Chapter 33: Let the Revenge of the EX begin ! ! !

156 9 0

Nasa bahay pa ako. Mamayang 6 pm pa naman ang date namin ni Ranz so mga 5:30 ay pwede ko nang gawin yung pinapagawa ni mama at pwede nang pumunta sa meeting place namin.

     Mga 5:25 ay umalis na ako ng bahay. Pumunta ako sa isang bangko at naghulog ng pera para sa account ko as allowance. 5:45 pa naman kaya nagmuni-muni na muna ako sa may park.

     Dumaan ako sa isang eskenita at may nakitang nakahandusay na lalaki. At mukhang bugbog sarado. Tumakbo naman ako palapit dito.

     “ Kuya? Kuya okay ka lang? “ yinuyugyog ko siya pero ayaw niyang gumalaw pero nahinga pa naman. “ Kuya?!? Naku. Tulong!!!! “

     May tumulong naman samin at dinala na siya sa may malapit na clinic.

- fast forward -

     Nasa may clinic na kami at tinignan na siya ng nurse. Halos isang oras kami doon. Medyo maraming tao doon sa clinic. Mga may sakit na babies at mga bata.

     “ Saan niyo po nakita ang pasyente? “ tanong sa akin ng napaka-cute na nurse na nakita ko. Ang cute talaga. May dimple.Ang ganda ng eyes. Ay teka lang!! Natitiboom na ako. May tinatanong pala siya sa akin.

     “ Sa may eskenita po. Nabugbog na at hindi gumagalaw. “ ang pagkakasabi ko base sa mga naaalala ko.

     “ Kayo po ba ang girlfriend niya? “ bigla niyang sinabi. Wala man lang preno?? Dire-diretso talaga??  Nakakagulat naman ang tanong ni nurse.

      “ Ah hindi po. “ bilis ko naman na sagot.

     “ Ah. Kaano-ano niyo po siya? “

     “ Ah wala po. Nakita ko lang po talaga siya. “

     “ Ah okay. Well, okay na siya ngayon. Kailangan lang ng rest. At natreat narin ang mga sugat niya. Aantayin nalang natin siyang magising at pwede na kayong umuwi. “

     Nagbigay lang ng isang riseta ang nurse para sa gamot na ilalagay para sa sugat nung lalaki at umalis na.

     Pumunta ako sa chamber nung guy na tinulungan ko. Aantayin ko na lang siyang magising para makausap at matanong kung ano ang nangyari sa kanya.

     Habang tinititigan ko siya, parang namumukhaan ko siya. Parang nakita ko na siya dati at hindi ko lang maalala.

     After a few minutes, nagising na siya.

     “ Oh? Okay ka na ba? “ bunyag ko kaagad sa kanya.

     “ Ah oo. Okay na ako. Sino ka pala? “ Aba!! Ako lang ang anghel na dyosa na nagsagip ng buhay mo. Haha! Joke :D

      “ Ah- ako pala ang tumulong sayo. Avery ang name ko. Nakita kasi kita sa eskenita kaya tinulungan na kita. “

     “ Ah salamat. “ pasasalamat niya. At ngumiti naman siya. Gawhd. Ang gwapo ng ngiti niya. Ahhhh!!! Teka!!!!! May boyfriend ako at monthsarry namin ngayon kaya wag kang malandi Avery. Behave.

     “ Ano nga pala pangalan mo? “ tanong ko sa kanya. Para naman malaman ko kung bagay ang pangalan niya sa cute niyang mukha..

     “ Ah ako pala si Ya- Ya-ah Yanny. Danny! Oo. Danny. “ nauutal niyang sinabi. Nakakalito. Yanny?? Danny ?? Oo Danny yung huling sinabi niya. Well, pwede narin.

     “ O-kkkkk. Hi Danny. Well, just out of curiosity. Anong nangyari sayo? “

     “ Ah, napagtripan lang ng mga adik dyan sa kanto. “ explain niya. Well, bitin na explanation.

      “ Ah okay. Well, sabi raw ng nurse na okay ka na daw. Na-treat narin ang sugat mo so pwede ka nang lumabas. Ito pala yung reseta para sa ipapahid mo sa sugat mo para mabilis na gumaling.Tsaka, kailangan ko nang umalis kasi may pupuntahan pa ako eh. So, nice meeting you Danny. “ paalis na ako sa tabi ng kama niya ng bigla siyang napaupo at hinawakan ang kamay ko.

     “ WAIT!! “ nagulat naman ako sa sigaw niya. Nagkatitigan na muna kami bago siya nagsalita ulit.

       “ I mean Wag mo muna akong iwan. Hindi ko pa kayang tumayo eh. Medyo masakit pa ang katawan ko. “ pagrerequest niya. Nagpuppy eyes pa siya at nag-pout. My gash!! Ang hirap tanggihan. Natutukso ako!! Nakakainis naman. Konsensya ko naman kung iiwanan ko siya dito mag-isa. Baka naman makita niya ulit yung nang-trip sa kanya tapos bugbugin nanaman siya. Haysss…..

      “ Oh okay. Siguro pwede pa akong mag-stay ng saglit. “ at nag-smile ako para malaman niya na okay lang sa akin na mag-stay ako.

     “ Salamat. “

     Tumingin ako sa orasan, 7:30 pm na. Naalala ko si Ranz. Baka ang tagal na niyang naghihintay doon.

     Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Ranz.

To: Sweetheart coh 

      Sweetheart, sorry kung wala pa ako dyan. May tinulungan kasi akong guy na nabugbog. Sorry talaga.. :(( If you like, daanan mo ako dito. Nandito ako sa clinic. Sorry talaga sweetheart. I Love You. <3 

>> Sending. . . .

» Low Battery . Shutdown

     Oh my bloody mustache!!!! Huh??????? Lowbat!!!!!!!!!!!! Hala!!!!!!!!!!!!!!!!! Papaano iyan??????!!!!!!

     “ Ah Danny, may load ka ba sa globe? “ wala ko nang hiyang tinanong. Aba!! Ang date namin at monthsarry ang nakasalalay dito. Ito na ba ang mabilis kong karma sa paglalandi ko sa monthsarry namin?

      “ Aww.. Sorry Avery. Kaka-expire lang ng load ko. “

     “ Ah sige okay lang. Thanks nalang. “ at nagfake smile nalang ako. Sino ba naman ang matutuwa pa at hindi ka makakapunta sa date niyo ng boyfriend niyo sa monthsarry niyo na pinakahihintay na date sa tinagal-tagal na panahon.

      Napatingin ako sa orasan. 8pm na. Nagiisip ako. Natatakot kung ano na ang ginagawa niya doon. Baka, may nakita na siyang iba at pinagpalit na ako. Nagtanan. Nagtanan kasi nabuntis niya. Titira sa States para bumuo ng pamilya . Tapos magiging business man nalang siya at magkakaroon ng happy family at hindi ako kasama?? Hala!!!!!!!!!!!!

      Tsk. Exaggerated at O.A ka lang Avery. Hindi magagawa iyon ni Ranz. Pero, speaking of him. Ano na nga kaya ginagawa niya?

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!