(Gusto ko lang i-dedicate tong Chapter na to sa pinaka-unang reader na sumuporta sakin. Siya yung pinaka unang nagpalakas ng loob ko na sumulat pa kasi siya yung very first person na nagcomment. Awwwwwwe. Thank you sayo ^_________________________^ )

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

<Keira's POV>

Ilang araw na din ang lumipas. Masasabi kong masaya naman ako kahit papaano kung ikukumpara mo ako noon. Ngayon kasi di na ako mag-isa. May isang tao kasing hindi ako iniwan. He had me at my worst. Kahit alam kong unfair, pumayag ako sa gusto niya. Desperada na talaga akong makalimot. Ayaw kong makita ng mga kaibigan ko ang negative side ko. Yung side kong galit sa bestfriend ko. Yung side kong di kayang magparaya at di kayang tumanggap ng pagkatalo. Di naman ako ganito ka selfish noon eh. Pero nagmahal kasi ako at sa kasamaang palad sa maling lalaki ko pa pala ito naibigay.

Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na makalimot agad ay ginawa ko na. 

Kung kaya ko lang na mahalin agad si Nathan ay ginawa ko na.

KUNG KAYA KO LANG.

HAAAAAY.

Ano ba yan!

Emotera na naman ako.

Asan na ba kasi yung isang yun?

*Ding Dong*

Buti naman andito na siya. 

Binuksan ko yung pinto ng condo ko.

I was like 

O_______________________O

(Tingnan nyo yung pic sa gilid. Ang saya na ni Nathan na pinagbuksan na siya ng pinto ni Keira. Opps! Double meaning huh. Nevermind the background)

Bat ang gwapo niya ata ngayon? 

"Ang saya mo ha." sabi ko at tsaka isinarado na ang pinto. 

Nakalimutan kong sabihin sainyo. Aalis kami!! Yipppee!

"Mukhang nagbago ka na kasi." sagot naman niya.

Huh?

"Nagbago?" sabay taas ng kilay.

"Kasi po boss, di mo na ako pinaghihintay ng matagal sa labas." paliwanag pa niya tsaka ibinaba ang kilay ko.

SHET. Bat ba kinikilig ako?

Aish.

"Ang bilis mo nga atang dumating, kakadoor bell ko pa lang lumabas ka na agad." dagdag pa niya.

"Ganun ba? Sige balik muna ako sa loob. Mag antay ka muna dito ah." sabay talikod at akmang bubuksan na ang pinto pabalik ng condo ko.

Natigilan naman ako ng hawakan niya ang kamay ko.

*BADUMP* *BADUMP*

Iniharap niya ako sakanya.

"Ano ka ba? Wala naman akong sinabing bumalik ka pa sa loob. Nakakatawa ka talaga. Tara na nga."

Hinila niya ako papasok ng elevator.

May mga nakasabayan kaming mga teenager.

Mukha kasing mga ka edad lang namin eh.

The Great Pretender (ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!