Pagdating namin sa classroom ko ito agad ang bumungad sakin.

“Oh my gosh Amarie! Si Kenzo papunta dito!!!”

Kumunot agad yung noo ni Kenzo pagkarinig namin nun. Kilala kaya niya yung babaeng sumigaw?

“Pineapple Juice! Sino yun?! Kilala mo ba yun?”

“Sino? Yung sumigaw?” kunot noo pa rin niyang tanong.

Tumango ako.

“Oo. Kilala yan dito sa school eh.”

“Sino ba siya?”

“Girlfriend ng bayan.”

“Hanep! Kung may boyfriend ng bayan may girlfriend din ng bayan?! Naging girlfriend mo na rin ba yun?”

“Asa! Hindi ako pumapatol sa mga playgirl noh!”

“Masyado kang defensive!”

“Alam mo Cookie Jam hindi yun pagiging defensive. Pagsasabi yun ng totoo.”

Cookie Jam po kasi mahilig daw ako sa cookies na may jam. Kasi lagi kong nilalagyan ng jam yung mga plain cookies na kinakain ko. Minsan nga nilalagyan namin ng jam yung cookie dough eh.

“Andami mong alam Pineapple Juice!”

“Mr. Alquino!”

Parehas kaming napalingon ni Kenzo sa tumawag sa kanya. Isang babaeng may salamin at medyo mahaba ang palda ang nakita ko. Siya ba adviser namin?

“Siya adviser niyo.” Bulong ni Kenzo sa’kin.

“This school is for learning not a place for you to pick up girls!”

“Strikta siya.” Bulong ulit niya sa’kin.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung dahil yun sa mas kilala pa niya ang adviser ko kayasa sa akin o dahil binubulungan niya ako ng facts tungkol sa kanya.

“Go to your classroom now!”

“Hintayin na lang kita mayang lunch. Paghindi mo ako nakita ibig sabihin nasa caf na ako. Hintayin na lang kita dun! Bye!” tapos tumakbo na siya paalis. Napa-iling na lang ako sa ginawa niya habang ang lawak lawak ng ngiti ko ngayon.

“Ahem,” napatingin ako dun sa adviser daw namin kaya naman awtomatiko akong tumayo ng matuwid.

“Goodmorning po.” Magalang na bati ko sa adviser daw namin.

“Are you Ms. Alejandrino? The granddaughter of Mrs. Nathanniella Alejandrino.” Mataray na tanong niya.

My Bestfriend or My LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!