When real world knocks in (part3)

130 19 5

"Susulat ka ha. Nakakainis ka. Kailangan mo ba talagang lumayo?" 

"Gaga..ikaw Happy ha. Hindi bagay sayo ang sad...paalam besty." Si Shut na yumakap na nga kay Happy bilang pamama-alam at sa kanila ay yumakap din si Mari.

"Alam nyo naman na matagal ko ng pangarap ito hindi ba? Sa wakas, this is it. Lilipad na si Darna." minsan pa'y hirit ni Shut.

"Ma-mimiss ko kayo." Malungkot na wika ni Happy sa dalawang matalik na kaibigan. 

Habang ako ay nakamasid lang sa kanila. Sinamahan ko si Happy na ihatid sa Airport si Shut at dahil kaibigan ko narin ang mga kaibigan nya nandun din ako para magpakita ng suporta at magpaalam nadin.

"Oy ikaw butter ha..magiingat ka din." Si Shut ulit.

"Oh bakit butter?" tanong ni Mari.

"Ay sus Marigold diba brand ng butter yun..ay..halika nga kayo.Pa-hug ulit..aaahy..i love you mga besty basta tuloy-tuloy lang ang usap natin ha. Kahit malalayo. Walang bibitiw. Ok?" at niyakap nya ngang muli ang mga kaibigan.

"Ikaw talaga paalis ka nalang inaalaska mo pa ako." Biro ni Mari.

"Oo nga..aalis na lang nagbibiro pa." Si Happy na mahigpit ding nakayakap sa kanila.

Ilang minuto pa nga ay pakendeng na itong lumapit sa akin at sandaling yumakap.

"Ay..tama na yan baka may magselos.." biro nya sa akin.

"Ba-bye mga friendship.." pamamaalam ni Shut na kumakaway pa habang lumalayo.

Masaya naman ako para kay Shut at maya-maya pa'y lumapit na sa akin si Happy nasa tabi naman nya si Mari.

"Bye Shut..Happy trip." ang magkasabay na sigaw nila Happy at Mari. Pagkatapos ay inakbayan ko na si Happy at kami na'y tumalikod.

Ito ang huling beses na magkikita-kita sila na kumpleto. Alam kasi nila matatagalan pa bago muli itong maulit. Magtatrabaho sa Qatar bilang Office Assistant muna si Shut at si Mari naman ay pupunta ng Davao kung saan nanduon nagta-trabaho ang kanyang nobyo. Duon na din nila naiisipang gumawa ng pamilya kung sakali.

Habang aking akbay-akbay si Happy mahigpit naman ang hawak nya sa kamay ng kaibigang kinabukasan naman ang alis papuntang Davao. Nasa kanilang bahay na ang nobyo nito. Sinundo sya at sabay na silang aalis bukas. 

Isang umaga. 

Humahangos si Happy na muling umaakyat sa mataas na hagdanan ng post office. Naka-skirt sya na hindi kaiklian at talaga namang lumutang ang ganda nya sa suot na rainbow bright blouse na naka-tuck-in. Unang araw nya sa trabaho. Ako naman heto teller na ng isang sikat na Bangko. Feeling laging gwapo kasi naman kailangan laging presentable ang mga suot ko. At syempre pa matatapos ang araw ko sa pagsundo sa nobya ko. Ang maganda nito malapit lang ang trabaho ko sa post office kaya walang kaproble-problema. Tuwing Sabado at Linggo pareho naman kaming walang pasok kaya marami kaming oras para sa isa't-isa.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!