Chapter 10:Bad First Impression

16 0 0

[Alli's PoV]

"Good Morning po Manong Guard!!" bati ko kay manong na nagbabantay dun sa mansion.Sa tansta ko nasa mid 40 na siya.

"Good Morning din iha,anong kailangan mo?"

Pinakita ko naman sakanya yung dala dala kong adobo.

"Ah ano po,ibibigay ko lang po itong adobong luto ni mie sa may ari nitong mansion . Pangwewelcome lang po sa new neighbor namin"

"Ah ganon ba iha,o sige samahan na kita medyo malaki kasi yung garden dito baka maligaw ka pa" naks ang bait ni manong!Nag offer pa talaga. Haha

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto nun,at pagkapasok na pagkapasok ko ay autmatic na napanganga ako sa sobrang lawak at laki ng pinagtayuan nitong mansion.. At at..Mansion na mansion nga!!

"Halika na iha"

"Hu-huh?" hala tinatawag na pala ako ni manong. Haha..Sorry naman..Kinapa ko saglit yung nasa bandang bibig ko kung may laway ba. Buti nalang at wala,naku nakakahiya kaya. Haha.

Sumunod naman ako at Ohlala lang ah!! Ang bakuran at garden tinalo pa ang pacific ocean sa sobrang lawak.At ang bermuda grass naku po mahihiya kang tapakan.Tsaka lahat na yata ng magagandang klase ng bulaklak dito mo na makikita e..Super as in talaga!Na insecure naman po ang katabing bahay ng mansi--este Palasyo pala!!

Shocking lang ah!!!Nasa Pilipinas pa ba ako??!!!???O baka naman nasa England na ako ah!Harujusko lang ah luluwa yata ang mata ko dito dahil sa laki nitong bahay na ito.Pero Teka Bahay pa ba to!!Waaaah!!

--

After ang mahabang fieldtrip nakarating narin kami sa tapat ng mansion. May fountain din dito then madaming mamahaling sasakyan ang nakaparada....

"Ah sige iha mauna na ako ah" manong

Nagnod  ako syempre  at nagpasalamat din.Hehe..At eto ako ngayon nasa harapan ng pintuan at nagdadalawang isip kung pipindutin ko ba yung doorbell.

ayos ng sarili~~~

buntung hiniga~~

inhale exhale

Release!!Aaack

"Ok,this is it pancit!!" at nagsign of the cross ako.

*Ding Dong*

Ay wait nahulog yung piso,maabot nga muna. Hehe

"SINO KA?!",tanong sakin nung kung sino man yung nagbukas nayun..Hindi siya galit noh?!Pero infairness ah ang sexy na boses.Ayy Alli magtigil. Hehe.

Syempre matapos kunin ang piso (Oh bakit may angal?Hnd mabubuo ang isang daan kung walang piso xD) tumingala na ako para tingnan yung nagsali--

o0o

OMGETHEFUDGEHOLLYGOLLYMANSHT!

sh*t pakshet ohlala anggwapoooh!!! Perfect jawline,His chinito caramel eyes,pointed nose,kissable lips,mala kpop na hairstyle,labanos na kutis. Oh god is this heaven?!?!!Pero bat parang ang cold naman ng Lalaking ito??Clyde and Ashton lang ang peg??Hahaha

Pero bakit parang may naramdaman akong kakaiba?!!??!Ugh sumasaket nanaman ang ulo ko!!//(>..<)\\

"Done checking me out huh Miss?" dun lang ako nabalik sa katauhan ko ng bigla siyang magsalita...Feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.Waah nakakahiya >/////<.Lupa kainin mo na ako pleash!!

"H-hoy a-ang kapal mo a-ah!!...H-hindi k-kaya" sigaw ko.. Hoy hnd ako defensive ah. Dinescribe ko lang naman kung anong anghel este tao yung nakita ko diba.

Ngumisi lang siya at nagcross arms...

"Tsss.Anyway miss,who let you enter this house without the permission of its owner...?"- mariin niyang tanong pero may halong pagsusuplado sa boses niya.

"Ah eh pina----"

"...alam mo ba na maaari kang iconsider as a Trespasser huh dahil sa pagpasok mo sa hindi mo naman bahay?" aba bastusan?! At anong  Trespasser? Pinayagan nga ako ni manng guard.Langya Maipakita nga sa BS na lalaki na ito ang aking SAUK!!Kundi kalang gwapo e..Ay erase erase!Mayabang na Unggoy pala..

"Excuse me?! Ang sa---" &%#*/@¥!&

Aba bastos talaga.Takpan daw ba ang bibig ko?!*sniff* Pero infairness mabango ang kamay.Ay ano ba!!Tss erase.

Ugh hindi niya ba nakikita yung hawak ko.!!Arrgggh!;Bat kasi ako pa ung nautusan. Nakameet tuloy ako ng demonyo!!!>.<

"But lucky you,i'm in a mood today so i'll reconsider your case as a stranger who entered a wrong house and forget about what happened.So you better get out now before i change my mind again.". P-pero!!Aargh.

Sasaraduhan na sana niya ako ng pinto nang  biglang magpikata si manong may ari ng bahay.Haay salamat!Kailangan niyang pagsabihan tong walang modo niyang anak.

"Ah good day sir.Ah ano po e,eto po *abot ng adobo* pinapabigay po ni mie.Pang welcome lang po sa bago naming kapitbahay hehe"

"Naku iha salamat nag abala kapa,sabihn mo rin sa mama mo salamat ah." then kinuha niya yung adobo at ibinigay dun Sa kanilang kasambahay.

"Hehe walang anuman sir.Ganyan lang po kami kapag may mga bago kaming mga kapitbahay"

"Ah ganun ba.Pero salamat parin iha,im sure masarap yang adobong niluto ng nanay mo"

"Ah thank you po!" wika ko.

"Tsss" ay may tukmol papala dito.Haha nice name...xD.Iniwan na niya kami at pumasok sa loob.Naku di manlang nagexcuse sa tatay niya walang galang!!!.Sinilip ko siya sa likod ni sir at paakyat na yata siya papuntang kwarto niya ata?!

Wooosh ano naman pake ko?

"Naku iha pagpasensiyahan mo na yung bata na iyon.Hindi kasi marunong makihalubilo sa tao.At isa pa kalilipat palang namin dito galing korea,kaya hnd pa siya ganon kasanay.Pasensya na kung nagkaroon siya ng bad impression sayo" sabay bow niya sakin.

"Ah naku sir ok lang po yun!!Hehe. Kahit napagkamalan po ako ng anak niyo na Trespasser haha" tawa ko ng pilit..Tss halata naman sa ugali nun e.=____=/.Talagang bad impression talaga yun.

Pero kapag nagkita ulit kami,sisiguraduhin kong hindi tatalab yang pagkasuplado niya na yan saken =_____=/

Haaay may bago nanaman akong mission. Hindi pa nga tapos ung kay Ashton eh..Hmm kung idagdag ko rin kaya si Clyde.Para naman mabawasan ang mga  Lahi nilang palaging PF (poker face).Pero ang isang ito hindi naman poker eh,suplado lang.Amf menopous baby yata eh..Naku naku BS talaga!(Boy Suplado)

"Ah naku iha,hindi ko siya anak.Ako nga pala si Mr.Lee,ang personal butler ni Master Leun" ay nandito pala si Mr.Lee...^___^

O.O??

huh!??

to be continued....

[A/N: Tbt,simple lang po ang bakuran nila Leun.Sadyang oa lang po talaga ang ating bida.Hehe pero totoo po ung sa mga sasakyan at fountain and malaki talaga ang bahay nila.hehe..:)]

Two Crowns CollideBasahin ang storyang ito ng LIBRE!