Chapter Fifteen

38.1K 783 17

Matinding kaba ang naramdaman ni Krystinia habang naghihintay sa labas ng opisina ni Warrick. Ayon sa sekretarya nito ay maghintay lang daw siya dahil may importante pang meeting si Warrick sa loob ng opisina. This was tough. Di pa niya alam kung paano ito ia-approach. Business was business. Ihahanda na lang niya ang sarili kundi man siya nito mapagbibigyan pero kailangan niyang gawin ang lahat. Ayaw niyang dagdagan pa ang problema ng Papa niya.

“I want her in my office now,” narinig niya ang malalim na boses ni Warrick mula sa intercom ng sekretarya nito. Parang may humaplos sa balat niya nang marinig ang boses nito. As if she was excited to meet him again. Gusto niyang makita itong muli pero hindi sa ganitong pagkakataon.

“Ma’am, pwede na daw po kayong pumasok,” magalang na wika ng sekretarya nito.

Matapos magpasalamat ay huminga muna siya ng malalim bago hinawakan ang seradura ng opisina nito. Nakaupo si Warrick sa desk nito at mukhang inaabangan na siya. She nearly faltered when his penetrating gaze found hers. Kakayanin ba talaga niyang makiusap dito nang silang dalawa lang?

Parang gusto niyang tumakbo na lang palayo. This was not the man she met at the party with that easy smile. This was Warrick Evaristo, the hunter. Ito ang negosyanteng sa batang edad ay natutong makipaglaro sa stock market at bumuo ng sarili nitong kompanya.

Pero di niya kayang takbuhan ito palayo. Dito nakasalalay ang kaligtasan ng pamilya niya. Siya lang ang aasahan ng pamilya niya ngayon. At ito na lang ang magagawa niya para sa pamilya niya.

Lumapit ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. “Krystinia…”

Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa pisngi niya at lumukob sa kanya ang init ng katawan nito. “S-Salamat dahil nakipagkita ka pa rin sa akin at such a short notice,” nagkakandautal-utal niyang sabi.

“Do you want anything? Coffee? Tea?” Kumunot ang noo nito nang pagmasdan siya at hinawakan ang balikat. “Mukhang pumayat ka. Kumain ka na ba?”

“Kumain?” tanong niya. Di niya alam kung kailan siya huling kumain. Masyado siyang maraming iniisip kaya minsan ay nalilipasan na siya ng gutom.

“Paparating na ‘yung in-order ko para sa atin.” Pumalatak ito at pinindot ang intercom. “Miss Chavez, where’s my order? What’s taking it so long?”

Umiling siya. “Warrick, huwag ka nang mag-abala…”

“Hindi pa rin ako kumakain hanggang ngayon. Mabuti nga magkasabay tayo. In a few minutes they will deliver our food. Take a seat.” May kumatok sa pinto at pumasok ang sekretarya nito dala ang pagkain. “The food is here. Let’s discuss that later. Kumain ka muna saka tayo mag-usap.”

Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Tahimik siyang sumubo ngunit hindi siya makapag-concentrate sa pagkain. Nakatitig kasi ito sa kanya na parang inaanalisa ang itsura niya. Lalo siyang kinabahan. Paano ba niya sasabihin dito ang tungkol sa tulong na hinihingi niya? She didn’t know how to be business-like with him. Para sa kanya ay personal ang relasyon niya kay Warrick.

“Nalaman ko ang nangyari sa kapatid mo at papa mo. It must be hard for you and your family,” wika nito matapos kumain.

Marahan siyang tumango. “Yes. Kaya nga nandito ako dahil ite-take over na ng Sonriza Holdings ang kompanya namin. I was informed that its under Evaristo Investments. Nasa ospital si Papa. Inatake siya sa puso dahil nakulong si Kuya Thirdy. Oras na malaman niyang magte-take over kayo sa kompanya, baka ikamatay pa niya.”

“At anong gusto mong gawin ko?”

“B-Bigyan mo lang ng panahong umayos ang kondisyon ni Papa at makapagpiyansa si Kuya Thirdy para mas maipaliwanag ang lahat ng maayos. Sa palagay ko mas matatanggap niya ang lahat kung makikita niyang nakalaya si Kuya Thirdy. If you need to take over the company, then please do it silently. A-At kung pwede sana bigyan mo ng pagkakataon ang pamilya namin na mabawi din ang majority ng shares mula sa inyo.”

“Gusto mong palabasin ko sa lahat na walang take over na nangyayari? Kung gusto mong may abutan pang kompanya ang Papa mo paggaling niya at mabawi pa niya ang kompanya niya, kailangang palitan na ang management ngayon para magkaroon ng kompiyansa ang mga investors. I think you are asking too much, Miss Valdesco.”

Miss Valdesco. Not Kyrstinia anymore. Hindi niya masisisi si Warrick kung maging pormal na ito sa kanya. This was business after all.

“K-Kung may magagawa ako para sa iyo para pagbigyan mo. K-Kahit isang buwan lang. W-Wala na talaga akong ibang mahihingan ng tulong. Ito lang ang paraang alam ko,” naluluha niyang sabi. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Warrick at magmukhang mahina. Pero nakakaramdam na siya ng panghihina at takot. At kung may mangyayaring masama sa Papa niya, pakiramdam niya ay kasalanan niya dahil wala siyang nagawa para dito.

Nilaro lang ng kamay nito ang Parker Pen. “How about I present you a much better deal?”

“Anong klaseng deal?”

 “Hindi ito tungkol sa kompanya ninyo,” anito na parang nabasa ang tinatakbo ng utak niya. “Pero kung tatanggapin mo ang proposal ko, pwede ko ring matulungang umayos ang takbo ng kompanya ninyo.”

“Hindi iyan ang priority ko ngayon. I have more immediate problems.”

Nilaro nito ang kopita ng red wine sa isang kamay at sinimsim iyon. "Handa akong gastusan ang pagpapagamot ng papa mo. I will even try my best to help your company get back to its prestige and allow your family to buy it back. I'll bail your brother out of jail. Gagawa din tayo ng paraan para mahanap ang mga business partners niya na tumakas para maibalik ng bansa at papanagutin sa kaso nila. Para hindi lang kapatid mo ang humaharap sa kaso."

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Pakiramdam niya ay kaharap niya ang isang genie na tutupad sa lahat ng kahilingan niya. Well, di siya naniniwala sa mga genie. At kahit na isa pang guwapong-guwapong genie si Warrick, di siya naniniwala na libre ang lahat ng bagay sa mundo. The proposal was too good to be true.

Humalukipkip siya. "Ano naman ang kapalit?" Noon na siya kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang kondisyon. Knowing the businessman that he was, he would definitely make sure that it was worth it.

Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. “Bear my child."

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!