Anatolia Story Chapter 2

59 2 0

CHAPTER 2

"Tugisin ang babaeng yan!" Sigaw ng isang kawal at itinuro ng mga kawal sa kanya ang mga sibat at pana nilang dala. 

Agad na nilingon ni Charlie and likuran. Hindi nya inaasahang matutunton sya roon ng mga kawal. Napalibutan sya ng mga ito at sabay sabay na lumapit. 

"A-anong gagawin nyo? Saan nyo ako dadalhin ha?" Hinawakan sya sa dalawang braso at saka pwersadong kinaladkad papunta sa isang madilim at tagong lugar "A-ano ba? bitiwan nyo ako! mga walang hiya kayo! Bitiwan nyo ako!!!" Nagpumiglas syang makawala ngunit mahina talaga sya upang tumakas at tumakbo. Sa madilim na lugar kung saan sya kinulong ay may pumasok na babae. Magara at marangya ang suot nitong balabal at maraming suot na makukulay na kwintas at purselas sa katawan at pati ang baston nito ay may makulay ring palamuti. Tumatawa itong lumapit sa kanya at tuwang tuwa ito ng makita sya ng husay.

Hinaplos nito ang kanyang mukha at saka hinila ang buhok, "Sa wakas, nasa akin ka na rin. Maligayang pagdating sa ciudad ng Hattusa" Sa boses nito ay alam ni Charlie na ito ang narinig nya noon sa bathtub noong lumabas ang dalawang malahiganteng kamay. 

"S-sino ka? Pakawalan mo ako rito." nanginginig na sabi nya sa babae habang nakagapos.

Humalakhak ng maklakas ang babae at saka sinampal sya, "Nahihibang na ba ako? Bakit kita papakawalan, iha. Ikaw ang solusyon sa mga problema ko. Ipinatawag kita sa ngalan ng panginoong kong Teshub* (Teshub was a weather God in Hittite Mythology). Kailangan kita bilang isang sakripisyong birhen sa templo ng panginoong Teshub upang makamit ko ang aking hinihiling. Ikaw ang naging kasagutan na ibinigay sa akin ng panginoong Teshub sa aking mga katanungan."

Nagpumiglas sya at dinuraan nya sa mukha ang babae, "Ché, wala akong alam sa Teshub na iyan at wala akong pakialam sa katanungan mo! Ano bang gusto mo sa akin? bakit mo ba ito ginagawa"

Pinunasan ng babae ang dura na nasa kanyang mukha at saka sya hinampas ng baston. Pumutok ang mga labi ni Charlie at nagdugo ang mga iyon ngunit pa-angil syang tumingin muli sa babae. Hinila naman ng babae ang kanyang buhok at lumapit, "Malakas ang loob mo, Ang gusto ko, mamatay ang mga unang limang prinsipe na nakatakda sa trono bilang hari ng sa gayon pag namatay sila, wala ng magiging problema ang anak ko na sya naman ang pinaka bunso sa mga prinsipe." kumuha ito ng kutsilyo sa di kalayuan at itinutok iyon sa kanyang leeg. Nagtulo ang pawis sa nerbyos ni Charlie ng mga sandaling iyon at puno ng kalituhan ang kanyang utak.

"Alam mo ba na kapag naging sakripisyo ka na bilang birhen na babae mamaya sa templo ni Teshub ay isa-isa ng mamamatay ang mga naunang prinsipe, ikaw ang ipinakita sa akin kasagutan ni Teshub bilang sakripisyo at wala akong pakialam kung saang lupalop ka man ng galing. Mamaya maya lang ay matatapos ng paghihirap mo. Kailangan ko ng freskong dugo mo na unti-unting dumadaloy sa leeg pababa ng katawan. H'wag kang mag-alala, mabilis lang iyon. Ngunit kailangan ay hindi malaman ng Hari na nilalagyan ko ng sumpang kamatayan ang kanyang mga anak na nauna." biglang humalakhak ang babae ng malakas na ikinabahala naman nya, "Hindi mangyayari na malalaman iyon ng napaka-stupidong Haring si Suppiluliuma I" at saka tumalikod ang babae pagkasabi noon.

Namalagi ang takot at nanlamig ang buong katawan ni Charlie ng marinig ang lahat ng sinabi ng babae.  Gusto nyang pumikit at maniwalang isang panaginip lang lahat ng mga nangyayari sa kanya at hiling nya na sa pagmulat nya ay naroon na uli sya sa kanyang tahanan at kasama ang kanyang pamilya. 

Nabigo sya ng pagmulat ng kanyang mga mata ay naroon pa rin sya sa nakakatakot na lugar kung saan sya nadala ng mangkukulam na babae. May nabuhay na pag-asa sa kaibuturan ng kanyang puso ng maisip ang sinabi ng babae na hindi dapat malaman ng hari ang mangyayari sa mga prinsipe. Naisip nyang baka pwede syang mailigtas kapag nakita sya ng hari at sabihin ang totoo. 

The Hittite EmpireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!