Officially Mine

161 19 8

"Eh teka lang may sasabihin nga ako sa inyo..pero promise nyo huwag kayong maingay." Pabulong na wika ni Happy.

"O..osige. Ano ba yun?" sagot ni Marigold na pabulong din.

"Halika kayo bilis. Lapit pa kayo." Yaya nya sa dalawang kaibigan na nakaupo sa kanyang harapan habang sila ay naghihintay sa susunod na klase. Ngunit sa paglapit ng mukha ng dalawang kaibigan ay nahihiyang sabi ni Happy.

"Ay..huwag nalang. Nakakahiya eh."

"Kita mo 'to, ginagawa mo kaming uto eh. Hmp..dyan na nga kayo." Ang mainiping si Shut na paismid na namang lalayo ngunit napigilan sya ni Happy.

"Maupo ka nga. Ang arte-arte mo." Hila ni Marigold kaya dagliang napaupo na muli si Shut.

"Awww." Maarteng reklamo ni Shut.

"Sige-sige sasabihin ko na. Pero huwag kayong maingay ha." 

"Oo na nga..ano ba yan. Pa-suspense pa." si Shut na hawak hawak ang nasaktang pwet dahil sa biglaang pagupo habang si Mari ay matyaga lang na naghihintay sa sasabihin ng kaibigan.

"Sinagot ko na sya." 

"Aaaaaayyyyyyyyyyyy.." ang pagkalakas-lakas na tili naman ni Shut dahilan upang maglingunan sa kanila ang buong klase. Habang si Mari ay takip-takip ang bibig na tumiling paipit pagkatapos ay hinawakan ang kamay nya na sa kilig ay iwinawagaway pataas.

"Hoy ano ba kayo..tumigil nga kayo." Saway nya sa dalawa na wala na ring magawa kundi makitawa, nang bigla ay pumasok ako kasama ang akin namang mga kaibigan, napatingin ako sa gawi nila bigla tuloy para silang na-freeze at nanahimik. Inayos agad ni Shut ang sarili kasama na ang kanyang kilay at naupo ng tuwid. Natatawang tumingin ako kay Happy at ngumiti lang sya sa akin. 

"Ay naku ha..Happy ikaw ha. Kung sa bagay ikaw ba naman ang ligawan ng isang mala-Ding Dong Dantes hindi mo ba sasagutin?" si Shut na hindi maka-move on.

"Ewan ko sayo Shut. Pero minabuti ko na lang na ipaalam sa inyo."

"Aba Happy dapat lang noh..kung hindi magtatampo kami sayo, diba Shut?" ang naghahanap pa ng back-up na si Marigold.

"Ay oo..kalimutan na pagka ganun. Oy ha. Kwentuhan mo kami ng adventures nyo ha..Yieeeee..Kinikilig naman ako." Si Shut ulit.

"Grabe ka naman. Kalimutan talaga agad." Sagot ni Happy.

"Oh pano ba yan? Welcome to the club. The Single-NoMore Club." 

"Hah..bakit Shut? Kailan ka ba nagka-bf?" kantsaw Mari.

"Mamaya meron na. Maghintay ka. Mangtitisod ako ng boylet dyan sa baba. Hahahahaa." At kanya ring pinagtawanan ang sarili nya.

Si Mari..1 1/2 year na sila ng boyfriend nya. Habang kami ni Happy ay magsisimula palang. Si Shut? Wala yun. Masaya naman sya sa buhay nya..yun ang nakikita ko. Masaya silang totoo..oo totoo yun.

Bago ko pala makalimutan. May isang bagay akong natuklasan kay Happy. Nuong nililigawan ko palang sya, napaka-hilig pala nya sa sulat. Kaya naman lingo-lingo hindi pwedeng hindi ko sya bibigyan ng card o sulat at sa tingin ko, isa yun sa nagpa-OO sa kanya sa akin.

Hindi lang din isang beses ko syang sinamahan noon sa post office para lang ipadala ang sulat ng nanay niya para sa kanyang ama at hangang ngayon ginagawa parin namin yun. Minsan pa nga ako lang mag-isa lalo pag busy sya. Gaya noong isang hapon, alas-tres na. Nag-aalala sya kung aabot sya sa post office kasi ay may kailangan pa syang i-reseasch sa Library, kukulangin na sya sa oras..at, bilang libre naman ako, ako na ang nag-presinta. Na-gamay ko nang lahat sa post office kaya hindi na ako nahirapan. Pagkatapos ko ihulog ang sulat ay pinuntahan ko syang muli sa Library. Sasabayan ko naman sya umuwi.

*************

Masarap pala ang ganito. Yun tipong nagtutulungan kayo. Kapag mahal mo pala ang isang tao. Kaya mong i-offer ang lahat. Masaya mag-mahal. Masarap na, nakaka-gaan ng pakiramdam. 

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!