When real world knocks in

133 20 8

"Tay..huwag ka ng umalis, ha! Sabi nyo po diba pag nakatapos na ako ng pag-aaral graduate ka na din sa pag-a-abroad?"  

Naglalambing si Happy sa kadarating na ama. Sa wakas nakita ko din ng personal ang taong lagi na'y dahilan ng palagiang pagpunta ni Happy sa post office. 

Gabi na noon. Post Graduation Celebration ni Happy. 

Inaya ako ng pamilya nya para daw makilala narin ako. Katabi ni Happy ang ama na siya namang naka-akbay sa kanya. Kitang-kita ko kung paanong nanabik sila sa isa't-isa. Maya-maya pa'y sumagot si Mang Kardo.

 "Anak..isa pang taon ha..isa nalang promise."

"Tatay naman eh."

"Feliz..ano ba itong anak mo?Manang-mana sa'yo."

"Huwag nyo akong isinasali sa usapan nyong mag-ama ha. Bahala kayong dalawa dyan." At ang kanilang ilaw ng tahanan ay dinala na nga ang mga niligpit na hugasin sa kusina.

Doon ko lamang din napag-isip-isip na sa pangalan nga pala ng nanay ni Happy kinuha ang pangalan nya. Feliz in spanish means Happy. Kakaiba ang pamilya nya. Natatawang napatingin ako sa mag-ama at dito ko napag-alamang kanina pa pala niya ako tinatawag.

 "Ay..ho..ay pasensya na po."

"Hahaha..wala yun hijo.Ang sa akin lang naman ay gusto kong ipagkatiwala sa iyo ang aking unica hija..maaari ba?"

"Tay..ano bang.." sansala ni Happy.

"Sshhhh..huwag kang maingay.Usapang lalaki ito." Ang sumeryosong ama na tinangal ang kamay sa pagkaka-akbay sa dalagang anak. Kaya ako na sumandaling nawala sa ulirat ay napa-OO na lamang na bigla.

"O-Opo naman po..maaasahan po ninyo."

"Magaling kung ganun..para hindi naman ako kakaba-kaba sa malayo."

"Tay nakakainis ka naman eh. Nangako ka noon eh. Sabi mo magkakasama na tayo, sabi mo hindi ka na aalis ulit. Ako na Tay..Ako na ha! Ako naman ang magta-trabaho." Si Happy na yumakap pa sa ama.

"Hahahahaa..ang anak ko talagang ito oo..pagbigyan mo na ako ha. Ibalato mo na itong isang taon sa akin. Kailangan kong pag-ipunan ang pagreretiro ko anak. Sana maintindihan mo." 

 Natapos ang maghapon ko sa bahay nila Happy. 

"Bakit mo pa ako ihahatid? Huwag na. Dito ka nalang. Maghahating gabi na, isa pa alam ko na ang sakayan ok lang ako."

"Osige..kahit hangang dyan lang sa gate." Ang may pagmamaktol nyang sagot.

"Sige na nga halika na..hangang gate lang ha."

Akbay-akbay ko sya habang lumalabas kami ng pintuan. Kami na lamang dalawa noon kaya ok lang. Nagpapahinga na kasi ang kanyang mga magulang.

"Alam mo ba?" tanong ko.

"Ano 'yun." si Happy na nakahawak sa baywang ko.

"Ang ganda ganda mo kahapon."

"Sus, bulero."

Aray ha at kinurot nya ako sa tagiliran.

"Totoo..walang biro."

"Oh..sige na umuwi ka na. Baka tamaan ka pa ng kidlat dyan." 

Pinagtutulakan na nya ako sa gate palayo.

"Hindi nga..ito ayaw talagang naniniwala sa akin. Nga pala..salamat ha."

"Saan?"

"Pinatuloy mo ako dito. Nakasama ko ang pamilya mo. Masaya ako."

"Talaga?"

At natunaw na naman ako sa mga ngiting iyon...dahil narin siguro sa labis kong kasiyahan kaya bigla akong napalapit sa kanya at marahang hinalikan ang nakangiti nyang mga labi bilang pamamaalam sa araw na iyon at nang kami'y maghiwalay ay nagkatawanan pa kami tsaka ko sya yinakap.

Pabirong pinagtutulakan na nya ako sa gate para makaalis na ako ng tuluyan. Ngunit hindi pa iyon natapos duon. Walang katapusang ba-bye at I love you pa ang sambit namin habang tawa ng tawa. Natigil lang iyon nang bigla ay nagbukas ang kanilang pintuan..duon na sya tuluyang tumalikod sa akin. Natatawang nilisan ko ang kanilang tahanan at habang nasa loob ng jeep ay naalala ko ang Graduation namin kahapon at kung paanong ang mga mata ko ay napako sa napaka-gandang nobya ko.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!