz.

"Oo nga po. Parang bumagsak ang katawan nyo tay..kumakain ka po ba sa oras?" tanong ni Happy.

"May dinaramdam ka ba mahal?" dugtong ng ina nya.

"Kayo talagang dalawa oh..kung ano ano ang pinagiisip nyo..wala..ok lang ako. Kayo ang dapat na nagiingat dyan ha."

"Tay yung sulat ko ha.." singit ni Happy.

"Oo na..ikaw talaga Ligaya." Biro ng ama. At sila nga'y nagtawanan na.

"Tay, ano na po? Isang taon na ah..akala nyo nalimutan ko na yung promise nyo..kailan ba talaga kayo uuwi?" bigla'y naalala ni Happy.

"Ayan na nga..nagtanong na." Si nanay.

"Basta..mga November darating ako."

"November pa..katagal naman eh March palang Tay eh..ang tagal tagal naman."

Hayan na nga..matagal-tagal ulit na diskusyon ito. Marahil ay hindi na titigilan ni Happy ang ama na nasukol na naman nya. Kaya ang ina ay pinatay na ang ilaw. Ang tanging liwanag na lang na naiwan ay ang ilaw na nililikha ng laptop.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!