Chapter 23: Sorry

401 4 5

Dedicated to you. :) Thank you for your messages. :)

Chapter 23: Sorry

Hindi mapakali si Lance habang nagmamaneho pauwi sa condo niya. Hindi na rin mabibilang kung ilang beses siyang napabuntung-hininga.

He can't seem to forget Alex's pained expression when she saw him and Sarah outside of the faculty room. He got worried, of course, pero mas pinili niyang itago iyon gamit ang blangkong reaksyon kanina nang nagkaharap sila. Hanggang ngayon, naaalala niya pa rin ang sakit noong gabing iniwan siyang mag-isa ni Alex. Without any explanation. Gusto niya tong habulin noon, pero ang bilis ng mga pangyayari, and his knees felt weak. Hindi niya akalaing yun ang magiging ending ng gabing iyon. He thought he'll be coming home with a fiancé. Ganoon siya kasigurado.

"What are you doing here?"

Stupid question. He told himself, remembering his question earlier. Gusto niyang murahin ang sarili niya. Malamang, bakit nga naman pupunta si Alex doon kung hindi dahil gusto nitong makipag-usap sa kanya. Nakita niya ang excitement sa mga mata nito nang lumabas siya ng faculty room. Pero napalitan agad yun ng lungkot nang nakita nitong nakasunod sa kanya si Sarah.

Naiinis siya pag naalala na hanggang ngayon, hindi pa rin palagay si Alex kay Sarah. Ilang beses na ba niyang sinabi na wala itong dapat ikaselos. Na kahit sino pang babae ang iharap mo sa kanya, si Alex pa rin ang pipiliin niya. No one else but her.

"I was just... I was just checking on you.."

Napabuntung-hininga na naman siya. Naalala na naman niya ang malungkot na reaksyon nito. He wanted to hug her that time. If he only she knows how much he misses her kahit isang buong araw lang naman silang hindi nagkikita at nag-uusap. He wanted to run to her....but she ran away first. As always.

Always running away. Sabi niya sa isip niya.

*

Pagdating sa condo niya, nagpalit na siya ng damit. Gutom na gutom siya pero pakiramdam niya, ayaw niyang kumain. Hindi mawala sa isip niya si Alex. Iniisip niya kung nakauwi ba ito ng maayos sa bahay nila. He hopes so. At umaasa rin itong kumain na ito ng hapunan. Anong oras na nang nagkita sila kanina. Pasado alas-otso na.

Naalala niya din na parang wala itong tulog. Malamlam ang mga mata nito, at parang kakagaling lang sa pag-iyak.

Sh*t. He cursed himself. Pareho lang sila. Hindi rin siya makatulog kakaisip dito. Hindi niya rin maisip kung paano niya nagawang hindi kausapin ito hanggang kanina. But he thought, just like before, when she broke up with him, na natuto na siya. That maybe pain does that to people. Kapag sobra na, tigil na. At kapag nasaktan ka ulit, alam mo na kung paano ang gagawin.

Ginawa niya ang lahat ng paraan para makausap ito noon pero walang nangyari, hanggang sa napagod na lang siya kakahintay at sumuko na. Napag-isip-isip niyang nasayang ang mga oras niya noon sa pagmamakaawa kay Alex, kahit alam niyang hinding-hindi siya nito kakausapin. He has to move on. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng requirements sa masteral niya. Kailangan siya ng team niya. Hindi pwedeng ipagsawalang-bahala niya ang mga importanteng bagay na iyon nang dahil sa nasaktan siya. The world does not revolve around him...or her.

But she is his world.

Natigil na lamang ang pag-iisip niya nang nagring ang cellphone niya. Kahit wala siya sa mood, minabuti niyang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Love calling.."

Nanlaki ang mga mata niya nang malamang si Alex ang tumatawag. Dali-dali niyang sinagot ito. They need to talk now. And there's no denying that he wants to hear her voice.

With Or Without YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!