lata

10 0 0

Yung filing na walang wala ka

Isang nakakatawang kwento pero nangyari talaga

Walang wala un zero balance talaga

Tapos magtetext si ANYONG

Sino naman sya?

Eh di si anyong unlitext at unlitawag ay expired na

Ay naku mapapakamot ka

So un bulsa mo may ulcer na

Un kamay mo walang makapang kwarta

Tapos kasama mo pa un anak mo at asawa

May pupuntahan pero walang perang panggasta

So magpapalusot ka ngayon at explain nang importansya

Importansya nang ano? Eh di paglalakad anu pa nga ba

Kargahin na ang bata sa leeg kahit ma stiff neck kana

Kargahin para matuwa sya

Kargahin nang parang namamasyal lang sa luneta

Sa asar mo mapapasipa ka 

Nadamay at nasipa pa ang walang muwang na lata

Tapos biglang mghihimala may mahuhulog na grasya

Akalin mo may singkwenta sa lata

Wala paring tatalo sa lata nang alaska

Mapapaisip nang malalim at sa langit titingala

Marerealize na hindi sa lahat nang oras magpapakita si Serge Osmenia

Tapos ika'y mangangarap na iahon ang pamilya

Malaki laking sakripisyo din ang gagawin ang sarili'y ihanda

Iniisip mo pa lang ikay naluluha na

Kelan pa naging exciting ang iwanan ang pamilya

Ayaw mo umalis pero ganun ata talaga

Un alam mong hindi mapapalitan o matatapan na kahit anu pa

Anu pa nga ba? Eh di un oras.. un moment... na kasama ang pamilya

Imaginine mo ilang oras at araw un mawawala 

Un oras na di na maibabalik oras na itoy nawala

Un maninibago ka kc di na sya bata

Masasabi mo na lang na "uy anak ang laki mo na"

Tapos may irereply na " mama miss na kita"

Meron pang sumbat na " bat umalis ka?

Kaya nga sinabing SAKRIPISYO dba?

Iexpect na may kurot sa puso at luha sa mata

Sakripisyo na kayo nang bahalang magbigay kahulugan

Kasi oras na nang tulugan

lataBasahin ang storyang ito ng LIBRE!