Chapter 34: Her Plan, His Doom

131 9 0

At the restaurant.

Ranz’s P.O.V

     6pm na. Nandito na ako ngayon sa restaurant. Yung restaurant ng dinner date namin nung first monthsarry namin. Excited na ako. Hindi na kasi namin nagagawa ito. Puro kami busy sa school at GTs ng chicser kaya super excited ako ngayon. 

*6:30 pm. 

Wala pa siya. Siguro natagalan lang sa pinapagawa ng mama niya kaya wala pa siya.

*7pm. 

Hindi kaya may nangyari sa kanya? Bakit wala pa siya hanggang ngayon? Hindi naman siya nalalate ah?

*7:30 pm. 

Malamig na dito sa labas. Ang lakas ng hangin at mukha pang uulan. Nandito parin ako . At hinihintay lang siya.

*8pm. 

Baka may nangyari na nga sa kanya?!?!?! Matawagan na nga siya sa SMART.

Calling…

Mrs. Ongsee  <3

The number you have dialed is either unattented or out of coverage area. Please try your call later.

     Ano?!?! Bakit hindi ko ma-reach ? Ano na kaya ang nangyari sa kanya?!?! Bakit kaya hindi siya nagtetext? Hindi kaya nakidnap na talaga siya ng tuluyan? Baka, may nanakit sa kanyang hater? Or baka na-rape na siya?! Naku wag naman sana.

     Tatayo na sana ako at aalis na nang biglang may dumating sa harap ko. 

     “ Chantelle?? “ gulat kong sabi. Bakit siya nandito?? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi nakarating si Avery ngayon?

      “ Hi Ranz.. Miss me? “

     “ Anong ginagawa mo dito?!?!?!?! “ galit kong sinabi sa kanya para malaman niya na ayoko siyang kaharap ngayon. Nakakapang-init ng dugo.

      “ Wala lang. Bakit? Bawal ba mag dinner dito sa restaurant at maglibot dito sa garden nila? Bakit ka nga pala nandito? “ tanong niya. Tsk. Halata naman na alam niyang nandito ako kaya siya pumunta.

      “ May date kami ni Avery ngayon. 5th monthsarry namin ngayon. “ pang-iinggit ko sa kanya. Proud din yung boses ko noong oras na iyon.

      “ Well, happy monthsarry to you two!! Pabati nalang sa kanya. Ah, nasaan siya ngayon? “ cheerfull niyang sinabi pero may halong fakeness.”

      “ Wala pa. Medyo late lang. “ mahina kong sinabi.

     “ Medyo late? Eh mukhang kanina ka pa dito ah. Hindi ka ba nainip? Gusto mo ba ng kasama? “ sabi na at kanina pa siya nandito eh. Kanina niya pa alam na kanina pa wala si Avery. At lumalandi pa talaga siya. Nakakainis.

      " Ano ba ang gusto mong sabihin Shan??!!! " Pagalit kong tinanong.

      " Wala naman. Baka gusto mo lang ng kasama. Nandito naman ako. " Suggest niya.

      " Hindi ba kayo ni Yael? " Pagpapaalala ko at baka nakalimutan niya na may boyfriend siya.

      " Oo nga. Pero, wala naman siya eh kaya free ko. Since wala din si Avery , pwede naman tayong magsama.  "

      Lumapit siya sakin at kumapit sa Tuxedo ko. Tinulak ko naman siya palayo na naging dahilan na muntikan niyang pagtumba sa matitinik na shrubs. Sayang.

      " Ano ka ba CHANTELLE HUH??? Wag mo akong landiin!! Hindi mo ako makukuha sa mga paflirt mong ugali. Faithful ako kay Avery kaya nagsasayang ka lang ng oras mo sa wala. "

      Umayos naman siya ng tayo at lumapit nanaman sakin..

      " Oh Ranz, Ranz, Ranz. Hindi mo ba halata? Binabalewala ka na niya? At dito magsisimula yan. Ang hindi pagsipot sa mga dates niyo. You”ll see Ranz. Makikita mo na mali ang pagpili mo dyan sa Avery na iyan. Just wait..  "

      At umalis na siya sa harap ko. Pero bago na talaga niya ako tuluyang iwanan,  lumingon muna siya at may sinabi pang huling salita.

     " Oh, and by the way. May payong dyan sa ilalim ng table niyo. Iniwan ko. Mukhang uulan kasi eh. "

     At umalis na siya.

     Sakto namang pagkapasok niya sa loob ng restaurant ay bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko na kinuha yung payong at nagpaulan na lang. Halos isang oras lang ako nakatayo sa ulan. Inaantay siya na dumating. Ngunit, 10pm, wala na talagang Avery na dumating. Walang dumating sa date namin. Walang babaeng dumating o sumipot sa monthsarry namin.

      Pagkarating ko sa bahay, chinarge ko ang cellphone ko kasi nalowbat. Pagkabukas ko ay biglang may tumatawag.

Incoming Call. . .

Mrs. Ongsee  <3

*Decline*

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!