Special

14 0 0

dikolam at kitikiti na naman ang daliri ko

ang totoo nyan marami pa akong gagawin pero inuuna ko ito

bigla na lang natrigger ang utak ko 

Ito kasabay nang pagulan sa labas eh inuulan ako nang inspirasyon para ibahagi ang munting kwento

Oo nga pala natalo ang Miami heat ko

5 days din ako hindi naka move on bro (hahaha)

Pero mas malalim pa jan ang rason bat ako napapakwento

Hanggan ngayon sinusundan pa rin ako nung narinig ko

Itago na lang nten sya sa pangalang ezra, isang espesyal na bata

Ang totoo nyan pinanganak syang masayahin, madaldal,matalino at mganda

Pero tila ata bgla na lng huminto ang mundo nya

Sya'y tumahimik at bigla na lng nging tulala, Koneksyon sa paligid biglang nawala

Parang un wifi, signal o kuryenteng na bglang nadisconnect

dba badtrip napapamura ka panga at napapaSHHeeeet

Sa mga hindi doctor, nars, o therapist o sa mga walang idea

Autism ang tawag sa condition nya

Magkano ang therapy? di bababa sa limang daan kada oras ang multa

kaya naman ang mga magulang asan sila? ayun andun sa ibang bansa

Sa wakas nakauwi din si mama at papa

"Anak andito na si mama miss na miss na kita.."

Pero si ezra nakatingin lang at nakatulala

Si papa itinago na lang ang pagluha ang totoo nyan nadudurog na ang puso nya

lumipas ang ilang araw at si mama ay paalis na

"anak anak ezra aalis na uli si mama... pwede magsalita ka na mis na miss ko na un boses mo at un pagbigkas mo nang mama"

Ok lang yayakapin na lang kita tandaan mo mahal na mahal kita

paalam sa ngayon hangan sa muling pagkikita

Umalis ang mama at dun lang binigkas ni ezra ang mama

marunong din palang lumuha ang munting bata

ewan ko ba ang sakit sa puso pero di awa un kelangan nila

kundi pagiintindi, oras, un presence mo at pasensya

Minsan dadating talaga un tym na kekwestyunin ka kung anu ang kahulugan buhay?

Ako ang isasagot ko sa inyo eh AUTISM at xempre ul ask me WHY?

Hindi ko na kelangan sumagot kc ineexpect kong gets nyo na

Nasa isang kwento lang din kme ni ezra

d-) at Wala kayong dapat ipagalala ako ang bahala d-)

Salamat sa mga magbabasa hehehehe

SpecialBasahin ang storyang ito ng LIBRE!