For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

She's not just normal, she's very natural

124 17 7

Isang gabi habang nagpapaantok.

"Loka..bakit ayaw mong mag-face book? Paano ka namin makaka-daupang palad nyan?" tanong ni Shut na kausap nya sa Skype.

"Eh ayoko nga..ang bilis maka-ubos ng oras yun." Nakadapa sa kama si Happy habang kausap ang kanyang besty.

"Ah ganon bisi? Eh halos wala ka naman na yatang ginagawa sa work oh."

"Grabe ka huwag kang ganyan. Oy yun letter mo ha di pa dumarating."

"Ayan dyan ka magaling talo mo pa holdaper sa kahihingi ng sulat o card. Ayoko na..mag-face book ka nalang para lahat ng events mo makikita ko..kaya instagram sistar..dali igagawa kita wait."

"Sige lang gawin mo..hindi ko naman yan bubuksan." Si Happy na dumila pa.

Maya-maya pa nga ay kausap nya narin si Mari. Duon nila inubos ang kanilang oras lalo pa't magiisang taon na buhat ng huli silang nagkita-kita. Kwentuhan at malalakas na tawanan ang kanila na namang pinagsalu-saluhan.

Sabay pang tumili sila Shut at Happy nang ibalita ni Mari na nag-propose na sa kanya ang long-time bf nito. Lalo pa nga si Shut na mawala-wala pa sa camera dahil sa paglundag-lundag. 

"Oh eh ikaw naman Shut? Kamusta na? Ano nang nangyayari sayo dyan?" tanong ni Happy bigla.

"Ah..ako..heto nangangarap padin. Hirap mag-adjust kasi. Jowa? Waley pa sisters mahirap na..alam nyo na..malandi ako oo, pero matatakutin ako."

At nagsimula na naman silang magtawanan.

"Oo tama lang yan..magiingat ka dyan." Payo ni Happy sabay sya naman ang tinanong ni Mari.

"Oh eh ikaw Happy? Happy padin ba?"

"Ako..oo naman. Magpapapalit ako ng pangalan kung hindi.."

At...sasabihin ko pa ba? At ayun sila na naman nga ay nagtawanan.

"Parang nagkaka-eye bags ka Happy." Bati ni Mari.

"Oo nga.." sang-ayong sagot ni Shut.

"Ha..talaga?"

Umupo si Happy at inabot ang salamin. Sinipat-sipat ang ilalim ng kanyang mga mata..bago nagpaalam.

"Wait ha."

Tinungo nya ang refrigerator kinuha ang dalawang malamig na kutsara. Nahiga sa kama at inilapat sa mga nakapikit na mata ang likuran ng malalamig na kutsara.

"Sige lang mag-usap lang kayo..i mean magsalita lang kayo..nakikinig ako." Paliwanag pa nya habang nakahiga.

"Oy..ano yang ginagawa mo?" si Mari na nakatanga sa nakahigang kaibigan.

"Nagtatangal ng eyebags." Sagot ni Happy.

"Ay..hindi na pala pipino ngayon ang pantangal eyebags..level up..kutsara na." Pangungulit ni Shut na nakatingin din sa kanya.

"Oo..ito ang bago. Minsan pipino ginagamit ko..kapag meron..kapag wala heto nalang." Sagot ni Happy.

"Ah..so yan ang inaatupag mo sa internet?" si Shut ulit.

"Oo..kesa mag-face book marami namang mas masayang basahin sa internet diba?" pagmamatigas ni Happy.

"Push mo yan teh.." ang magkasabay na wika ng dalawa niyang kaibigan.

Araw ng Lunes, wala namang nagbago ganun parin ang ginagawa namin sa aming mga trabaho. Ngunit sa branch namin ay may bago. Kadarating nya lang..si Loren. Ipinakilala sya sa aming lahat ng aming Manager.

"Ikaw nang bahala muna sa kanya ha. Ikaw muna ang magturo sa kanya for 1 week, habang naka-leave si Beth, ok?"

"Okay Mam."

Nagaalangan ako ngunit walang magawa kung hindi sumunod sa Boss ko. Tumalikod na sya at naiwan sa tabi ko si Loren na 2 weeks palang nagta-trabaho sa amin. Sa New Accounts kami ngayon. Wala pa masyadong tao kaya nasa harap muna kami ng computer. Tinuro ko sa kanya ang mga files na kailangan sa New Accounts, pagkatos tinungo namin ang files ng mga depositors at mga for follow-ups.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!