CHAPTER 55: COUPLE'S GOLDFISH

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tara sama ka sa akin. May pupuntahan tayo." Hinila ko siya sa kamay.

Lumabas kami ng exhibit. Sa tabi nun may malapit na park kaya dun kami dumiretso. May nakita naman akong nagtitinda ng cotton candy at dun ko siya dinala.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong niya.

"Kain tayo cotton candy!" masayang sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin.

"Sige na wag ka ng malungkot. Libre ko naman yung cotton candy kaya wala kang babayaran,"tinignan ko yung mga cotton candy,"anong kulay ba gusto mo?"

"Psh, pasalamat ka gusto kita." bulong niya.

"Ano yun? Alin ang gusto mo?" napatingin ako sa kanya at bigla siyang namula.

"A-ano...y-yung kulay p-pink." nauutal niyang sabi.

"Okay, manong 2 nung kulay pink." 

Iniabot naman agad ni manong ung 2 cotton candy. Binigay ko kay Bea yung isa. Kinuha naman niya agad.

"Thank You."

Tumango lang ako at nginitian siya.  Naglakad kami patungo sa isang bench at naupo.

"Bakit hindi ice cream ang binili mo? Eh di ba sabi nila kapag umiiyak daw o kaya naman galit, ice cream ang binibigay?" -siya

Napakamot ako ng ulo ko. Dapat ba ice cream?

"Ice cream ba dapat ang binibigay? Hindi ko alam yun eh. Yaan mo next time iyon naman ang ibibili ko sayo."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo nakakatawa ka talaga. "

"Hala bakit naman? Mukha ba akong clown?"

"Hindi. Nakakatawa kasi yung mga kilos at papanalita mo. Kahit hindi mo alam, may napapasaya kang tao."

Napangiti na lang ako ng pilit sa sinabi niya. Kahit hindi naman niya sabihin, clown ang tingin niya sa akin eh. T.T

"Hehe, pag kaubos mo niyan saka tayo bumalik sa exhibit."

"Okay." tapos kinain na niya yung cotton candy niya.

Maya maya pa, biglang nagring yung phone ko. Pagtingin ko sa screen, si Mama pala.

"Saglit lang Bea ha, sagutin ko lang yung tawag ni Mama." paalam ko sa kanya.

Pinindot ko ung 'answer' button.

"Hello Ma?....Opo..Ngayon na?..Ok sige po..." tapos binaba na ni Mama yung call.

"Anong sabi ng Mama mo?" tanong ni Bea.

"Ah, may pinapadaanan lang sa akin." sagot ko.

"Ubos ko na yung cotton candy, balik na tayo sa loob?" tanong niya.

"Ah kasi Bea, kelangan ko na kasi ngayong dumaan dun sa pinapadaanan ni Mama eh, okay lang ba sayo kung ikaw na lang ang bumalik dun?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Ganun ba? Adeh...sama na lang ako sayo." nakangiti niyang sabi.

"Okay." 

At sumakay na kami ng taxi. Inuutusan ako ni Mama na dumaan sa hospital. May pinapakuha siya eh. Nang makarating na kami, agad kaming bumaba at pumasok na sa hospital.

"Ospital? May sakit ka ba?"  tanong ni Bea habang papasakay kami ng elevator.

"Ah hindi. May pinapakuha lang si Mama ko. Doctor kasi si Papa dito. Si Mama ko naman, businesswoman. Madalas niyang isama si Papa sa mga business trips niya. Gusto niya kasi sa bawat bansa na pupuntahan niya, kasama si Papa para daw may memories sila."

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon