Chapter 18

821 23 0

[A/N: shoot...nakaka-stress pala actually ang magre-divide ng parts...hahaha..sana di ko na lang ginawa..hahaha...boink. but well, last na to kaya..wee...

keep on reading and supporting..tnx much!]

____CHAPTER 18____

   【 HYACINTH】

Isang linggo narin mula nung huli kong tapak dito. Pero pakiramdam ko ay parang napakatagal na mula noon. At ngayon narin ang huli.

Inayos ko ang salamin ko saka pumasok na ako sa school building.

"Penelope?"

Natigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sa'kin. Nilingon ko siya. She's one of my classmates.

"Ikaw nga!" Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kaibigan ni Kylie, Carmie Manansala.

Ang tamis ng pag-ngiti niya sa'kin, abot-tenga. Sumabay siya sa'kin sa paglalakad.

"Ang tagal mong um-absent ah..kumusta ka na?" kung makipag-usap siya'y parang ang close na namin. Pero hinayaan ko nalang siya, mukhang ganyan na talaga siya.

"Bakit ka nga pala um-absent last week? Super dami na ng mga na-miss mong lessons! But, I know kayang-kaya mo namang maka-catch up eh. Super intelligent ka naman kasi!"

Hindi ko siya sinagot. Ang dami kasi niyang sinabi.

"Ano? Why nga nag-absent ka last week?"

"I was..." tsk, nakalimutan kong isipin kung anong alibi ang sasabihin ko sa kanila.

"Uhm...I was...injured and sick. That's why..--"

"You're in the hospital for a week, right? Hindi ka raw kasi nakita ni Kylie sa house mo eh.."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero hindi ko nalang din yun pinuna pa't tumango nalang ako.

"Ahh..yes."

"Bakit, grabe ba ang naging sakit mo?"

Grabe rin ka-usisera ang babaeng 'to. Pero kailangan ko paring sagutin ang mga tanong niya para hindi siya magtaka.

At bago pa kami makarating sa classroom namin ay nagtaka naman ako nang bigla niya akong patigilin sa paglalakad.

"Diyan ka muna okay? And on my cue, papasok ka na..ok?" tinaas ko ang kilay ko sa sinabi niya pero sumunod nalang din ako.

Nasa gilid lang ako ng pinto nang buksan niya ito't binati ang mga kaklase namin.

"GOOD MORNING CLASSMATES!!" Masigla niyang binati ang lahat. Dinig ko pa ang mga reaksyon ng mga ito.

"LOOK WHO'S BAAACK...." bigla niyang tinapat yung dalawang kamay niya sa'kin sabay ginalaw-galaw pa ito.

Napataas naman ang kilay ko habang tinititigan siya. Tapos ay sinenyasan niya ako. Mukhang ito na yung cue na sinasabi niya.

Kaya lumakad na ako't nagpakita sa lahat.

Natahimik naman silang lahat nang makita ako.

"AAAAAAAAAHHH!" nagulat naman kaming lahat nang biglang tumili si Kylie sa seat niya at patakbong sinugod ako ng yakap.

"Penelope!!!"

Ang higpit ng yakap niya! Tapos nagtawanan na yung ibang mga kaklase namin at binati rin ako.

Tapos ay kumalas na si Kylie sa kanyang yakap sa'kin at hinila ako papasok sa room.

"Huwag ka nang mag-react kung sasabihin ko sa'yo na na-miss kita ng sobra, okay?"

The Gangster and the Undercover (Book 1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!