For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Say hi to Mara na naman po tayo~

~~

Habang nagpapractice kami dito bigla akong nadistract sa nakita ko, pumasok na si Mon medyo late nga lang siya hindi pa din naman siya dumiretso sa room, nag-usap muna sila ni Leslie, nacurious tuloy ako sa kung anong pinag-uusapan nila.

"Nainggit naman ako, nandito 'yung partner mo sakanila ka nakatingin, huwag ganun" biglang sabi sa'kin ni Jeff, nasa stage kami ngayon inaayos na 'yung final position para sa exit namin. Two weeks lang naman ang preparation para sa event kaya may last one week pa kami. 

Sulit din ang pagod kapag naipanalo. Mas mataas kasi 'yung makukuha kong points kapag ganun ang nangyari.

"Pumasok na kasi si Mon, isang buong week din kasi siyang wala"

"Namiss mo lang ganun?"

"Asa! Nanibago lang ako, bakit nga ba absent 'yun?" kahit 'yung mga teachers ko nagtataka na nga din, wala 'man lang siyang sinabing dahilan ng pag absent niya. Si sir Von nga nagtatanong din samin.

"May ginagawa lang yata, hindi ko din sure 'yung exact reason 'yan lang 'yung sinabi niya samin" 

May ginagawa, for one week niya 'yun ginawa? Baka naman nag out of town sila or out of the country mga ganung instances. Ah bahala na siya buhay naman niya 'yun hindi naman ako ang mawawalan ng grades.

Umakyat 'yung isang teacher na nag a-assist samin sa stage, nag form kami ng circle may sasabihin yata siya,

"Makinig muna kayo, mamaya magpapractice tayo ng mga question and answer pero hindi naman 'yung mismong tanong ang mga itatanong mamaya. Si Sir Von ang mag hohost sa program, ipapatawag ko pa pala siya mamaya. Pwede na muna kayong bumaba"

Yieeeeee, nang sabihin ni ma'm 'yun napangiti agad ako, kasama ko naman pala si sir Von sa mismong event! Tumingin ako kay Jeff, ngiting-ngiti pa nga ako sakanya.

"Para sa'kin ba 'yang ngiting 'yan?" tanong niya, 'yung mga kasama tuloy namin na lower years napatingin samin.

"Oy hindi ah, ang ganda lang kasi ng narinig ko kanina. Anong para sayo?"

"Kayong dalawa, dito pa talagang sa stage naglambingan" -Mark. Sa dami ng pwede niyang isingit na salita samin bakit 'yan pa? Asan ang lambing 'dun?

"Ganyan talaga si Mara, Mark. Showy 'yan, kaya bagay talaga kaming dalawa"

Mr. Enemy # 1Basahin ang storyang ito ng LIBRE!