Chapter 1

"Hoooy. Jaquie Chan! Hintay lang naman! Para kang kabayo. Ang bilis mong tumakbo. May karera ka ba?" sigaw ng bestfriend kong si Bruh. Si Bruh Ha.

"Eh kasi naman eh. Ang bagal bagal mo. May kailangan pa kaya tayong ipasa dun sa prof nating si Ms. Mhal Dita na parang araw-araw may regla sa sobrang sungit. Hanggang 6pm lang palugit nun sa atin. Kaya bilisan mo na nga dyan." Sabi ko sa kanya at sabay kaming tumakbo papuntang Math building dahil doon parating nakatambay si Ms. Dita.

Matapos ang napakahabang takbuhan, nakarating narin kami sa Math building at nakitang naka upo doon si Ms. Dita.

"Hu. Ha. Haaay. Ahmm, Ms. Ito na po yung project namin" sabi ni Bruh na hinihingal parin. Ilang milya ba yung tinakbo namin? Ang laki laki naman kasi nitong Aim High University.

"Buti naman at nakaabot kayo. Kakapatak pa lang ng 6:01. Sige, pwede na kayong umalis at eto na mga I.D. nyo. Bilis. Labas na. Shuu. Shuu" pagtataboy ni Ms. Dita sa amin pagkatapos nyang binigay yung mga I.D. namin.

"Haaaay. Kahit kelan ka talaga Bruh! Ang tanga tanga mo tapos ng dahil sayo napahamak pa ako. Muntik na tuloy di maibalik sa atin I.D. natin. Ang ingay ingay mo kasi." Pagsesermon ko kay Bruh habang papalabas na kami sa campus.

"Heeeh. Sorry naman kasi. Di ko naman sinasadyang maihulog yung project natin sa kanal ano. And tsaka di mo kasi ako kinakausap kanina kaya kinukulit kita habang nagkaklase. Malay ko bang mas malinaw pa pala sa mata ng agila yung mata ni Ms. Mhal Dita at nakuha pa nyang makita tayo kahit nasa pinakalikod tayo. At malay ko bang kukunin nya yung mga I.D. natin. Inggit talaga yun sa mukha kong maganda." Pagtatanggol nya sa sarili nya.

"Haaay. Ewan ko talaga sayo Bruh Ha. Wala narin akong magagawa. Tapos na eh. Sige na, umuwi na nga tayo." Sagot ko nalang sa kanya nung nakarating na kami sa may gate ng campus.

"Sige. Sige. Nandito na din kasi si Dad. Bye bye Jaquie Chan. Hahaha. I really love your name girl. Haha" sabi nya sabay pasok sa kotse ng Dad nya.

"Heh. Sige na. Bye na din. Bruh Ha. Hahaha. Bye din po Tito Peter" sabi ko sabay senyas ng bye bye sa kanila.

"Bye din. Jaquie." Sagot ni Tito sabay pinaandar ang kotse at umalis na. Haaaaay. Kahit mayaman yung bestfriend kong yun, buti nalang di talaga sya mata-pobre. Bruh Ha lang talaga hahaha.

Kapagod talaga ng araw na ito. Kung mayaman lang talaga ako, di ko na kailangang maglakad pa sa kanto para pumara ng masasakyang jeep.

Haaaay, buhay nga naman. Sana hindi masikip sa jeep pag dating ko doon sa kanto. Kastress kasi kung ganun.

Pagdating ko sa kanto, mabilis akong tumakbo para makaupo sa front seat. Ayaw ko kasi sa likod kasi grabe ang sikipan kumpara mo dito sa front seat na dalawang pasahero lang ang pwedeng makaupo katabi nung driver. Yung driver kasi ng mga jeep dito sa kanto, sumisigaw pa ng 'apat nalang apat nalang' na sa katunayan, para ng sardinas na nagsisiksikan yung mga pasahero sa loob. Kainis. Sila isiksik ko dito sa loob ng jeep eh. Makita nila.

Habang naghihintay naman ng isa pang pasahero para umandar tung jeep, inipit ko yung I.D ko sa libro na hawak ko at kinuha yung earphones ko at nagpatugtog nalang ako. Nakakapagod kasi. Iidlip na muna siguro ako. Pero, nung ipipikit ko na sana ang mga mata ko, may naramdaman akong tumabi sa akin. Hay salamat. May sumakay narin. Gusto ko na kasing makauwi sa bahay para makatulog narin ng mahimbing. Umayos ako ng upo para narin makaupo ng maayos yung katabi ko.

"Salamat." Sabi nung katabi ko nung napansin nyang umurong ako ng konti para komportable syang makaupo kaya nilingon ko sya.

Oh my Golii woooww. Anak ng paminta naman oooh. Ang gwapo nyaaa. Nakakawala ng pagod tung kagwapuhan netong lalaking eto. Stress reliever kung baga.

"A-ah-eeh. Walang anuman" nauutal na sagot ko sa kanya at ngumiti ng konti. Ngumiti naman sya ng konti at konti nalang malulunod na ako sa kagwapuhan nya. Haaaay. Ang lande. Tumigil ka nga Jaq. Lalaki lang yan. Tumingin nalang ako sa kalsada habang nagmamaneho yung driver. Ano ba naman yan. Para na akong statwa sa kinauupuan ko. Ewan ko ba. Parang nahihiya akong gumalaw. Sobrang gwapo lang kasi netong katabi ko eh. Maputi, malinis, matangos ang ilong, hindi mukhang nagjejeep, ang ganda ng mga mata, parang may lahing hindi Pilipino. Yung tipong mga tinitilian na mga Korean guys ng mga batang babae ngayon. Haaaay. Yan ka nanaman sa pagdedescribe ng kagwapuhan Jaq. Nahahawa na talaga ako kay Bruh. Pahamak na Bruh talaga yun. Nilalason nya ang inosente kong pagiisip at pagkatao.

Konting konti nalang at makakarating na ako sa bahay. Kitang kita ko na yung dati'y kulay puti naming gate na ngayo'y naging pula na ng dahil sa kalawang na dahil parating nababasa ng ulan.

"Dito nalang po manong ." Sabi ko at nagulat ako nung bumaba yung lalaking katabi ko para makaraan ako ng maayos pababa ng jeep. Nako po, Diyos ko, ang gwapo na nga nya, gentleman pa. Nako konting konti nalang magsisigaw na ako sa kilig. Kaya mabilis akong bumaba ng jeep at patakbong pumasok sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay, tila parang gulat na gulat sina nanay sa pagbukas ko ng pinto at pagsirado nito ng mabilis.

"Oh. Anak. Nandyan ka na pala. Anong nangyayari sa'yo? May humahabol ba sayo?" pag-aalala ni nanay.

"A-Ah-eh. Wala po nay. Asong gala na parang may rabies lang po." Pagkukunwari ko nalang sabay mano kina nanay at tatay.

"Kala ko kung ano na. Oh sige kumain ka na. Tapos na kami kumain at maututulog na kami ah. Goodnight anak." Sabi ni tatay.

"Sana. Nakagat ka nalang ng tuluyan. Hahaha" singit naman ng kapatid ko sabay ligpit ng gamit nya.

"Sige po tay. Goodnight din po. Heh, tumakbo ka na Benben kung ayaw mong kilitiin kita hanggang sa mamatay ka." Sagot ko at pumasok na sila sa mga kwarto nila habang ako mag-isang kumakain sa hapagkainan. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago naghilamos para mapreskohan naman ang katawan ko kahit konti.

"Haaaay. Salamat. Makakatulog na din ako." Sabi ko sabay ayos ng kama ko at sabik na sabik ng mahiga sa kama. Buti nalang alas diyes pa ng umaga pasok ko bukas. Masarapsarap na tulog din to.

Paghiga ko sa kama, nilagay ko narin ang cellphone ko sa tabi ko para narin marinig ko ang alarm. Mahirap na, baka masobrahan sa tulog. Hay salamat, makakatulog narin.

"Goodnight Pilipinas. Makakatulog narin sa wakas si Jaquie Ch- -" Natigilan ako ng ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng tumunog yung cellphone ko.

"Ano ba naman yaaan. Gabi na, may text parin. Ito talagang si Bru- -" Natigilan ako nang makita ko yung text sa cellphone ko.

From: +639*********

Hi Jaquie :)))

Eh? Sino naman to?

To: +639*********

Sino to?

Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang cellphone ko.

From: +639*********

Si Rich. Yung katabi mo sa jeep kanina :)))

Favorite PainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!