Act One

171 10 3

Pain and Pleasure

"You ready?" Nanginginig akong tumango sa kanya. I know it would create pain at first but it will fade later on. Mapapalitan din 'to ng ginhawa at the same time sasaya ka pa.

Sabi nya sakin once na matry ko na 'to hahanap-hanapin ko na. Masakit at mahapdi sa una lalo na kapag first time daw kaya kinakabahan ako lalo na sa magiging kalalabasan nito. I don't know how does it feel, nakukuwento nya lang sakin dahil lagi nyang ginagawa 'to. He's expert with this kind of stuff.

I trust him. Really. Kaya kahit na kinakabahan ako sa ginagawa namin di ko mapigilan ang maexcite. Sabi nya kasi masarap daw to sa pakiramdam kaya naniniwala ako sa kanya. Besides, naiingit din ako sa mga kaibigan ko, ako na lang kasi ang walang experience sa ganitong bagay. Kaya pinipush talaga nila na itry ko na daw 'to. Sabi kasi nila mas magiging ganap na babae daw ako kapag nasubukan ko na 'to.

"Don't close your eyes Heart, look at me straight." Medyo pinagpapawisan na din ako. No.. I really am secreting so much sweat right now kahit na may aircon dito sa loob ng condo ko.

Sinunod ko ang sinabi nya hindi ako pumikit at pinakiramdaman ang ginagawa nya. I saw him holding it. Bigla na naman akong kinabahan. Will it suit? Ghad! Paano nila natitiis yan? I can't imagine na kayang ipasok at ilagay yan. Baka tumirik ang mata ko dyan.

Napaka-ignorante ko talaga sa mga ganitong bagay. I felt bad for myself. In my 22 years of existence, di ko akalain na ngayon ko lang 'to magagawa.

"M-moon.." tawag ko sa kanya. Napakapit ako sa braso nyang busog sa muscle. Bilib din ako sa kanya ee. He still managed to be physically fit.

"Don't be nervous. Tsaka wag kang manginig mas masasaktan ka kapag nagkamali ako ng pasok at lagay." Sabi nya. Pinigilan kong wag manginig sa takot na masaktan. Hindi na nga rin ako halos kumukurap. Ay, hindi na talaga ako kumurap.

Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi pero tiniis ko iyon dahil alam kong masarap ito sa pakiramdam tulad ng sabi nya.

Maluha-luha ako ng maipasok nya na at talagang inayos nya pa. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Now I know how does it feel.

Dumilat ako at pinakiramdaman ko ang bagay na iyon, the feeling is heaven.

"One more time." sabi nya.

"Ulit? Agad-agad? Pwedeng magpahinga muna. Nangangalay na ko eh." daing ko. Sumasakit na ang katawan ko dahil kanina pa kami sa ganitong posisyon. Ang mga lalaki talaga hindi mabilis mapagod. Ang taas ng stamina.

"Ngayon na para isang sakit at hapdi lang ang mararamdaman mo. Come on, nang matapos at makaraos na tayong pareho." Pumayag na ako para matapos na namin 'to. I don't want to prolong the pain.

Nang matapos sya ay naramdaman ko syang tumayo. Grabe! Hindi man lang ako hinintay na makadilat.

"How does it feel?" I blink a couple of times bago ko sya sagutin.

"Medyo mahapdi." sagot ko tsaka tumayo.

"Hurry up at magbihis ka na. Baka magwala na si Hexa at Crescent. Haay! Yung mga babaeng yun sakit sa bangs eh!" he said in a very feminine voice.

Moon Matthew Tan is absolutely gay. He preferred to call him Moon. Pero hindi sya katulad ng ibang mga bakla na sobrang lantaran ang pagkabakla. Lalake pa din naman syang manamit. Tsaka sa unang kita mo sa kanya hindi mo aakalaing bading sya dahil sa laki ng mga muscles nya sa braso, triceps at biceps. May six pack abs din sya. Sayang talaga ang sperm nya kung hindi malalahi-an. Tsk Tsk Tsk.

Half-chinese yan at itinakwil na ng pamilya nyang mga intsik dahil hindi nila tanggap ang pagkatao nya. Mabuti na lang at nakapagtapos na sya ng pag-aaral bago sya maitakwil kaya ngayon ay maganda ang buhay nya. He's a well-known fashion designer.

Fifty Shapes of GrapesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!