For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

High School

9 1 0

Sophia's POV:

This will be my first day. Sabi nila highschool daw ang best part ng buhay. Nakakaexcite na nakakakaba. Ihahatid pa ako ng mommy ko. Hay nako pano to e late na ako. Ang bagal naman kasing kumilos ng nanay ko e.

Nasa labas na kame ng campus at hindi ko alam ang dapat iexpect. Wala pa kame maparkingan. Nakakaloka talaga. Pag pasok namin sa labas ng classroom nakatingin silang lahat at hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman kasi ako sanay ng tinitingnan.

Well hindi naman kasi ako talaga maganda. Hindi ako marunong magayos at hindi din ako kaputian. Sabi nila mas maganda pa daw ang mommy ko sa kin.

'hi ako si Sophia Delgado' pakilala ko sa kanila.

Dito na nagsimula ang buhay ko sa highschool. Nagkaron ako ng maraming kaibigan. At isa kame sa popular sa school. Hindi ko na matandaan kung bakit ako napasama sa kanila. Pero sa pagkakatanda ko dahil eto kay Cheche, kapitbahay ko sya. Lage kame sabay nauwi kaya lage nya ako niyayaya sumama sa kanila.

Magugulo ang barkadahan nila. maiingay. Hanggang sa unti unti na ako natutong magayos ng sarili. pumorma. Gusto ko ipakilala sa inyo ang mga kaibigan ko. Unahin natin si Cheche ang kapitbahay ko. Sya ang pinakamataray at pinakastraight to the point na taong nakilala ko. kung ayaw nya sayo wala kang magagawa. Pero pag gusto ka nya talagang kaibigan ka nya. Si Kristine, sya ang naging bestfriend ko. sobrang close namin. Malambing sya at sobrang thoughtful. Si Jeremy, pinakakengkoy sa tropa. Madaming baong joke na madadala ka talaga. at syempre si Rocky, naging close ko sya nung 2nd year highschool, napalipat sya sa section namin, galing sya sa section ni cheche. Parang kuya ko sya. Sya ang sinusumbungan ko sa lahat ng bagay.

Mabilis dumaan ang mga araw, 4th year highschool na kame. Lahat na kame naghahanap na ng papasukan for college.  Syempre dapat magkasama kame ni Jeremy, naging kame ni jeremy. Napakabait nya. Theres no dull moments with him lageng masaya pag kasama ko sya. Well hindi ko naman talaga sya ganon kamahal kaso naoop na ako sa barkada lahat sila mag bf-gf na. Si cheche and rocky. Si kristine and cholo. Kaya nung nanligaw sa kin si jeremy sinagot ko na. Lahat kame sa la salle lipa magaaral. I'll be taking Bachelor of Science in Tourism. Si jeremy at rocky Engineering while my bestfriend kristine will be taking ABCommunication.  Si cheche lang ang mapapahiwalay mag mamanila sya. Si cholo naman wala pa balak magcollege wala pa daw syang naiisip na course.

Nasa loob ako ng kwarto ko. Grabe lahat ng bagay na nakikita ko color blue. Cellphone ko, trashcan, bedsheet, curtains, pillow. Lahat. Nung bata kasi ako favorite ko sya ngayon parang naduduling na ako sa kulay. Nakatanggap ako ng message galing kay kristine

Sabay sabay na tayo magenroll.

Pagdating sa meeting place. Si rocky pa lang ang andon.

"Kuya ang aga mo a" biro ko.

"May dinaanan pa kasi ako e."

"kuya nasa mcdo daw sila andon din daw si cheche."

patawid kame ng mcdo. hinawakan ni kuya ang kamay ko. hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makahinga. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa. Natawa ako. Para kameng kape at gatas. Ang puti puti naman kasi ni kuya rocky.

Napansin nya na natawa ako.
"Kumapit ka. Ang daming sasakyan."

binitawan nya din ako pagkatawid namin. Bakit ganon. Parang ayokong bitawan nya ako parang safe ako pag hawak nya ang kamay ko.
"Psh. Para akong tanga." voice out ko ng nasa isip ko.
"Ano?" tanong nya.
"wala." sagot ko sabay tawa. Wala naman talaga. Nasisiraan na naman siguro ako ng bait. Hahahahahaha. Kung ano anong naiisip ko. Hay nako sophia.

Wrong TimingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!