Chapter 35: Tampo si Sweetheart

171 10 3

Avery's P.O.V

     Last night. . .

    9pm na ako nakaalis ng clinic. Hinintay ko na makayanan na ni Danny ang sarili niya. Kaso, hindi ako nakapunta sa date namin. Pupunta pa ako sana sa restaurant kaso biglang bumuhos ang ulan. Wala akong dalang payong kaya umuwi nalang ako. 

     Pagkarating ko sa bahay, tinawagan ko siya.

Calling . . .

Sweetheart coh 

*end tone*

     Hala?!?!?! Binabaan niya ako?!?! Doon ako nagsimulang natakot at kabahan . Na baka galit siya sakin. Or, wala nang baka. Galit siya talaga siya sakin. Galit ang sweetheart ko. Nagtatampo ang sweetheart ko.

     Nag-try ako ulit.

Calling . . .

Sweetheart coh 

     Ring lang siya ng ring. Pero walang sagot. Binaba ko nalang. Pagkatapos ay tumawag ako sa personal landline niya.

*ringing tone*

Voicemail:

      Hi!! Ranz Kyle here. Sorry kung hindi ko masasagot ang tawag mo ngayon pero babalikan ko naman. Promise. Mag-iwan lang ng mensahe after the beep.

*beep*

     "Ah, hi Ranz. Avery ito. Alam kong nandyan ka at galit ka sa akin. So sorry talaga. Sorry sa hindi ko pagsipot sa date natin. Pero promise, babawi ako. Sorry talaga Ranz. I'll explain it all tomorrow sa school. So sorry ulit. Sorry sweetheart. Happy 5th monthsarry sa atin. I Love you so much sweetheart ".

      Pagkatapos ay binaba ko na. Medyo malungkot ako kasi galit siya. Hindi ko naman din sinasadya na tumulong sa ibang tao na nangangailangan ng tulong ko dba?

     Pero alam ko rin na ako ang may kasalanan. Kasi hindi ako nagtext or tumawag man lang.

 Kasama na doon ang paglalandi kay Danny.

     Humiga na ako sa kama. 2am na pero gising parin ako. Hindi ako makatulog. Hindi mapakali na galit si Ranz sakin. Pagulong-gulong ako sa kama. Papunta sa kaliwa. Papunta sa kanan. Tapos diretso bagsak sa kama.

      Natamaan ako sa handle ng drawer sa ulo kaya masakit. Masakit talaga kasi nagkabukol ako eh. Pero, biglang may pumasok sa isip ko. Isang bright idea. Idea na kung papaano ako makakabawi kay Ranz. Natulog na ako at gumising ng maaga para gawin iyon.

- Tomorrow  -

     Nasa school na ako. Lahat ng kailangan ko ay nakahanda na. Hinihintay ko nalang na dumating si Ranz. After a few minutes, dumating na siya. Inayos ko na lahat at nakita niya ako. Mukhang nagulat siya.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!