Part 1

117 1 0

ASHTON HIGH.,

Sa Lahat na yata ng paaralang napasukan ko, ito na yata ang pinaka malala , nandito yung mga ibat-ibang uri ng tao. Akala ko sa pelikula lang ako makakakita ng ganito ngunit ...

 BUGSH!

Nandito ako mismo sa school na mala teleserye ang programa. Masasaksihan mo ang patayan, bugbugan, landian, away At kung ano ano pang kagaguhan sa buhay.

Madaming Nerd, oo nerd kung titignan pero hindi katulad ng nerd sa ibang storya, nerd na basagan ng ulo at matatapang ang mga tao. Hindi mo aakalaing malalandi ang mga nerd dito. Mayroon silang landing di mo inakala. Sa umaga nerd na nerd pumorma, makikita mo ang makapal at malaking eyeglass na nakasuot sakanila. Naka pony sila ng pangbata. Tapos nakasoot pa sila ng bracesa ngipin. Pero pag gabi na at tapos na ang eskwela, makikita mo silang gumagala sa labas ng dorm with pekpek short and very thin sando na bakat ang bra. Puta kung titignan. Hinahalikan nila ang mga gangsters na makasalubong nila, pokpok kung baga.

Madami ding basagulero, unang pasok ko palang sa paaralang ito may nakasalubong na akong duguan na dinadala ng ilang kalalakihan papuntang clinic, makikita mo ring may nag iinuman, nagsisigarilyo at kung ano anong kaadikan. Kulang nalang yata mag shabu ang mga tao dito. O baka naman may nag shashabu na talaga.

Desperado kaming pumili ng school nila daddy kasi they always says that "You are my only hard headed  child, hindi naman ganyan ang ate mo diba ? Bakit di mo sila gayahin ng kuya mo?". Gusto nila sila ang masusunod, LAGI. Nagkakaganito lang naman yata ako dahil sa pagpapalaki nila, o sadyang pinanganak ako ng ganito. Lagi na nila kong ikinukumpara kay Kelshy na nakatatandang kapatid kong babae. Siya nalang laging magaling, sya na lang laging mabait, mahinhin kasi syang babae. E ako? Daih ko pa kuya ko kumilos. Si kelshy kasi ang malaperfect na tao. kailangan ko daw syang gayahin o tularan. For Their Information, Meron akong sariling ugali. Hindi na nila mababago kung ano ako.

Naputol ang pag deday dream ko kasi tinawag ako ng professor kong panot. 

"HOY BABAENG DABYANA SA PINAKA LIKOD ! BAKIT KANINA KA PA NAKATULALA DYAN HABANG NAG TUTURO AKO HUH? NAKIKINIG KA BA HA? TABA ?". Sinabi nya na ikinainit nang matigas na ulo ko. lalo na nung narinig ko ang mga panglalait nya.

"Hoy Mr.Panot. (tinignan ko sya from toe to head. wala kong pake kahit baligtad. sabay irap) Kung bastusan pala gusto mo eh sige pag bibigyan kita. Makapanglait ka wagas ha ! Akala mo walang kalait lait sa itsura mo ! Sa tingin mo makikinig ako kung ganyan ugali ng mag tuturo saken? Problema mo ba ang pagbaba ng grades ko? Maaapektuhan ba ng magiging grades ko buhay mo ? Di kita pag aaksayahan nang oras simula ngayon !. Alisin mo na ako sa student list mo at bukas na bukas lilipat na ako ng room ! leche !". Wala man akong respeto sayo, yun ay dahil di mo rin ako niririspeto. Tuwing nagagalit ako di ko alam nasasabi ko at kinakabahan rin ako. Nagulat ako sa sinabi ko kaya yumuko ako at nag drawing sa sketch book ko. Nakita ko rin ang pagka mutla ni panot at nahinto sa paglalandian ang aking mga kaklase.Narinig ko rin ang nagbulungan nang iba .

Nairita nako sakanila kaya Nag walkout ako at dinala ko yung mga gamit ko sa kwarto namen sa dorm at dumiretcho ako sa canteen. Naku naman! Inatake nanaman ako ni KATAKAWAN !!

"Alis jan taba !". Bungad saakin ng isang babae na parang pamilyar ang boses. Hindi ako nakatingin sakanya. Kumukuha kasi ako ng coca cola sa reff ng canteen sa school.

"Sira Ulo !" Sagot ko sakanya. "hindi mo ba nakikita na kumukuha pa ko??". Dugtong ko.

"Easy lang ! Joke Lang !". Sagot ni Janie na nag paalis sakin kanina.

"Oh, Ikaw pala! Kala ko kung sino. Sorry nabigla ako kanina . Narinig ko nanaman kasi yung TABA!." Sagot ko sakanya."Tapos na badtrip pako kay bhosxz Panot kanina" Dugtong ko na ikinatawa nya..

"Oh. its ok. kasalanan ko. Sorry huh! Si Panot?? Di ka na nakapag pigil hahaha. tara kain na tayo!" Sagot ni Janie.

Habang kami'y kumakain, may mga lokong nakakuha ng atensyon namin sa canteen dahil sa lakas ng kalabog ng pinto gawa ng  pagkalakas lakas na sipa ng isa sa mga miyembro ng grupo.  

Umupo sila sa bandang gilid ng desk namin ni Janie at pinatong nung isang miyembro ng grupo ang kanyang paa sa mesa. Blonde ang kanyang buhok at may katamtamang laki ng muscle sa braso. Hindi ko gusto ang ginawa niya dahil wala syang galang sa pagkain.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kayat nag disisyon ako na lilipat ako ng mas malayo sakanilang mesa.

Habang akoy nag lalakad hinarang ako ng isang lalaki na blonde rin ang buhok. Aakma sana itong yumakap saakin ngunit bago nya ko mayakap eh nasapak ko na siya sa mukha. Muntik na syang tumumba ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay  upang hindi sya sumubsob sa sahig . Pumunta ang ilang miyembro ng grupo saamin at kinuha nila ang lalaking nasapak ko kanina. 

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nag tuon saamin ang atensiyon ng mga tao. Bakas sa mukha nila ang pagka gulat ngunit inirapan ko sila isa isa kayat bumalik sila sa kanilang ginagawa. May ilan ding lumilingon lingon saakin. May narinig din akong bulungan. Pero isa don ang nakapag paloko sakin. Yung nagsabi nang..

"Fat But Terrible Pala Sya Wahahaha."

Hinaltak ako ni Janie sa braso palabas ng canteen, di ko siya tinignan dahil nagulat din ako sa ginawa ko kanina. Di ko maalis ang aking paningin doon sa lalaking nasuntok ko kanina. Nagdugo pala ang ilong nya.

Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ni Janie mula sa Canteen. Dumiretso kami sa dorm at inupo nyà ako sa kama ko. Umupo sya sa kama nya. Magka tapat lang kami ng kama kaya magkaharap kami ngayon . 

"Jeizlyn, hindi mo kilala kung sino kinalaban mo kanina.  Miyembro sya ng 420 brotherhood. Kaya ka nilang patayin kung gugustuhin nila !"

"Janie, alam mo ? WALA AKONG PAKEELAM !!

_____________________________________________________________________________

(A/N): Wooh ! pinutol ko talaga kase gusto ko lang. Kaya kayang ma 50 reads ? uupdate ko pag 50 reads na XD

Sya nga pala, Janie pronounce as jeyni, then si jeizlyn is pronounce as Jeyzlin... 

Love Story Ni Tabachoy (The Wild One)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!