Search 29: Identity

Floremae's POV

Sa Garcia University ako dumiretso. May mga paperworks kasi akong naiwan at may mga gamit ako na naiwan sa locker bago mag-semestral break at sumama sa Grande Boracay.

"Sandali lang po ako, Manong." Sabi ko habang pababa ng sasakyan.

"Sige. Dito lang ako maghihintay sa'yo."

Bumaba na ako at pumunta muna sa Theatre Office sa likod ng auditorium. Myembro ako ng Script Writers' Guild ng Theatre Club. May susi kami ng office kaya pwede akong makapasok. Kinuha ko na doon ang script na kailangan kong i-edit.

Sunod kong tinungo ang locker room na malapit na din sa parking area.

"Okay, ngayong tumigil ka na, sabihin mo na sakin kung bakit hinatak mo ako dun. Nagpapractice pa ako!"

Narinig ko na may nag-uusap sa kabilang bahagi ng bush.

"Will you just shut up? Nandito na sina Daniel! He's back! They are back!"

Oh my! Why is it such a big deal for them? Okay pa sana kung mga babae 'to but they are not! Why would a boy be so interested on DJ, right?

"Edi nice! Ano pa ang hinihintay natin? Tara na!"

WAIT! Kasabwat ba sila ng taong rason kung bakit nagpakalayo sina Kath? OMG!

Nakita ko ang dalawang taong tumatakbo at nakikilala ko ang mga 'yon. Si Annalyn at Brenz 'yon, ah! Hindi na ako nagdalawang isip na sundan sila. Tumakbo ako nang tumakbo. Nakita ko silang umangkas ng isang motor.

Hindi ko sila maabutan 'pag ganun!

Maya-maya lang, may nakita akong kakilala ko na naka-motor. Kahit nahihiya akong mag-approach sa kanya mula pa noon at sa Grande Boracay, itinakwil ko 'yon para malaman ko ang totoo.

"Gian!"

"Flore! Ikaw pala! Bakit mo ako tinawag?"

Lumapit siya sakin gamit ang motor niya. Ipinarada niya ito sa harap ko.

"Ipasakay mo ako sa motor mo! Dali!"

Hindi na ako naghintay ng sagot basta umangkas na lang ako agad-agad sa motor niya.

"Uy, Flor, bakit ba nagmamadali ka?"

"Lokong Gian ka! 'Wag ka munang magtanong sundan mo na yung motor ng kabarkada mong si Brenz!" sabi ko nang tarantang-taranta.

"Huh? Ba--"

"Sinabi nang dalian na eh!"

"O-oh sige!"

Pinaandar na niya ang motor at pinatakbo.

Jusko! Mabilis pala 'to magpatakbo?! Naku po! Help me! Hindi ako sanay dito!

Lyn's POV

Pumasok kami sa isang luma ngunit malaking bahay. Pagpasok pa lang, madilim na at aakalin mong abandunado na 'to sa labas.

"Ano ba ang balita niyo?"tanong ni Quen.

"Well, malalaman mo din yun kapag nakapunta na tayo kay boss." Sabi ni Enz.

"Sabihin mo na kasi, Enz!" pagpipilit ni Quen.

"Mamaya na nga lang!"

Bakit ba parang gusto ni Quen na malaman ang balitang nakuha namin? Eh noon, nakapaghihintay pa naman siya.

Narating na namin ang harap ng pinto ng kwarto ni boss. Si Enz ang kumatok at agad na bumukas ang pinto. Agad kaming pumasok at tumayo sa harap ng isang malaking mesa.

My Lost Lover [KathNiel FF] Search CompletedRead this story for FREE!