Cassey's POV

"Pa kiss na" reklamo ni Bryle sakin

"Ano ka ba isusumbong tayo ng mga maids kay papa" sabi ko sa kanya habang pinipigilan siya

Nasa tapat kami ng bahay ko dahil sinundo niya ko para sabay kaming pumasok sa school.

"Sa school na lang, baka mahuli tayo nila papa dito" suway ko dito at tsaka kami magkahawak kamay na naglakad papasok ng kotse niya

May driver siya kasi wala pa naman siya sa legal age para magdrive. Pero minsan tinatakas niya kotse niya kapag gusto namin mag group date at kapag may race siya.

"Manong bilisan mo ah. Ayokong malate" utos nito kay manong

"Gosh, kailangan kong mag mall mamaya" sabi ko dito habang tinetext sila Stef

"Why?" tanong nito sakin habang nakatulala sa may bintana

"I need to buy a new phone" sabi ko dito habang ipinapakita ang gasgas ng phone ko

"Sige magkita na lang tayo mamaya" sabi nito sakin

"Ayan na sila Stef" turo ko kaila Stef na inaantay ako sa may entrance

"Dito na lang kami" utos ni Bryle sa driver kaya naman agad huminto ang sasakyan at sabay kaming lumabas

"So? mall tayo later?" tanong sakin ni Mindy

"Yes, I need a new phone" sabi ko sa kanila

"Babe, I need to go may meeting ng team" sabi ni Bryle at tsaka ako hinila at hinalikan

Nagulat naman ako nang makita ko yung lalaking naka usap ko kahapon sa tambayan ko. Nasa entrance siya at napatingin sa direksyon ko at nagtugma ang mga mata namin.

Pero nagulat ako ng ngumiti ito at tsaka nagtakip ng mata niya tapos naglakad na papasok.

"Why are you laughing?" nagtatakang tanong sakin ni Bryle

Umiling na lang ako at tsaka inakap si Bryle. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero kasi nang makita ko siyang nagtakip ng mata niya natawa ako.

"See you later babe" sabi ni Bryle at tsaka nagsimulang maglakad papasok

"Lets go" aya ko naman kaila Stef

"Oh yeah ang theme ng Mr. And Ms. Roualties ay warrior" sabi ni Mindy habang nagbabasa sa tablet niya

"Wala na tayong problema diyan ako na bahalang magsabi kay papa" sabi ko naman dito

"No, kailangan daw sariling concept, sariling ideas at sariling design kaya in short ikaw ang gagawa ng sarili mong costume" pag eexplain nito

"What?!" napahinto kami sa paglalakad at tsaka hinarap si Mindy

"That's what it says" sabi nito habang ipinapakita sakin

"Mabuti pa pumasok na tayo para linawin kay Ma'am kung ano ba talaga ang gagawin" sabi naman si Stef

Pag pasok naman namin ng classroom wala pa si Ma'am. Natahimik naman ang mga kaklase namin na naghaharutan at nagtatawanan.

"San si Ma'am?" tanong ko sa kanila

"Wala pa" sagot naman ng isa sa kanila

Gosh, kung kailan naman kailangan siya tsaka pa siya late. Padabog akong pumunta sa upuan ko at agad na naupo at nakinig ng music para mabawasan ang badtrip ko.

"Quiet class"

Napatingin ako kay Ma'am na nasa harapan na at parang pinapatahimik ang mga kaklase ko. Well, base lang naman sa kilos niya ang tinitignan ko dahil hindi ko naman siya masyadong marinig.

"Dumating na ang bago niyong classmate kaya welcome natin siya"

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga kaklase ko pero hindi ko naman maintindihan kung bakit at like I care?

"Ms. Romero"

"Ms. Romero"

"What the!" sigaw ko ng may humila ng earphones ko

Natahimik ang kaninang naghihiyawan at nagpapalakpakan na mga kaklase ko at si Ma'am naman ay nakatingin lang sakin na parang nagulat sa reaction ko.

"Tinatawag ka kasi Ma'am, Ms. Ipod"

Agad akong napalingon nang sabihin niya ang Ms. Ipod. At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.

"What are you doing here?" tanong ko dito

"Sa pagkakaalala ko kasi? nag enroll ako" ngumiti ito at tsaka humarap sa class "I'm Juaqin Romualdo, you can call me Wacky" pakilala nito sa sarili niya

"So? ano ginagawa mo sa states? Mr. Wacky?" nang iinis na tanong ni Stef

Naalala ko tuloy ang sinabi niya kahapon kaya naman napangiti ako at tinignan ang reaction nitong Mr. Wacky na to.

"Well, tumira ako dun kasama ang mother ko" sabi nito at tsaka ngumiti

"Why? kasi nakakuha ng american citizenship ang mom mo sa pagpapakasal niya sa amo niya? am I right?" natatawang tanong ni Stef

Naghiyawan at nagtawanan naman ang mga kaklase namin kaya naman natawa na rin ako.

"Nice guess miss?"

"Stef, Stef Johnson" pakilala ni Stef

"Oh, like I said earlier, nice guess pero hindi kasi mahilig ang mom ko sa amerikano eh. Pero ikaw, feeling ko naman na ang mom mo nagpakasal sa american miss Johnson. Sorry ah? Hindi kasi magkaparehas ang mga mommy natin" sabi ni Mr. Wacky at tsaka ngumiti kay Stef

Natahimik naman ang buong class sa pag tawa. Nakita ko naman si Stef na nagulat sa sinabi nitong Mr. Wacky na to. Mukhang magiging problema tong wacky na to samin ah? sumbong na kaya namin to kay Bryle para malaman niya kung saan siya lulugar?

"Ms. Romero proper sitting arrangement please" sabi ni Ma'am sakin

Agad naman akong tumayo at lumipat ng upuan. Siya naman ngumiti sakin at tumabi agad.

"This is an interesting school" bulong nito sakin

"Yes, kaya kung ako sayo lumipat ka na hanggat maaga pa" banta ko dito

"Bakit naman ako lilipat? eh nakita ko na yung gusto ko?" tanong nito sakin

Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko naman na ang lapit ng mukha niya sa mukha. Anong sabi niya kanina? Nakita niya na ang gusto niya? Sino?

Ngumiti ito sakin at tsaka bumulong.

"Gustong school" at tsaka tumawa ng mahina at nakinig sa teacher namin

Bakit ba ko nakikipag usap sa lalaking to? wala naman siyang sense kausap? nababadtrip lang ako.

*After Class*

"badtrip" sabi ni Stef habang naglalakad kami palabas ng room

"Chill, pag tagal tagal malalaman niya kung sino kinakalaban niya" sabi naman ni Mindy

"Problem girls?" tanong ni Bryle na nasa likod lang pala namin

"Nothing" tanggi ko

Nakita ko naman na nagulat sila sa pag tanggi ko pero sinenyasan ko na lang sila at na gets naman nila ko.

"So? mall tayo? bibili tayo ng phone mo right?" tanong sakin ni Bryle

"Yes, and kumain na rin tayo dun please" sabi ko dito

"Fine, fine basta ikaw" ngumiti ito at tsaka ako hinila para halikan pero hindi naman natuloy yun dahil.....

"Hey Ms. Ipod! see you tomorrow!" sigaw niya at tsaka kumaway sakin at lumabas na ng gate

"Sino yun?" tanong ni Bryle na parang na badtrip

"New classmate" sabi ko dito

"Mukhang di pa niya kilala kung sino batas dito ah" ngumisi ito at tsaka sinundan ng tingin si Wacky

Patay =_=

Note: lagot ba si Wacky? Ano gagawin ni Ms. Ipod? Comment guys!

That Guy by GIUSTINA93Basahin ang storyang ito ng LIBRE!