For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Naglalakad ako ngayon papunta sa kung saan. De joke lang >:D.Dadaan lang ako sa mini grocery para humanap ng makakain.

"Alin kaya dito? Piattos cheese flavor? Onion? Roast Beef?",

"Ahm. Nova na nga lang", bulong ko habang pumipili ng bibilin para may makain ako habang naglalakad ako. Bumili na rin ako ng Tropicana.

Maaga pa naman kaya okay lang maglakad 6:30 palang naman.

Nag-doorbell ako ng dalawang beses pero walang lumabas, nung pipindutin ko na ulit sana biglang bumukas yung gate, at iniluwal nun yung maid namin sa bahay.

"Ay, Mam sorry po talaga. May kausap po kasi ako sa telepono kaya nagpaalam muna ko sa kanya",

"Sino?",  tanong ko

"Si Senyora po", sagot niya habang nakayuko

"O ano daw sabi?", medyo gulat kong tanong

"A, wala naman po nagtanong lang po kung may budget pa tayo sa bahay, yun lang po", sagot niya

"Wala nang iba?", medyo curious kong tanong

"A, meron pa po pala, darating daw po siya sa susunod na buwan",

"Ano?Bakit daw?",

"Sa business daw po," nagkibit-balikat siya

Oo, mag-isa nalang ako sa bahay. Yung maid every weekends umuuwi din sa kanila. Yung father at mother ko? Ayun nasa States  sa di ko malamang kadahilanan. Basta ang alam ko lang tinakwil nila ko at lumipad papuntang States. Pero dahil may konti pa din silang awa sakin, pinatira na nila ko dito. Kesa daw maging pulubi ako.

After kong maglinis ng katawan, kumain, gumawa ng homeworks, mag movie marathon, ayun nakatulog na ko.

Zzzzz..

Tetentenenen Tetentenenen

"I'm comin' out in my cage

And I'll be doin' just fine

Gonna,gonna be down

Because I want it all

Started up with a kiss

How did it end up like this?

It was only a kiss,

It was only a kiss

Napabangon agad ako sa alarm ko na sobrang ingay.

"Naku naman nakakaantok pa," sabi ko habang nagkakamot pa ng ulo

Nang pagbaba ko nakahanda na lahat.Breakfast, uniform, books. Siguro yung maid nadin yung nag-ayos para sakin. Kahit naman kasi iniwanan nila ko dito sa Philippines nag-iwan naman sila ng mabait na katulong ko dito. Yun nga lang wala akong driver. 

Tsaka..kasalanan ko din naman.

But anyways, eto na nasa school nako.

Buti nalang hindi ako late dahil magkaka-warning na talaga ko.

Yari na, pero dahil early birds sila.

Ayun, sa dulo ulit ako naupo. Sa may 2 bakanteng upuan. Maya-maya dumating nadin yung Prof. ko

Busy ako sa pakikinig nang biglang,

"I'm sorry I'm late", si Autumn pala

Umupo siya sa tabi ko, pilit kong inaalis yung tingin ko sa kanya pero di ko mapigilan e. Siguro dahil nadin sa presence niya.

"Okay, now please choose your partner",

Pinuntahan ko si Bea na busy sa pag-aayos ng make-up niya.

"Bea, partner tayo?",

"E, Andy sorry, partner ko na si Chanbria eh",

"Okay lang," nginitian ko siya

"I hope everyone of you already got their partners", sabi ng Prof. ko

"Paano yun, wala akong partner?", bulong ko habang naglalakad pabalik sa upuan ko.

Nakita kong nakatitig sakin si Autumn, binaling ko agad yung tingin ko sa iba.

"Miss Dela Cruz, who's your partner?", nag start mag-tanong yung Prof. ko sa partners namin para mailist-down niya na yung project namin.

"Sino kaya partner ni Autumn?",  tanong nung girl sa unahan ko.

Since, classmate ko din si Autumn sa 3 subjects kaya sa ayaw niya o sa hindi, gagawa din siya.

"Miss Montenegro, who's your partner?", tanong niya dahil siguro sa pagkatulala ko hindi ko namalayan na ako na pala  yung kasunod.

"Ahm. Ma'am wala po akong partner eh,"

"You're 44 in this class,how come you don't have partner?",

"Ma'am kasi po," nag-iisip pa ko ng alibi sa kanya

"I'm her partner",

Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko.

Si Autumn?

Loading..

Partner ko? OMGosh!

End of the world na ba?

Memories of HerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!