The Art of Courtship

175 20 7

Ang isang beses na lunch out namin na iyon ay nasundan ng ilan pa. Naging panatag din ang loob nya sa akin sa wakas. Ngunit kapag kasama namin sila Shut at Mari ay duon naman ako napapatiklop panay ba naman kasi ang pangangantsaw. Alam nila marahil ang motibo ko. 

"Happy, sabay na tayo umuwi medyo madilim na." 

"Syempre nagdidilim na, mag-gagabi na eh." Pagpaparinig ni Shut.

"Loko-loko ka talaga Shut." Si Mari sabay tapik sa baklitang kaibigan na mahilig lang naman talaga magpatawa. Napapailing na tinignan ko nalang si Happy na biglang natawa din dahil naman sa isa pang hirit ni Mari..

"Wag kang ganyan baka mamaya i-shoot ka nyan sa hard core."

"Ay wag naman..marami pa akong pangarap. Sabi ko nga e sige dyan na kayo. Dito naman kami ni Mari." Maarteng sagot ni Shut sabay talikod at hila kay Marie.

"Bye Happy, bye Klarence..ingatan mo yan ha." Paalam ni Mari na hila-hila parin ni Shut.

"Kayo talaga oo." Si Happy na pagkaluwang-luwang ang ngiti dahil sa kakulitan ng dalawang kaibigan. At ako naman na nakangiti ay biglang napa-seryoso ng maalala kong kami na lamang palang dalawa ngayon.

Sumakay na kami ng jeep papuntang Avenida at nang mga panahong iyon kahit maalinsangan ay tila pinagpapawisan naman ako ng malamig. Ganun pala ang pakiramdam kapag haay..ewan. Nang biglang...

"Ahm..Klarence. May itatanong ako?" 

Napatingin ako sa kanya at para bang lumakas ang tibok ng puso ko. 

"dug..dug..dug..dug" ang sabi ng puso ko. Nang mga oras na 'yon ay nasa dulo kami ng jeep nakaupo malayo sa driver, isinakto niyang walang makakarinig dahil wala masyadong pasahero sa loob ng jeep at tila ba't alam ko na kung ano ang itatanong nya.

"Nanliligaw ka ba?"

Hindi nga ako nagkamali. Pero hindi rin ako handa. Dito naman umugong ang teynga ko, sandali akong natulala. Nakaka-torpe. Ano ba yan? Bakit kailangang unahan nya ako?

"Ahh.." ako yan wala pang masabi.

"Ahh..ano?" ang naka-ngiti nyang tanong. Sa ganda ng ngiti nya napakamot na lang ako at marahang sinabi.

"O-oo..sana..hehe."

"Ahhh.." sabi nya ng nakangiti sabay tingin sa driver sa kabila. At habang hindi sya nakatingin sa akin ay naglakas loob akong magtanong.

"Pwede ba?" tanong ko, dito'y lumingon sya sa aking muli.

"Hmmm.Tignan natin," 

"Mama, para po." Ang magkakarugtong nyang sinabi.

 "Tara na.baba na tayo." Yaya pa nya.

"Yes..!" Bulalas ko sa aking sarili habang sinusundan ko sya sa kanyang paglakad. Nakakakita ako ng pag-asa at matapos ko syang ihatid ay masaya akong umuwi.

*********

Sa panliligaw, napatunayan kong LOVE is never easy. Pinaghihirapan din pala ito. Gaya ng pag-aaral at ng simpleng pagkain sa hapag. They cannot be acheived overtime at walang short cut lalo na kung gusto mo itong makuha sa maayos at matinong paraan, ngunit kung ikaw ay pagpapalain labis namang kasiyahan ang dulot nito talo pa ang manalo sa Lotto.

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!