Chapter 9

1K 28 3

Chapter 9

 

Ikalawang araw na mula nung malaman ko ang balitang ikakasal na si Zheil. Hindi pa rin maikakaila na apektado ako. Akala ko sa loob nung halos maglilimang  buwan na iyon eh hindi na ako magiging affected. Pero heto na naman parang bumalik lang ang lahat ng sakit. Bakit hindi ka pa rin mawala sa utak ko Zheil, damn! I don’t deserve this pain anymore. Haayyzzz!

Tss!!! Nakakainis pa itong sounds ni Manong taxi driver puro love songs! Wala naman ako choice, freedom of choice ni Manong yun eh. Ang aga aga eh nagiging bitter tuloy ako neto! Grrrr!

Playing:

Nadarama ko pa ang ‘yong mga halik na hindi ko matanggal

 Sa isip at diwa tila nandirito ka pa

 Naririnig mo ba

 Mga patak ng aking luha

 Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta

 

Sa bawat araw bawat tibok ng puso

 Ikaw ang nasa isip ko

 Ala ala mo sa akin ay gumugulo

 Bakit din na lang pawiin ang hapdi sa aking puso

 Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo

 Kung panaginip lang ito sana gisingin ang aking puso

 Psshh! Pambihira naman… Hayayay! Matapos ka ng kanta ka para mo ng awa. Heto ako emote emote ang peg habang binabaybay ng taxi na sinakyan ko ang daan papunta sa office. Para tuloy akong part ng music video habang nakatingin sa malayo.

Ngayo’y nangungulila sa iyong mga lambing at pag suyo sinta

 Maibabalik pa ba kung wala nang pag ibig mong wagas

Sa bawat araw bawat tibok ng puso

 Ikaw ang nasa isip ko oohhh

 Ala ala mo sa akin ay gumugulo

Natigilan ako sa kadramahan ko nang maramdaman kong nagbavibrate yung phone ko. Eisshh! Sino naman kaya ang tumatawag ng ganitong kaaga. Pagtingin ko si Kate lang pala.

“Anak ka ng tokwa Kate! Anong meron napatawag ka ng maaga? Don’t tell me nagaway na naman kayo ni Jake?”

“Baliw! Sino naming pontio pilato ang nagbalita sayo niyan? Shunga! Okay lang kami alam mo naming mahal na mahal ko yun.”

“Ohh  siya siya ikaw na… Ikaw na ang may mahal. Ehh anong atin ba?”

“Hay ano ba yan Claire kung gaano kaganda ang sikat ng araw, ganun naman kainit yang ulo mo. Meron ka ano? Hahaha!”

Crossing the Limits (Lesbian Love)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!