My girlfriend is normal (part2)

107 17 11

Kinabukasan. Naisipan kong puntahan si Happy.

"Ano yan?" tanong ko sa bitbit nyang card.

"Ha..eto? Bigay ni tatay."

"Ikaw talaga..iniistorbo mo pang tatay. Inuubliga mo syang magpadala ng magpadala sayo ng mga sulat at greeting cards." Reklamo ko habang sya naman ay naglalakad na. Tinungo ang isang med size na box. Nang kanya itong buksan ay sumambulat ang mga sulat sa lapag.

"Ayos ah..puno na oh. Ano yan? Sulat lahat yan?" hindi ako makapaniwala kaya lumapit ako sa tabi nya at nakiusyoso. Habang nagbabasa sya ng isa sa mga sulat ay nakibuklat ako ng isa.

"Oy..ano yan ha? Bakit nakikibasa ka?" saway nya.

"Bakit? Masama? May tinatago ka ba sa mga sulat na yan ha?"

"Bahala ka." Sagot nya tapos nagpatuloy sa pagbasa ng sulat na hawak nya.

"Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin yun laptop na inaalok sayo ng tatay mo?"

"Yung offer mo nga noon hindi ko tinanggap e kay tatay pa."

Nagsimula akong matigilan nang ang mabasa kong sulat ay ang isa sa sulat na galing kay Max. Si Max na manliligaw nya nung H.S.

Dear Happy,

Malapit na ang Graduation. Nalulungkot ako kasi baka hindi na kita makita. Pero kahit anong mangyari hindi na kita makakalimutan. Hinihiling ko nalang na sana isang araw makita kita ulit sa hinaharap baka duon may pag-asa na ako sayo. Hangad ko ang kaligayahan mo at tagumpay. Happy Garduation Day! Congrats to us. Cheers!

 

P.S. I still Love you.

Max

"Ano 'to ha? Bakit tinatago mo pa ang mga ganitong sulat?" hindi ko alam kung tumaas ba ang tono ko noon pero alam ko nagselos ako nang mabasa ko iyon. Maging sya ay nagulat sa akin kaya hinablot nya yung sulat at kanyang tinignan.

"Ano ka ba?Ang tagal-tagal na nyan?"

"Yun nga eh..matagal na..bakit kailangang itago pa?"

"Ayyyyyyy..nagseselos ka 'no?" ang natatawa nyang sagot at umismid lang ako.

"Ayos sa collection eh no?" ang mahina ngunit padabog kong sagot bago pahagis na ibinabalik sa box ang mga sulat na kusang bumabagsak kasi naman ay punung-puno na.

"Kita mo na..para na 'tong drop box..ano yan may mananalo ba dyan ha?"

"Ikaw talaga.."

"Ano ba?" saway ko sa kanya dahil ginugulo nya yung buhok ko.

"Hindi ko lang magawang itapon ang mga yan kasi may effort ang mga 'yan nung mga gumawa and hindi mo ba alam, love letters are a written documents of a persons history," paliwanag nya.

"It's a written memory. Gusto kong maalala ang nakaraan ko sa mga sulat na yan..at hindi mo ba alam dahil sa mga yan matututunan nating balikan at kilalanin ang mga taong naging bahagi ng ating buhay at mga taong tumulong sa atin. Kaya sige na huwag ka ng magalit." pagpapatuloy nya at pagkatapos ay paamong sumandal pa sya sa balikat ko.

"Eh yung mga binigay ko? Nandyan ba?"

"Oo naman!"

"Ilan? Bilang mo ba?" dito'y umalis sya sa pagkakasandal at dumakot ng sulat sabay sabing..

"Ah..gusto mo ba bilangin ko..sandali ha...makakapaghintay ka ba? Kasi aabutin ako hangang bukas nito kaka-sort out ang dami eh.." at kanya ngang inisa isa ang sulat.Nagulat nalang sya ng bigla ko syang hilahin patayo.

"Hindi na tara na..nagugutom na ako. Kumain tayo sa labas."

"Ah wait..nga pala speaking of laptop..ayun oh..pinadalhan parin ako ni tatay..ang kulit."

Nang sundan ko ang daliri nyang tumuturo sa kama ay nakita ko nga duon ang package. Binuksan ko iyon agad at sinet-up. Maya-maya sya naman ang nangulit.

"Uy..ano ba?Akala ko ba kakain tayo?" 

"Mamaya na.."

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!