Queenie

Susmaryosep!  Ano ba ito si Francis, nawiwili masyado sa pag-kiss sa'kin ah.  Nakakadalawa na siya.  Hmp!

Pero dahil may gift siya sa akin ay patatawarin ko na siya.  Sobrang ganda nitong bracelet at mukhang mamahalin.  Nakakatuwa.

Naalarma lang talaga ako doon sa text ni Alice kaya ako nag-hesterical kanina.  Hindi kaya may balak ang babaeng 'yon?  Ah basta, one is enough.  Hindi ko na siya hahayaan na agawin ang asawa ko.  Dahil si Francis ay para kay Sofie lang, period.



"Ma ang ganda ng bracelet mo ah, bago po?"  Habang nag-hahapunan ay napansin ni Trisha ang suot kong bracelet.

"Oo anak."

"Birthday gift ko 'yan sa Mommy mo."  Sabat naman ni Francis.

"Wow!  Talaga po?"  Natutuwang sambit ng anak ko.

"Trish kapag binigyan ka ng isang bagay anong sasabihin mo?"  Tanong ni Francis sa bata.

"Thank you.  Bakit po hindi ba nag-thank you si Mommy."

Umiling lang si Francis.  Oo nga, hindi nga pala ako nag-thank you.

"Ma, dapat po nag thank you kayo kay Tito Francis."  Nakakahiya naman, pinangaralan pa 'ko ng sarili kong anak.  Sige na nga, magte-thank you na.

"Francis thank you sa gift mo ah."  Pasasalamat ko sa kanya. 

"You're welcome."  Tugon niya tsaka ngumiti.  Napangiti na lang din tuloy ako.

"At sorry sa mga nasabi ko kanina.  Sorry kung napaghinalaan kita."  Dagdag ko pa.



Tapos na kaming mag-dinner.  Bago pa makapasok sa kuwarto niya si Francis ay kinausap ko muna siya.

"Francis pwede ba akong makiusap sa'yo?  Si Alice, please lang layuan mo siya."  Hindi lang talaga ako mapalagay eh, kaya sinasabihan ko itong si Francis.

"Ano bang issue niyo ni Alice?"  Kuwestiyon niya.  "Isa pa nagtataka ako.  Ang sabi mo kanina okay lang na mang-babae ako huwag lang si Alice.  At kung si Sofie mas matatanggap mo pa.  Ano 'yon?"

Matagal bago ako nakasagot.  Kung alam lang niya. 

"Basta huwag kang mang-babae kahit sino maliwanag!"  Sabi ko na lang para hindi na siya magtaka.  "Sige na, goodnight." 

"Queenie."  Tawag niya kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

"Dito ka na matulog."  Aniya sabay turo sa kanyang kuwarto na ang pagkakaalam niya ay kuwarto naming dalawa. 

"Ha?"  Siyempre nagulat ako.  Bakit gusto niyang doon ako sa kuwarto niya matulog?  At anong dapat kong isagot ko sa kanya?

"Mommy."  Biglang labas ng anak ko.  "Ang sakit ng tiyan ko."

"Sige anak ikukuha kita ng gamot."  Inakay ko pabalik ng kuwarto si Trisha. 

Ramdam kong sinundan ako ng tingin ni Francis.  Nong gabing 'yon ay sa kuwarto ako ni Trisha natulog.



Nagkita kami ni Elsa sa cafe kinabukasan.  At as usual ay nagkuwento ako sa kanya.

"Oh, that's so sweet."  Overwhelm na sambit ni Elsa habang nakatingin sa bracelet na bigay sa akin ni Francis.  "Nag-effort talaga siya na bilhan ka ng regalo ah."

"Oo at kay Alice pa siya nagpasama."

"Sa babae ni George?"

"Yeah.  Bumalik tuloy ang alaala ng nakaraan.  Kung alam mo lang kung gaanong pagdadakdak ang ginawa ko sa kanya."  Kuwento ko.

"Dinakdakan mo?  Buti hindi siya narindi sa'yo at bigla kang sinapak." 

"Hindi niya 'ko sinapak friend, hinalikan niya 'ko." 

"What?"  Ngumisi si Elsa ng malapad.

"Ewan ko ba doon."  Saad ko.  "Friend may sasabihin ako, paano kung..."

"Paano kung ano?"

"Paano kung hingin niya yon sa'kin?  I mean...  Paano kung..."  Napakamot ako sa ulo ko.  "Paano kung sabihin niya na...  Paano kung..."

"Paano kung ano?!"  Atat na bigkas ni Elsa.  "Friend naman sabihin mo na kasi.  Paano kung..."

"Paano kung hilingin niya na may mangyari sa'min?"  Sa wakas at nasabi ko rin.  "Paano ako tatanggi sa kanya na hindi siya maghihinala."

"Did he already ask?"

"Basta ang sabi lang niya, doon na daw ako sa kuwarto niya matulog.  Magkahiwalay kasi kami ng kuwarto.  Tapos kagabi, doon niya na 'ko pinapatulog sa kuwarto niya."

"Pagkatapos?  Pumayag ka?"

"Hindi.  Si Trish ang katabi kong matulog kagabi."  Uminom ako ng tubig.  "Kagabi nakatakas ako.  Paano mamayang gabi.  Paano kung sabihin na naman niya 'yon?  Anong sasabihin ko?"

"Malaking problema nga 'yan friend.  Talagang magtataka si Francis kung bakit ayaw mong tumabi sa kanya.  Unless sasabihin mo ang tungkol sa kontrata niyo."

"Anong kontrata 'yon?"  Bigla na lamang sumulpot dito si Sofie.  Narinig ba niya ang pinag-uusapan namin?

Revised: Jul 23, 2017

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!