######

CHAPTER 8 - ALDRIN SPADE FERNANDEZ

Sabrina’s POV

Dahil Sabado ngayon at walang pasok, inutusan ako ni ate Serine na maglinis muna ng kwarto niya. Kaya eto ako ngayon at nagpapakahirap linisin ang kanyang kwarto na mukhang ginulo niya talaga para mahirapan ako. Habang naglilinis ay biglang pumasok si ate Serine at gaya ng dati tuwing nadadaanan niya ko ay lagi niya kong dinadanggi, buti na lang naibalance ko ang sarili ko kaya hindi ako natumba. Nagpatuloy na lamang ako sa paglilinis na hindi ko siya nililingon at pinapansin.

“Hoy! Ayusin mo nga yang paglilinis mo. Tingnan mo do'n ang dumi dumi pa, linisin mo nga 'yun.” Naiirita niyang utos sakin habang tinutulak tulak ako sa parteng na sinasabi niya. Hindi na lang ako kumibo at sinunod na lamang ang utos niya sakin

‘Ganito na lang ba ko palagi laging sunud sunuran…’

Matapos maglinis sa kwarto ni ate Serine ay pumunta na ko sa kwarto ko upang sana ay magpahinga. Kaya lang hindi pa ko nakakapasok ng makasalalubong ko si kuya Jason, iiwas na sana ako ngunit nagulat ako ng pansinin niya ko. Mula kasi nung nanakawan kami hindi nya pa ko kinakausap...

“Natanggal na ko sa trabaho. Kaya kung ako sayo magtrabaho ka na rin katulad ni Serine. Naiintindihan mo ba 'ko?” tanong niya sakin na ikinagulat ko ng bahagya. Natanggal si Kuya? Nag t-trababo na si Ate Serine?

Gusto kong mag salita pero hindi ko na lamang tinuloy at tumango na lamang ako bilang sagot. Binigyan niya ko ng kakaibang tingin bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

Pumasok na ko sa kwarto ko at dahan dahang umupo sa aking kama. Napabuntong hininga ako at bahagyang ginulo ang buhok.

“Kailan ko ng magtrabaho. Kailangan kong tumulong sa kanila.”

Um’oo’ na ko kay kuya kaya kailangan ay tuparin ko yun. Pamilya ko pa rin sila, kaya dapat nagtutulungan kami na malutas ang problema. Ang pamilya kahit anong problemang dumating, nagkakaisa pa rin at nagtutulungan…

‘Kahit na hindi naman talaga pamilya ang turing nila sa'yo.’

***

(The Next Day. Sunday.)

Maaga akong umalis ng bahay para mag hanap ng pwedeng trabaho. Mahirap man para sa isang estudyante kagaya ko ang mag trabaho kakayanin ko kasi para sa pamilya ko naman ang ginagawa ko. Ang problema ko na lamang talaga ay kung saan ako hahanap. May tatanggap ba sakin kahit hindi pa ko graduate ng collage? Hindi ko alam. Pero susubukan ko. Baka sakali na meron kahit part time ay ayos na sakin. Ang mahalaga ay makaipon ako ng pera para may panggastos kami sa bahay.

Nagpatuloy ako sa pagtingin at pag a-apply sa mga trabahong alam ko kaya lang sa kasamaang palad wala ni isa ang tumanggap sa'kin. Katuwiran nila ay wala pa daw ako sa tamang edad o kaya baka daw hindi ko kayanin ang mga trabaho kasi medyo payat lang ang katawan ko. Hindi man lamang naisip na hindi naman ako mag a-apply kung hindi ko kaya.

Napatingin ako sa aking orasan na suot. Mag tatanghali na pero wala pa rin akong napapala. At isa pa gutom na rin ako. Hindi ako nag umagahan kanina dahil una walang pagkain at pangalawa, wala ang mga kapatid ko.

Dahil sa pagod ay napagpasyahan ko munang tumambay sa mga bench area sa labas ng isang restaurant. Bumili muna ako ng tubig at biscuit sa kalapit na tindahan at saka ako nag punta doon upang mag pahinga sandali.

Nakatingin lamang ako sa kawalan habang nag papalipas ng oras ng halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ng isang lalaki. Napatingin ako sa direksyon kung saan nang gagaling ang boses na iyon at nakita ko ang isang lalaki na nag lalakad palabas mula sa restaurant, may hawak na phone at iritang ginugulo ang kanyang buhok. Sa itsura ng lalaking ito ay halata mo ng may kaya sa buhay. Isang halimbawa ng mga taong kinaiinggitan ko.

The Long Lost Twin Heiress (COMPLETED)Read this story for FREE!