Gabi na nun.

Nakahanda na si Dave para pumunta sa bahay ni Hazel.

Parang excited na nga siya nun.

At parang hindi.

Habang si Sam naman, mag-isang nakaupo sa swing in a playground malapit sa maliit na restaurant ng Villa Mercedes Resort.

Kakatawag lang niya sa parents niya na mag o-overnight sila ni Erin. Brokenhearted kasi si Erin at nahihiyang umuwi. Gusto niya sanang samahan at bantayan ang bestfriend.

Pero ayun, siya nalang mag-isa kasi dumating si Jacob, to the rescue.

Di bale na, basta masaya si Erin at masaya na rin si Sam. Ang dami kasing stars. Tapos ang lamig pa.

Habang nag-didrive si Dave, napatingin siya sa labas ng bintana. Napatigil niya ang kotche, may nakita kasi siyang Mister Doughnut na malapit sa school nila dati.

May naalala siya.

Napatingin siya sa phone niya and searched Sam's name on his phonebook.

Her old number was still there. Yung sun niya. Yung smart niya.

At syempre ang bagong number niya na binigay ni Erin.

Tatawagan niya sana si Sam para kamustahin.

Kaya nga lang,

Nag ring ang phone niya. Si Hazel tumawag. Hinahanap na siguro siya. Kailangan na niyang magmadali...

Pero kasi, nag dadalawang isip siya. Kaya sinagot niya ang phone.

"Hazel?"

"Dave, where are you? We're waiting here na." Hazel answers.

Hazel was saying something, pero di na na gets ni Dave. Something was bothering him kasi.

Naalala niya five years ago, palagi niyang nakikita si Sam sa loob ng Mister Doughnut kasama si Erin. Nakikita niya sila doon nag aaral para sa exams habang kumakain, every night.

Unang beses niya silang nakita nang dumaan siya sa labas at may nahuli siyang nakatingin sa kanya mula sa loob, babaeng nakatulala. Si Sam. Sobrang isip bata pa ni Sam nun. Tapos ang laki pa ng ngiti niya sa tuwing nagkikita sila. Natutuwa nga si Dave, he doesn't exactly know why but every little thing she did made him smile.

Minsan pa nga umaasa si Dave na masamahan siya ni Sam mag-aral doon. Na silang dalawa lang.

But he didn't get the chance.

He didn't have the guts.

At nang mga panahong yun, litong lito pa siya.

Na busted kasi siya ni Hazel.

At the same time, nakilala niya si Sam.

Ano kayang ginagawa ni Sam ngayon?

Kumain na kaya siya?

Naisip ni Dave.

"Dave? Still there?" Hazel asked.

"I'm really sorry." Sabi ni Dave. "Parang matatagalan pa yata ako eh, sa susunod nalang kaya? Kumain nalang kayo diyan nina Karen. Okay?"

After that, dumeretso na si Dave papunta sa Villa Mercedes. He could hear by the sound of Hazel's voice the disappointment. Na konsensya nga siya dahil nagpaasa siya.

But he couldn't help it, parang may something deep inside him telling him na gusto niyang makita si Sam. At sana, magkausap sila. Sana masabi niya ang mga bagay na matagal na niyang gustong sabihin.

It Was Always YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!