Karapatan

55 1 0

Maliban sa abril dose eh alas dose na pla

Di naman ako mahilig sa night life pero akoy gising pa

Tutal nabanggit ko na rin ang night life eh ang mga nars ang expert jan

Kasi para sameng mga nars ang tunay na nyt life eh night shift na walang tulugan

So bakit ba ako biglang napapapost na naman

Wala lang siguro magawa? Pwde ring binabagabag na ako nang konsyensya ko kasi matagal na akong inaabangan nang aking fan/s

Na ang nasaisipan ay " kelan kaya sya magsususlat nang malike ko nman"

Hahahaha filing filingan din pag may tym 

Gusto ko lng sana gumawa nang liham para sa mga anak at magiging anak

Di naman ako lalayo, luluwas, at xempre di rin nakainom nang alak

Di pa rin nman sila nakakaintindi ni di nga marunong magbasa o mag FB

Pero ito'y isusulat pa rin kc alam ko balang araw sila'y maglolog-in at ako'y ifefrend request din

Di na ko magugulat kung may notification na sila'y nagcomment na rin

So uumpisahan ko ang liham syempre sa Dear anaks with smiley 

Pasensya na uumpisahan ko nang mging senti,ala una na kasi

Anaks Alam kong karapatan nyong mabigyan nang panahon at atensyon

Karapatang matimplahan nang gats mapaNIDO man o Enfagrow (Sosyal nio nak eh ako nga MIKMik lang ata)

Karapatang mkipaglaro, mapataguan man o habul-habulan

Karapatang makwentuhan kahit kwentong barbero lang

Karapatang makarga sa likod khit mgmukha nakong si hunchback nang notredame

Karapatang mahele khit matransform akong human duyan

Karapatang may magtayo sa tuwing sanyo natutumba at nadadapa nakahuli man kayo man nang bangus o tilapia

Karapatang may mayakap sa tuwing iiyak na pampawi nang takot at pambawas sa sakit na nadarama

Karapatang magkaroon nang singer kahit sintonado wag lng kayo ma-insomnia

Karapatang magkaroon nang supporter para purihin ka sa munting paraan nyo nang pagpapasaya

Karapatang magkaroon nang kritiko para itama sa maling nagawa

Karapatang maturuan nang 123 at ABC at in case natututunan xempre matreat sa Joliibee

Karapatang makampihan sa tuwing may laban

Karapatang masagot sa anumang katanungan

Karapatang di ko na babanggitin pa kc balang araw baka maisumbat nio pa haha pero kungsabagay isa rin un sa karapatan nio ang masumbatan ako hahaha dont worry ineexpect ko ito

Gaya nga nang sbe ko ala pa namn sa isip ko ang lumayo kasi sa ngayon kayo ang focus ko

Pero un nga di ko rin maipapangako kc nga future nyo rin ang iniisip ko

Alam kong isusumbat nyo na meron pang mas mahalaga sa pera at un ang panahon, atensyon na karapatdapat na matanggap nio

Kaya nga ngsosorry na ako 

Kung ganun lang sana kadali manalo sa lotto o keno eh matagal nakong milyonaryo pero ang problema pano ako mananalo ni di nga ako nagtataya dito ! 

Pero kahit di ako manalo eh higit na sa khit pa anong panalo ang mararamdam ko kung marealize nio na naimbento ang salitang SAKRIPISYO dhil MAHAL ko kayo hahahahaha

Kaya cguro may letrang I ang saksripisyo kc nga I in tagalog is AKO

AKO na lang kaysa KAYO hahahaha

Alas dos na pala inaantok na ako 

KarapatanBasahin ang storyang ito ng LIBRE!