Grammatical and spelling errors, EVERYWHERE.

________________________

Quinn POV

Tumakbo ako palayo kay Elijah. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko para itulak sya. Pati paa ko kusa ng napatakbo.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ito.

Nilagpasan ko na yung gate.

"Hoy hoy san ka pupunta !?--hoy miss bumalik ka dito !" habol na sabi sa akin ni manong guard. Napakamot nalang sya sa ulo ng hindi ko sya pinansin.

Pagkalabas,pumara ako ng taxi at sumakay. Nagpahatid ako sa bahay.

'Bakit? Bakit ganito...'

Pagkarating sa bahay,patakbo akong dumiretso sa kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama.

Hingang malalim...

Nakatitig lang ako sa kisame.

Mukha ni Eli ang nakikita ko...nakatingin sa akin...nakangiti.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko.

Parang hindi ako makahinga...

Napahawak ako sa dibdib ko...

Pinakingan ko ang tibok nito...

"E - LI - JAH" mahinang sabi ko.

Magiisang oras na ata akong nakatunganga lang sa kisame nang pumasok si Julie.

"Ahahaaaay ! Jusko !-----ay ikaw pala Quinn ! Hahahahahaha ! Akala ko engkanto ! Hihihihi. Bakit andito kana? Diba dapat mamaya pa?"

"H-Hin-... Hindi ako...makahinga." sabi ko. Kasi nga sa bilis ata ng tibok ng puso ko dahil sa realization na hindi ko pa ata matangap.

"A-Ano !?" nagpapanic syang lumapit sa akin.

Hinipo hipo nya ang noo at leeg ko. Madiin. -__-

"Hala--"

"Julie ano ba ! naman eh !"

"Reklamo kapa ! Eh ang init mo,nilalagnat kana !"

Napabangon naman ako.

And yes, pagkatayo ko, para akong nahilo. Gumewang ako.

"Kitam !" tinulak nya ako pahiga sa kama. "Dyan kalang tatawagan ko si Elijah pa-"

"Huwag !!! No ... D-Dont do that!" hinawakan ko ang kamay nya.

"Ay ang OA magreak. -__- Tatawagan lang eh ! Pa--"

"Basta !!! Wag mong...sasabihin." i sighed. "Kaya ko naman eh. Tsaka may gagawin yun. Wag ng istorbohin."

Nangunot ang noo ni Julie. Usually kasi pag may sakit ako,hangat wala si Elijah sa tabi ko, ay ang pag iyak lang ang syang tanging gagawin ko.

Julie knows na kakaiba ako ngayon. At alam ko din naman yun.

"OW-KEY ! Wag kang iiyak-iyak dyan ah!" sabi nya.

"Oo hindi. Lumabas kana nga. Hatiran mo nalang ako ng pagkain mamaya."

"Sige sige ! Pahinga kana dyan !"

"Oo na... labas na."

Then sa wakas lumabas na nga sya.

I sighed. Tumingin ako sa kisame. Napahawak ako sa noo ko. Mainit nga.

**Brrrrr** vibrate ng cp ko. Inabot ko ito.

'Hey bakit ka tumakbo? Bumalik ka dito next subject na!'

JUST MINEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!