11: Let's Enjoy This Vacation!

Reign

Nakatingin lang ako sa mahabang salamin at napaisip. Kung hindi kaya ako sumama rito, hindi manganganib ang buhay ko?

"Hindi ka pa bababa?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Enzo na nakatingin sa akin kaya tumango na lang ako.

Nang marinig ko na ang pagsarado ng pintuan ay agad akong nagpakawala ng buntong-hininga. Sana kasi, wala ng ganitong pautot para naman okay na. Para buhay pa ngayon iyong mga namatay. Pero hindi, e. Nangyari na.

"Life is so unfair!" saad ko at napasabunot. Ano bang nagawa ko at nagkakaganito ang buhay ko? Bakit ganoon? Bakit ang malas-malas ko? Feeling ko tuloy, gusto na akong kunin sa mundong ito dahil sa kamalasan ko.

Nang makababa ako, tiningnan ko silang lahat--nag-iintay pa sila ng iba. Mukhang walang balak ang ibang sumali sa laro namin. Oo nga naman, sa panahon ngayon, makakapaglaro pa ba kami kung may namamtay na?

"You know what, guys? Dapat kasi nagsa-saya tayo hindi iyong puro lungkot lang. Kung may namatay man, hayaan na natin iyong kaluluwa nila, magkakaroon din ng hustisya. Let's enjoy this vacation, okay?" saad ni Jenny, pero bakas ang lungkot sa mukha niya dahil sa pagkamatay ni Jason. Mag dadalawang linggo pa lamang kami rito pero pakiramdam ko, napakatagal na namin. Sobrang bagal ng araw ngayon. Hinihiling na nga lang naming sana dumating na iyong susundo sa amin para tapos na. Para wala nang mamatay.

"Para naman makalimutan natin lahat ng nangyari sa loob ng labing dalawang araw. Kahit ngayon lang," pag sang-ayon ni Clark kaya tumango na lang kami.

Wala rito si Cindie at ang iba pa. Kami-kami lang nina Mexie, Enzo, Clark, Jenny, Michelle, Craig, Hyzel, Yuri, Kier, Kert, at ako. Kaunti lang kami, pero e-enjoy-in na namin. Baka kasi...

...ito na iyong last naming paglalaro sa tanang buhay namin.

Napapikit ako ng mariin at pilit iwinawakli sa isipan kong posibleng may mamatay na naman at wala nang matira sa amin dito. Kamusta na kaya iyong nasa ibang mansyon nina Mexie? Sana, okay lang sila.

Una naming nilaro ang bato-bola. Dodge ball ba iyong pangsosyal na term? Basta iyon! Iisa ang bola at hindi naman masyadong nakaka-enjoy dahil kakaunti kami. Mas masaya siguro kung kumpleto.

Bato lang sila nang bato ng bola hanggang sa matamaan ako ng bola na inihagis ni Kier. Tatanga-tanga kasi ako. Nakalayo na ako sa bola, bigla pa akong bumalik.

Sunod naman ay badminton. Dadalawa lang ang raketa kaya salitan kaming lahat. Kumbaga, kapag natalo ka, out ka na. Tapos iyong nanalo, kakalabanin iyong bagong sali sa laro. Nakaka-enjoy naman kasi nagdadayaan na kami sa pag-score! Hindi na kasi namin alam kung paano ito laruin. Sa sobrang stress, takot, kaba, at halo-halong emosyon, nawala na kami sa sarili.

Sumunod naman ang out-an. Nakakatuwa dahil para kaming bumalik sa kabataan namin. Habol dito, habol doon. Iyong iba, naging si flash na sa bilis. Iyong iba, mga madiskarte.

Naalala ko tuloy si Kristally. Nasaan na kaya siya? May nakapagsabi sa aking malapit lang sila sa paaralang pinapasukan naming, pero wala naman sila roon. Hindi raw nila alam na may nakatirang Kristally sa lugar na iyon. Naalala ko tuloy no'ng mga panahong sobrang close na close kami ni Kristally. Kaso wala e, iniwan ko siya. Wala na tuloy akong nabalikan noong nagpunta ako pabalik dito sa Pinas.

Sana kasi, napakita ko noon kay Hyzel iyong picture, e. Kaso nga lang, ayaw niya raw makita.

"Out!" Napalingon ako sa tumaya sa akin at si Enzo pala ito na nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin sabay pout kaya napakamot siya sa batok niya.

Hide and Seek 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!