Meeting Happy

212 21 7

Lunch time. 

Break din nila. 

Nagmamadaling inayos ni Klarence ang kanyang mga gamit nang makitang nagaayos narin si Happy. Sa paglakad ng dalaga ay kanya itong sinundan at sinabing..

 "Sabay na tayo..saan ka kakain?"

"Pano ba yan? May kasabay ka nang kumain!" Ang bading na si Shut (short for malanding cute) na tumabi sa gilid nya. Kaibigan niya ito na kasama si Marigold (Mari for short) ang isa pa niyang kaibigan. Nasa kabilang gilid naman si Klarence na napapakamot.

"Mauna na kami ha." Si Shut na bumulong pa sa kanya bago pakembot na lumayo kasama si Mari..si Mari naman ay nakuha pang lumingon sa kanya at kumaway nang nakangiti.

"Grabe kayo.." sigaw na lamang ni Happy na ang buong akala ay nagbibiro lamang ang mga kaibigan. Kaya wala na nga siyang nagawa pa kundi sumabay sa binata.

 **

At heto na nga..kaharap ko ngayon ang dalagang may pinaka-magandang ngiti, salamat at nagkaroon din ako ng lakas ng loob para makilala sya at sa tingin ko. Ito na ang simula. Magmula sa araw na ito na kasama ko syang mag-lunch ay ipinapangako kong liligawan ko sya.

Oo ako nga..ako ang kanina pa nagku-kwento. Ako ito, si Klarence kaya nga hindi ako makapapayag na sabihing maangas si Klarence dahil ako 'yun. Mabait ako huwag lang susumpungin.

Humanga ako sa kanya nuong unang beses na tumuntong ako sa harapan upang magpakilala ng aking sarili. Sya ang una kong nabungaran. Hindi pa siya nakangiti noon dahil seryoso siyang nakikinig, ang masaya pa doon ay ka-grupo ko sya. Isang umaga nang ang grupo namin ay maatasang mag-report kahanga-hanga ang mga ngiti nya at maayos naman niyang nasasagot ang mga ipinupukol na tanong ng klase sa kanya.

Nang mga sandali ngang iyon ay tila napapaawit ako sa isip ko ng isang Kenny Loggins song, "Are those your eyes, is that your smile. I've been lookin' at you forever but I never saw you before...." 

At sa tuwing may klase hindi naman halatang nakatingin ako sa kanya diba bilang nasa likuran nya ako. Yun nga lang madalas akong natatawag dahil para daw akong naka-tanga.

Pagkatapos ng klase ng hapong iyon ay hindi pa agad umuwi si Happy. Dumaan pa sya ng post office. Hindi ko sya sinusundan ha. Nagkataon lang na nakita ko syang bumaba ng jeep at tinungo ang gusali.

******* <3 *******

At...ito naman ang buhay Kolehiyo. Dito hinuhubog ang pagkatao ng isang tao. Dito, ihahanda ka para sa totoong mundo na gagalawan mo kalaunan. Akala mo seryoso pero hindi parin. Pero isa lang ang alam ko. Seryoso ako kay Happy. Whenever I am with her..I'm...I'm Happy. :)


Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!