For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Kenneth's Confession

85 1 0

Kenneth's POV

Ito na nga ba yung kinakatakot ko eh. Yung tanungin ng taong mahal ko kung sino yung mahal ko. Agh! Sa sobrang kaba ko at di ko alam yung isasagot ko kay Mitch,bumaba ako ng sala at naglakad pabalik-balik

Oo,mahal ko si Mitch. Walang halong deal,walang halong biro. Bakit siya? Hindi ko alam basta nakita ko nalang yung sarili kong lunod na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Sa sobrang katorpehan ko kaya hindi ko masabi sa kanya. Ako,si Seth,Michael at yaya Lorena lang ang nakakaalam

"Oh iho anong bumabagabag sa'yo?" Biglang sumulpot si yaya sa likod ko

"Yaya! Nagtatanong si Mitch kung sino daw mahal ko. Aamin na ba ako?Pano' pag nilayuan nya ako? Pano' kung hindi n'ya ako gusto? Natatakot ako" Umupo ako sa sofa tapos tumawa si yaya.

"Kenneth,anak hindi  tayo mauubusan ng 'paano' sa buhay. Ang kaylangan lang natin gawin ay harapin yung takot na yun. Eh paano kung may gusto rin s'ya sayo pero nagpakatorpe ka pa rin? Edi sayang" In that moment,iniwan akong tulala ni yaya sa sofa. May point si yaya Lorena. Its now or never.....

Umakyat ako sa taas. Ito na,aamin na ako. Sasabihin ko na sa kanya yung totoo. Pag open ko ng door knob,nakita ko s'ya nasa study table ko. Nako po! Baka mabasa n'ya yung notebook ko. KENNETH! SPEAK UP...

"Mitch,may aaminin ako sa'yo" Medyo lumapit ako ng onti sa kanya. Tumayo sya at hunarap sakin,namumugto yung mata nya.

"Totoo ba lahat,Kenneth?" Tinaas n'ya yung black notebook ko.Sabi ko na nga ba eh! Aish!

Nandun lahat ng secrets ko about sa kanya. Wala na akong magagawa,kaylangan ko nalang sabihin yung totoo.

"Oo Mitch,totoo lahat" Yumuko lang ako at sumandal sa pader. Umupo s'ya sa kama ko. Humihikbi pa rin.

"Kelan pa Kenneth? Kelan nagsimula?" Ikwekwento ko na ba?

"Noong una kitang nakita,nakita kitang umiiyak sa locker room,hindi ko alam pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita kita. Nakakatawa pero simula nung araw na yun hindi kana maalis sa isip ko. Tanda ko pa yung date. August 9,2011 3:21pm" Tandang tanda ko pa yun. Hindi ko pwedeng makalimutan. Nagpunas sya ng luha nya. Shet,ang ganda n'ya pa rin

"Ikaw ba yung 'Mr.Notes?" Tumango ako

"Oo,ako nag-iiwan ng notes sa locker mo. Ayoko kasi magpakilala dahil natatakot akong i-reject mo ko. Ako rin yung naglistas sayo sa pool,ako rin yung nag-iiwan ng panyo sa locker mo tuwing umiiyak ka,ako rin nagpapadala ng flowers sa'yo" Umiyak nanaman sya. Hindi ko kayang makita s'yang umiiyak. Lumuhod ako sa harap nya para punasan yung luha nya.

"Ke-kenneth naman eh....*sniff* bakit ngayon mo lang sinabi? *sniff*" Tinanggal ko yung salamin n'ya

"Natatakot kasi ako Mitch,natatakot ako na sa ganitong paraan nalang nga tayo mag-uusap,mawawala pa sakin" Tumayo sya sa kama. Kinuha nya yung bag n'ya.

"Aalis na ako. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung totoo ito. Kenneth,bakit? Bakit ako? Im ms-no-popular. Ako yung pinagtatawanan sa school,ako yung invisible sa harap ng maraming tao. Bakit ako?" Kinuha ko yung kamay n'ya at nilagay sa dibdib ko.

"Yan,jan mo itanong sa kanya. Mitch,hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang,sayo lang tumibok yung puso ko. Sa'yo lang ako nakaramdam ng saya tuwing kasama kita,sayo lang ako nakaramdam ng KURYENTE tuwing nahahawakan kita. Mitch,mahal kita. Mahal na mahal kita at hindi ko na kayang itago yun sa sarili ko" Umiyak lang sya lalo. Kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na alam.

Everything Was UnexpectedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!