Welcome to College

221 25 10

Taong 1998, ayon sa aking pagkakatanda ay may ilan-ilan ng kumpanya ang gumagamit ng MS Dos at dahil kumplikado pa itong gamitin ay hindi pa nito naaabot ang karamihan. Sa mga panahong ito ay College na si Happy. Sa Lyceum sya nag-aaral sa kursong B.S B.A. Management. Hindi niya sinagot noon si Max dahil sila ay talaga namang mga bata pa. Pagtuntong ng 3rd year ay nakilala niya si Klarence transferee from FEU. Angas na angas siya dito (don't get me wrong, mukha lang syang maangas dahil sa built ng katawan nya pero..mind me, mabait sya). Dahil sa height nitong 5'8 ay magagawa nitong hawiin ang lahat ng nasa harapan niya.

Ano ba naman ang height nya diba? 5'3 lamang si Happy kaya hindi nya masyadong kinakausap ang kaklase na nasa likuran nya laging nakaupo. Paano ba namang hindi eh Castellano ang apelyido ni Klarence at dahil alphabetical ang order kaya lagi siyang nasa likod nito.

Hindi pa nagsisimula ang klase.

Habang nakaupo si Happy at wala pa ang mga katabi nito ay tumabi sa kanya si Klarence. Gamit ang gilid ng mga mata ay sinulyapan siya ni Happy na bising-bisi sa pagbabasa.

"Nakita mo ba yun pinapahanap ni Ma'am sa libro? Pakopya naman ako." Tila may pagka-seryoso ang tinig ng binata.

Sandaling nag-isip si Happy. Maya-maya pa'y inilatag ng binata ang pisngi sa arm chair habang nakatingin parin sa kanya.

 "Sige na..Happy." 

Sa tinuran ng binata ay tumingin sa kanya si Happy. First time iyon na tinawag siya sa pangalan ng binata. Sa tuwing tatawagin kasi siya nito ay "Hoy!" ang laging tawag sa kanya. 

 "Hindi mo nakita kasi hindi mo hinanap."

"Uy! pano mong nalaman?" si Klarence na tumindig na muli sa upuan.

"Oh..magpasalamat ka ka-grupo kita..kung hindi sorry." Si Happy na umismid kunwari sabay abot ng notebook.

"Ang dai namang sinabi. Sige na! Dahil dito ililibre kita mamaya ng lunch." Kaya't ang binata ay tumayo na at pumunta sa lugar nya upang kopyahin ang notes ng dalaga.

 

Our Own Kind of ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!