For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

When real world knocks in (part2)

129 19 7

After Graduation ay gumawa na kami ng kani-kaniya naming mundo.

Umalis ngang muli ang Tatay ni Happy. Minabuting lisanin nila ang dating tirahan at maghanap ng pang-isahan lang. Nakakita kami sa may Bambang na parang studio type. Si Happy lamang ang titira doon dahil ang kanyang ina napilitang umuwi sa Pangasinan upang alagaan ang Nanay nito..ang kanyang Lola Selya.

Ako? Heto kasama ko parin ang pamilya ko dito sa Sampaloc. Si Mama at si Papa. Mag-isa lamang akong anak kaya heto sarap lang ng buhay diba? Chill lang ika nga.

"So..you are Happy?" tanong ng emloyer na muling pinatawag si Happy for final interview.

"Yes Sir..I'm Happy." Ang nagaalangan pa nyang sagot ngunit naka-ngiti parin.

"Of course you are..and well I'm Happy too..coz you are now part of our Company. You're Hired."

"Po! Ay talaga po. Hindi po kayo nagbibiro?"

"Yes Hija. Tanggap ka na." Seryosong tugon ng interviewer na sumandal pa.

"Sa-salamat po." Tumayo na nga si Happy at naki-pag hand shake.

Nuong kami'y magkita na nang hapon na iyon ay sinabi nya sa akin ang magandang balita. Habang ako naman ay mayroon din magandang balita sa kanya.

"Oh..ano pang problema?" tanong ko.

"Eh kasi. Nahihiharapan ako ngayon. Kailangan kong mamili."

"Ha..so may isa pa?" 

Tumigil sya sa pagsubo at nagpaliwanag. Kumakain kami kasi ngayon. Tila napagod kami sa maghapong paghahanap ng trabaho.

"Yes..may isa pa." Naka-ngising tugon nya.

"Talaga? Saan?"

"Hmmm..sa Post Office." 

"Oh bakit?" takang tanong nya nang makitang natawa ako at yumuko na para bang pakiwari nya sinasakyan ko ang biro nya.

"Hindi nga..totoo?Hindi ka nagbibiro?"

"Bakit naman ako magbibiro?" at ngumuso na nga si Happy hindi nya kasi inaasahan ang sagot ko.

"Ano inaplayan mo dun?"

"Actually pinapupunta palang ako bukas. Nagbaka-sakali lang ako duon kaya ako nag-pasa. Nuong bata pa ako gustong-gusto ko ng maka-pasok duon ang ganda kaya ng building nya diba?"

At lalo pa nga akong natawa. 

Honestly hindi ko alam paano sasakyan ngayon ang gusto nya.

"So..pano yan? Kung magkataon..ano pipiliin mo? Call Center o Post Office?" ang natatawa ko paring tanong.

"Post Office." 

Sa sagot nya na 'yon ay napatingin ako sa kanya at ngumiti nalang ako. Alam ko na ngayon na seryoso sya, alam nya kung ano ang gusto nya at syempre hindi ko sya hahadlangan. Naisip ko din na siguro nga mahalaga na sa kanya ang lugar na iyon na parang ikalawang tahanan na nya.

"Oh..eh ikaw..anong balita?"

Sya naman ang nagtanong.

"Ah..yun..pasado na din.Requirements nalang."

"San?"

"Hmm..Bangko."

"Bank Teller? Uhm..ok. Congrats to us!"

"Hahahaha." ako na natawa nalang. 

Ganito lang naman sa isang relasyon. Suportahan. 

Ito naman na ang panahon kung saan gagawa na kami ng aming kani-kaniyang mundo. Kani-kaniyang identity at role sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan. Syempre sa paglikha ng bagong mundo ko, ang gusto ko ay kasama ko parin sya. Si Happy.

 

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!