Distracted Mind

237 17 0

CARLO POV:

Pumasok ako ng maaga sa eskwelahan kelangan ko kasi magreview, prelim kasi namin at dahil maaga pa wala pa masyado estudyante sa room kaya walang inggay at makakapag consentrate pa ako nito.

Dali dali ko kinuha ang notebook ko at ang libro ko at binuklat ito sa may lamesa ko nagsimula na ako magbasa ng bigla bumukas ang pinto.

Napatingin ako dito sa gulat ko pero mas kinagulat ko ang babae pumasok pero pano napadpad dito? hindi to yung eskwelahan niya. Pero nakita ko siya ngumiti ng makita ako at naglakad patungo kung nasan ako nakaupo.

Kaya napatayo ako. "bakit ka nandito?".

pero hindi siya nagsalita o sumagot man lang sa tanong ko patuloy parin siya naglakad papunta sa lugar ko at ng makarating siya tumigil siya sa harap ko at ngumiti ng pilyo.

Bigla ako kinilabutan sa mga ngiti yun na parang may hindi maganda mangyayari. Nagulat na lang ako ng bigla niya hinawakan ang baba ko at dahilan para mapatingin ako sa kamay niya na ngayon hawak hawak ang baba ko.

"teka! teka! ano gagawin mo?". pautal ko sabi.

Pero laking gulat ko ng dahan dahan siya lumapit at nakanguso na wari'y gusto ako halikan kaya ginamit ko ang mga kamay ko para pigilan siya halos  hindi na nga mapinta ang mukha niya sa kusot dahil sa pagpigil ko dito pero ang lakas niya at palapit na siya ng palapit sa mukha ko na wari'y isang malaking nguso na ang dadampi sa mukha.

"Wag! wag! wag!".sigaw ko.

Napamulat na lang ako ng marinig ko ang alarm clock ko kaya napatayo ako at pinatay to, hingal na hingal pa ako habang hawak ko pa ang alarm ko hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na panaginip lang pala yun para ako mamatay. napa kuyom na lang ako ng palad bakit yung babae yun hindi matanggal sa isip ko.

Kaya nagpasiya na lang si Carlo maligo na nagbabaka sakali makalimutan niya ang babae nakilala niya sa eskwelahan ni Karl simula ng makilala niya ang babae yun hindi na matanggal sa isip nito ang mukha nito at mga labi nito.

"ohh Carlo ang aga mo ahh!". gulat na bunggad ni margaret sa anak habang pababa ito sa hagdan.

"maaga po nagising ehh". sabay halik nito  kay margaret at umupo na sa pagkainan.

Nagsimula kumain si Carlo na wari'y pinaglalaruan lang nito ang pagkain hanggang ngayon hindi parin matanggal sa isip niya ang babae yun.

"Goodmorning bro!". sabay tapik ni Karl sa kapatid.

Nagulat pa nga si Carlo sa pagtapik ng kapatid niya si Karl sa sobra lalim kasi iniisip nito di niya na namalayan ang pagdating ng kapatid nito.

"wala ka naman pasok bakit ang aga mo?". pagusisa ni Carlo.

Lumingon lingon si Karl sa paligid nila ng matiyak siya asa kusina si margaret tsaka siya nagsalita. "May gimik ako mamaya ehh, kelangan magpakamabait para payagan". sabay ang ngiti nakakaloko.

Napailing na lang si Carlo sa kalokohan naiisip na naman ng kapatid nito.

Nang natapos na siya kumain nagpaalam na ito agad sa ina at sa kapatid at di nagtagal nakarating din siya sa eskwelahan niya.

Tuwing nagbubukas ang pinto hindi  maiwasan ang paglinggon lingon ni Carlo sa pintuan, Naalala ko niya kasi yung panaginip niya kanina baka kasi bigla na lang sumulpot ang babae. para na nga nababaliw si Carlo sa pinaggagawa niya.

"pre okay ka lang ba?". pagalalang tanong ng kaybigan nito.

Nagulat naman tumingin si Carlo sa kaybigan na ngayon asa tabi niya nakatayo.

"oo naman pre! ano kaba! mag-aral ka na nga".pagsisinungaling ko.

napailing na lang ang kaybigan ni Carlo sa inasta niya kakaiba.Ano ba nangyayari sayo Carlo napaparanoid ka na. focus focus. bulong nito sa sarili at dumating na din ang professor nila. sa lecture niya na lang tinuon ang isip niya para makalimutan ang babae kanina pa gumugulo sa isip niya.

Hanggang sa hindi na namalayan ni carlo ang oras at natapos na ang klase niya.

"Ano Carlo uwi ka na?". paguusisa ng kaybigan niya.

Hindi na niya niligon ang kaybigan niya dahil busy ito ilagay sa bag ang mga gamit nito.

"oo bakit?". paguusisa nito sa kaybigan.

"ahh wala, nagbabakasakali ako gusto mo sumama sana gumala kaso mukhang mag-aaral ka pala. sige kita na lang tayo bukas".pagmamadali sabi nito.

Di na nakasagot si carlo dahil sa mabilis na nawala ang kaybigan niya kaya nagpatuloy na lang ito sa pagaayos ng gamit at ng matapos na ito magayos agad na din to umalis.

Maaga ito nakaumuwi, ngunit pagdating nito sa bahay tanging kasambahay lang nila ang naabutan ang mama nito ay nasa kamag-anak nila habang hindi pa nakakauwi si karl kaya naisipan nito pumunta na lang sa sm, Para bumili na bagong libro at para hindi niya na din maisip ang babae yun.

Di din nagtagal nakarating na ito sa sm at tulad dati diretso ito sa national book store. bukod sa library basta may libro yun yung tambayan ni Carlo taliwas naman to kay karl na basta may babae tiyak andun siya.

Ng hindi niya mahanap ang libro gusto niya dali dali ito lumabas at pumunta sa book sale sa may ikatlong palapag.

"Karl! Karl! karl!".sigaw ng lalaki.

Napatingin tingin pa to sa paligid pero wala siya nakita kaya binalik na lang ang tingin sa harap at napangiti na lang to. Mukhang pati sa pangalan ni Karl napaparanoid na din ako. bulong nito sa sarili at nagsimula maglakad.

Nagulat na lang to ng bigla may umakbay sa kanya at dumikit na lalaki atimo'y naging palaman siya sa tinapay dahil pinagitna siya ng dalawang lalaki.

"oyy pre, mag-isa ka yata? walang chiks?". pangaasar ni jc sabay ang ngiti nakakaloko.

"Wag mo sabihin nagbago buhay ka na?". dagdag ni Billy.

Napapikit na lang ng madiin si Carlo, hindi niya inaakala sa pagdating ng dalawang pasaway na to ang simple pagrerelax niya eh mabuburnada pa.

"ahh ehh mga pre-".paputol na sabi ni Carlo.

"tara sama ka samen".sabi ni Billy.

Sa pagkasabi pa lang ni Billy nakaramdam na siya ng takot at kaba alam kasi nito ang ugali nila kaya nga naging barkada ito ni Karl pare pareho sila ng gusto.

"teka! teka! san?!".pagpipigil nito sa dalawa habang nagtatanong.

At nagwagi si Carlo napatigil ang dalawa sa paghatak nila kay Carlo at sabay ito lumingon sa kanya, Isang pilyong ngiti ang nasilayan ni CArlo.

"Sa paborito place mo. Sa bar!".pilyo sagot ng mga to.

At muling hinawakan nila dalawa ang braso ni Carlo at hinatak to.

"te-teka!". ang tangi nasabi na lang ni Carlo.

Twin HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!