For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Prologue

31 1 0

                         Prologue

‘Wonder woman? Storm? Superman? Hulk? Thor? O lahat pa ng superheroes na kilala ng lahat Jaq, walang binatbat sayo. Tandaan mo yan. Daig mo pa super powers nila. Kaya mo yan Jaquie. Medyo masakit nga yan pero magiging masaya ka naman sa huli. Konting sakripisyo lang. Para din naman to sayo eh.’ Sabi ko nalang sa sarili ko na parang ito nalang ang pampalakas ko ng loob.

Matiyaga akong naghintay sa gilid ng kalsada. Malapit ng lumubog ang araw. Sa loob ng tatlong taon, wala na akong ibang ginawa kundi ang maging parang isang asong sumunod-sunod kay Rich. Kahit nga ang plano kong ito na pag sunod sa kanya, alam ng bestfriend ko pero, wala parin syang nagawa para pigilan ako. Sundan si Rich sa campus, sundan sya hanggang sa building nila kahit pa ang layo layo ng building ko na Engineering mula sa building nilang Business Ad. Sundan si Rich sa mall, sundan si Rich sa every meeting nya sa Student Council, at sundan si Rich pauwi. Pero syempre hanggang sa labas lang ako. Kahiya naman kasi, hindi naman kasi ako mayaman. Kung baga sa Classification ng estado sa buhay na natutunan ko sa Economics namin nung nasa 4th year high school palang ako, pasang-awa lamang ang estado ng pamilya ko na konting angat lang naman ang itinaas sa poverty line. Hindi naman kami naghihirap. Tama lang na mabili namin yung mga pangangailangan namin at kailangan mo nang pag-ipunan kung may nais kang bilhing mga luho. Pero kung ikukumpara mo sa pamilya nila Rich, kagaya nalang ng pangalan nya, magmumukha lamang akong basahan kung ididikit sa kanya.

Kung alam nyo lang kung gaano ko kagustong kausapin si Rich. Kung alam lang nya kung gaano ko sya kagustong kausapin. Siguro kung alam nyo, aakalain nyo na sigurong malapit na akong masiraan ng bait. Para naman kasi akong nangangarap na mahawakan ang buwan kahit napaka-imposible naman nun. Paano ako makikikompetensya dun sa mga malalanding babae na magaganda, mapuputi, matatangkad, kutis porselana’t mayayaman na nagkakagusto kay Rich? Isa lang naman akong mahiyain pero hindi rin yung nagmumukmok lang sa kwarto ah, kayumanggi ang balat, tama lang ang height, okay lang naman ang mukha na katanggap tanggap naman din kahit papaano sa lipunan at ang pinakamasakit sa lahat nasa Class C lang ang pamilya ko habang sila naman nasa Class A+++. Isang Chan lang naman ako kumpara sa kanila na Enriquez. Haaay. Saklap talagang isipin. Nakakasira ng bait.

Pagkatapos, bigla kong narinig na tumunog yung sasakyan nya. Nandito kasi sya sa isang restaurant kung saan naisipang mag meeting ng Student Council. Ang arte kasi nung President nila, gusto talaga sa labas ng campus mag meeting na pwede namang sa school nalang.

Eto na nga, papalapit na sya sa kotse nya. Eto na talaga Jaq. Wag kang bumalak na umatras. Sobrang tagal mo ng naghintay. Ngayon ka pa ba aatras?

Huminga ako ng malalim nang makita ko na syang pumasok sa kotse nya at nagsimula na akong maglakad papunta sa gitna ng kalsada.

Hindi ako mamamatay.

Hindi.

Hindi.

Masamang damo ka Jaq.

Imposibleng mangyari yun.

Pinikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang pag break ng kotse ni Rich. Siguro naman mabubuhay parin ako na may siyam na buhay kagaya ng mga pusa kung natapakan nga talaga ni Rich ang break. Pero kung hindi naman, alam naman ng buong pamilya ko na mahal ko sila. Naging mabuting anak naman ako kina Ronaldo at Josephina. Minahal at inalagaan ko naman ng mabuti ang kapatid kong si Benben. Parati ko naman napapangiti ang bestfriend ko. Naging mabuti naman ako kahit sa mga pusang naligaw sa bahay namin. Siguro naman, marami-rami naring makikiiyak sa burol ko kung sakali man.

Isa
.
.
.
.
.
.
.
Dalawa
.
.
.
.
.
Tatlo
.
.
.
.
.
Apat
.
.
.
.
.
Limaaaa

At mula sa bilangang iyon, nagbago ang lahat.

Favorite PainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!