Eto po ang isa rin sa mga nawalang Chapters ng TMG. Luckily, hindi katulad ng naunang chapter ay nakagawa po ako ng kopya dati sa notepad ng phone ko.

Baka next week ko na mapopost ko ang Chapter 33.

xxAkiraxx

~~~~~

Chapter 31 - Dadalhin

"YANNA!"

Tahimik ang buong subersive. Napapikit na lang ako habang mahinang humihikbi nang dumagan na sa katawan ko ang katawan ni Palm Tiger Princess.

FLASHBACK

"Nice meeting you.. prinsesa. Sayonara.." (goodbye)

Nginisihan niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng dugo.. Mula sa tiyan ko.

Kinapa ko ang tyan ko pero wala naman akong mahawakang saksak. Wala rin akong maramdamang sakit. Wala.

Ibig sabihin..

"Y-you.. Y..ou need t-this rig..ht? Don't wor.. worry, masa-ya ako na na..paglingkuran k-kita sa u-una at huling pag..kakataon. But, d-don't tell any..one. Don't.. t-t-trust--"

Iyan ang huling nasabi niya sa akin bago siya malagutan ng hininga.

Sinaksak niya ang sarili niya, para manalo ako.

Tumulo sa tyan ko ang napakaraming dugo na umagos mula sa malalim na pagkakasaksak ng kutsilyo sa tyan niya.

END OF FLASHBACK

"YANNA! Ayos ka lang?!"

Tinayo ako ni Kierwin at napangiwi siya nang makitang nasugatan din ako sa tyan ko. Pero wala lang iyon kumpara sa sakripisyong ginawa ni Tiger Princess para sa akin.

Tumango ako saka niyakap si Kierwin. Hindi ko aakalaing gagawin niya iyon para sa akin. Hindi ko aakalaing isasakripisyo niya ang buhay niya para lang mapagpatuloy ko ang misyon ko.

Pero.. Paano niya nalaman?

Naalala ko pa ang sinabi niya sa akon na wag ko raw'ng sabihin ang ginawa niyang pagsasakripisyo. At isa pa..

'Don't.. t-t-trust--'

Don't trust..? Sino ang hindi ko pwedeng pagkatiwalaan? Meron ba akong hindi dapat pagkatiwalaan? Kung ganon, sino?

"Akala.. A-akala ko.. Akala ko.."

"Shhh.. Nakaya mo naman diba? You won over her. Anong sabi namin? Na kaya mo diba? Kaya mo Yanna, kaya mo.." Pagpapatahan sa akin ni Kierwin. Kung alam niyo lang ang totoong nangyari. Kung alam niyo lang..

Mula dito ay nakita ko ang nakangiting mukha ng taong kailangan kong kausapin sa ngayon. Kailangan kong linawin sa kanya ang lahat lahat..

.

.

.

Bryan.

Kumawala ako sa yakap ni Kierwin at pinuntahan si Bryan. Hindi ko alam kung nasaan ang iba. Siguro ay kausap nila si Tristan o si Mario tungkol sa pagkapanalo ko.

I have to talk to him. I need to know kung siya yung nakahalikan ko dati sa training room ni Ryu.

Dahil malakas ang kutob kong hindi siya iyon.

Malaki ang hinala kong hindi si Bryan ang nandoon kundi si Ryu..

Pupwedeng ginamit niya ang invention ng daddy ni Jasper na mimic at boses ni Bryan ang ginamit niya. Pwede naman iyon diba? Diba?

The Missing GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!