Jace called kasi daw magstart na ang practise namin dito sa Music lab, good thing na nandito ako nun kaya no effort exerted. Masaya ang naging practise kasi mas nakilala ko ang Fallen Angel at nalamang dito sila lahat nagaaral at kaming 2 ni Jace ang Junior.

Dumating si Clarisse after ng practise namin para makijoin sa kwentuhan at nalaman kong si Alex ay dating nanligaw dito sa babaeng ito pero ngayon ay wala na.

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng biglang magtanong si Alex...

"Anong status nyo na ba ni Jace, Sophie?"

"Ha? Anong status?" sagot ko.

"Relationship status." Alex

"We're friends." sabi ko sabay inom ng tubig kong nasa bote.

"Ang showbiz mo naman eh, ano bang friends eh parati kayong magkasama at ang sweet nyo pa nga!" expalin ni Dexter.

"Oh please! Di kami sweet and FYI, he's not my type." sabi ko sabay irap.

"Ouch!" Sigaw ni Jace na humawak pa sa dibdib nya na parang nasaktan talaga. "Di pa ako nanliligaw basted na gad ako."

"HAHAHA. Di ka talaga type nitong bestfriend ko Jace, wag ka nang umasa. Friendzone ka na!" At lahat kami natawa sa sinabi ni Clarisse.

"Pero ano bang type mo sa lalaki Sophie?" tanong ni Jace.

"Oyyyy, para paraan." pang aasar ni Clarisse at binigyan sya ng death glare ni Jace kaya napa peace sign si Clarisse.

"Ako? Gusto ko kasi yung mga nerdy looking guys. Not the typical nerds, yung hot-nerds." Sabi ko sabay ngiti.

"Ahuh! Mahilig sa matatalinong lalaki si Sophia, gusto nya yung katuad nyang mahilig magbasa." pagdagdag pa ni Clarisse.

"So wala pala akong pag asa sayo?" malungkot na tanong ni Jace.

"Bakit manliligaw ka ba?" tanong ni Clarisse

"Oo sana." mahina nyang sabi and lahat kami napatigil sa sinabi nya kasi kahit mahina dinig na dinig namin.

"Seryoso?" tanong ni Clarisse

"Aish! kulit!" Jace. "Oo nga. Kaso mukhang wala akong pag asa kay Sophie eh." Nakatungo si Jace habang hinahawakan nya batok nya, nakakatuwa sya kasi I know na nahihiya sya at nagblublush sya for sure.

"Kailan ka pa natutong manligaw? Eh di ka marunong nun tol!" Pang aasar ni Dexter

"Oo, pero para kay Sophia gagawin ko kasi kakaiba syang babae." And with that naramdaman kong naginit ang pisngi ko, grabe nakakahiya.

"Oy! ang pula ng pisngi mo girl! Kinikilig?" Ako naman ang inasar ni Clarisse. Letcheng babae toh!

"So ano girl, anong sagot mo? dagdag pa ni Clarisse na malapad ang ngiti.

"Ha? Ah anong tanong ba?" sabi ko, kasi wala naman talagang tanong eh.

Napa face palm naman si Clarisse sabay iling si Dexter at Alex. Nilapitan naman ako ni Jace habang nakangiti at hinawakan ang kamay ko.

"Sabi ko gusto sana kitang ligawan" he sweetly ask, dahilan para mamula ako.

"Ah, eh nasaan ang tanong dun??" Sagot ko sabay iwas ng tingin. Kasi naman nakaka awkward ang titig nya.

"Can I court you?" tanong ni Jace. Tumingin ulit ako sakanya at halatang nagaantay sya ng sagot. eh anong isasagot ko?

Nagbuntong hininga nalang ako sabay sabi " Eh diba yang ganyang bagay hindi na dapat tinatanong, ginagawa nalang?" sabi ko sabay tanggal ng pagkakahawak nya ng kamay sakin at hinila ko na si Clarisse palabas ng music lab kasi di ko na din alam ang mangyayari kapag nagtagal pa ako dun.

"HAHAHA. Epic answer bestfriend!"

"Bakit? Mali ba sinabi ko?"

"Tanga! Ayos na yun! Hahaha. Natatawa ako sa itsura ni Jace. Tinamaan na talaga sayo yun!"

Napangiti ako sa sinabi ni Clarisse. Tinamaan?

"You can't fall for him you know that." Sabi nya habang nakasandal sa pader.

"I don't like him. You know he's not my type."

"Good. Kasi masasaktan ka lang, tingnan mo sya, broken at ikaw ang nandjan..."

"I know, don't worry, alam ko naman yung ganyang kwento eh, di ako papagamit. I'm better than that."

Naalala ko usapan namin ni Adam. Maari kayang ginagamit nya lang ako?

"Clarisse, can you really fall for someone that easy?"

"What do you mean?"

"Kasi parang ang bilis ako magustuhan ni Jace, hindi ba paranga ng bilis lang?"

"Ligawan ka palang naman eh, it means he likes you, hindi pa love agad yun. Kumbaga nasa getting to know stage na kayo, deeper nga lang." paliwanag sakin ni Clarisse.

Nagkwekwentuhan pa kami ng makarating kami sa parking lot at napansin kong wala ang kotse ko. Kinuha ko agad ang phone ko at di ko napansing may message pala dun si Adam.

I'll use your car.

Eff! Pano ako uuwi nito? I was about to reply him na kung pano ako uuwi kasi hindi ako marunong magcommute at lalo namang itong babaeng kasama ko when an all black 2014 dodge challenger SRT8 stopped infront of us. Nagulat kami ni Clarisse kasi ang ganda ng sasakyan, mahilig kasi kami parehas sa car, and halatang mayaman may ari nito kasi limited edition & customize ang ibang parts. I'm drooling.

Busy pa ako sa pag hanga sa kotse ng di ko napansin na ito palang babaeng kasama ko ay sa iba na naglalaway, nakababa na kasi ang may ari ng sasakyan. Naka aviator shades sya at nung humarap samin ay tinanggal nya ito in his most collest way. Ang gwapooooooooo. Parang slow mo ang bawat kilos nya.

Napansin ko din na halos lahat ng mapapadaan na babae ay nakatingin sakanya. Ibang klase ang kagwapuhan talaga.

"You both need a ride?"

- - - - -

InceptionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!