For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

My girlfriend is normal

141 18 5

Minsan narinig ko ang pag-uusap nilang mag-ama. 

Paanong hindi eh ilang hakbang lang nasa kama ka na kung galing ka ng kusina o banyo. Nakasalampak sya sa lapag sa ibaba ng kama na may carpet naman habang nanonood ng TV at ako naman ay gumagawa ng juice.

"Tay..huwag na po. Ayoko ng laptop..sagabal lang yan."

"Ano bang sagabal. Ayaw mo ba yun magkakausap tayo, makikita natin ang isat-isa?"

"Eh nakakapag-usap naman po tayo ng ganito diba? Ipunin nyo nalang po yung pera para makauwi na kayo agad dito."

"Hay..ikaw talaga na bata ka."

"Ay Tay..sya nga po pala..natangap nyo na po ba yung pinadala naming card ni Inay?"

"Ha..Ah Oo." sagot ng kanyang ama.

"Salamat." Bulong nya sa akin ng abutan ko sya ng juice at tsaka ko linipat ang channel ng TV habang busy pa sya sa pakikipag-usap sa kanyang ama.

"Ay buti naman po Tay kung ganun..Tay ha..sagutin nyo po yan ha."

"Talagang ikaw na bata ka..gusto mo pang pinahihirapan ang mga tao..pwede naman email nalang..hindi ba? Kaya nga sige na tanggapin mo na yung.."

"Tay ayoko po.huwag na kayong magabala sa laptop laptop na yan."

Nang matapos ang kanilang paguusap ay ibinaba na ni Happy ang telepono at siya ay nag-merienda na. Habang si Mang Kardo naman na nasa ibang bansa ay napapangiti nalang. Kinuha ang pinaka-bagong card na galing sa kanyang mag-ina at ang larawang nakalakip duon ay siya niyang ipinalit sa dating larawan sa photo frame na nasa kanyang side table. Tuwing may bago kasing larawang ipinapadala sila Happy ay inilalagay nya agad sa frame. Kaya laging latest ang picture sa frame na iyon. Sa ganuong paraan ay tila ba't ang lapit lapit nya sa kanyang mag-ina. 

"Hello..kumusta?" si Happy yan kadarating lang sa trabaho. Maaga sya dumating kung sa bagay lagi naman. Binati nya lang yung mama na nagma-mop ng sahig sa bukana ng building. Binati naman din sya nito. Ang taong syang dahilan kung bakit laging makintab ang sahig ng gusali.

"Hello..kamusta kayo?" sya ulit yan binati ang mga kasama sa trabaho na nadaan nya.

"Hello." Bati naman sa kanya ng mga ito.

"Trixie..good morning." At binababa na nya ang bag sa kanyang desk.

"Oh kumusta?" si Trixie na nagpupunas ng pulbo sa mukha at habang si Happy ay nagpupunas ng desk ay nagtanong ito. 

"Kumusta daw yung meeting kahapon? Sa tingin mo lumaki ang volume ng letters ngayon kumpara sa nakaraang linggo?" 

Binuksan narin nya ang window kung saan nasilip nya na may ilang tao na, na pumapasok, ang iba pa'y may bitbit na package.

"Hindi ko pa alam eh. Pero ang huling balita ko mas madami ang package." Sagot ni Trixie na nagpupunas ng lipstick sa labi.

"Hay.." ang napabuntong hininga na si Happy bago napaupong sumandal.

Samantala..ako? Heto pila ang mga tao sa harapan ko. Ganito lagi kapag Biyernes. Blockbuster.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!