Chapter 4

8 0 0

SHEBA’S POV

Pasukan na at first day of school namin ngayon kaya hinihintay ko dito sa parking lot sina Elise at Hailee, pareho kami ng course na kinuha kaya pareho ang schedule namin. Namataan ko si Jacob sa di kalayu-an na kasama si Nathaniel kaya bumaba ako ng kotse.

“Jake! Nat!” Tawag ko sa kanilang dalawa. Liningon naman nila ako kaya dali-dali akong pumunta sa kanilang dalawa.

“Hi, babe!” Sabay halik sa pisngi ko na sabi ni Jacob.

“Hi, Sheb!” Bati din sa’kin ni Nathaniel. “Ba’t di mo kasama sina Elise at Hailee?” dagdag na tanong niya.

“Papunta na ang mga yun.”

“Speaking of.” Turo pa ni Jacob sa dalawang halos magkasabay na sasakyan na parating.

Agad naman kaming nakita nina Hailee at Elise kaya lumakad sila kaagad papunta sa’min. Nagkabati-an silang apat.

“So, mean girls, ready to rock the college life?” tanong ni Nathaniel sa’ming tatlo. Noong high school pa ay mean girls na ang tawag ng mga schoolmates namin sa’min kaya nasanay na rin kami.

“Yeah.” Kibit-balikat naming sagot sa kanya.

“Don’t be too harsh to others, babe ha! Especially sa mga transferees. Mauna na kami ni Nat, sa kabilang building kami eh.” Sabi sa akin ni Jacob.

“S-sige. See you—“ Tatalikod na sana kami ng natigilan kami sa nakikitang paparating na sasakyan. Nakita kong lumaki ang mata ni Nat at lalong-lalo na si Jacob.  Hindi naman makapaniwala ang naka-rehistro sa mga mukha nina Hailee at Elise.

“No way!” Narinig kong sambit ni Hailee.

“Wow!” Nakita kong manghang-mangha talaga si Jacob sa sasakyan.

“Transferee?” Tanong naman ni Nat. Kibit-balikat lang ang naging sagot naman ni Jacob sa kanya. “Oooh?” Bilog na bilog na pagkasambit ng “Oh” na yun ni Nath na tila hindi makapaniwala na babae ang bumaba sa sasakyan. Nagkakatitigan silang dalawa ni Jacob.

“Wag niyong sabihin sa’kin na transferee siya dito.” Sabi ni Hailee na tila hindi pa na-aabsorb ang mga nangyayari. “Hindi pwede.”

“For real, bro? She’s driving that car?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Nathaniel.

“My favourite car.” Tila pabulong na sabi ni Jacob na parang hindi narinig ang tanong ni Nathaniel.

“And wow! So hot! She looks like a hot angel driving that Laferrari.”

“Nat?!” Saway ni Hailee sa kay Jacob at saka pinukulan ng masamang tingin.

“Excuse me, I’m new here and you all look familiar with the place, can I ask where is Room 432 of Business Ad building?” Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya pala sa amin at nagtanong.

“From here, you’ll see the open field then you turn left the first building you see, that’s it.” Sagot ni Elise sa kanya.

“Thank you!” pagkasabi niya ay tumalikod na din sa’min at diretsong naglakad. Nakasunod naman ang mga mata namin sa kanya.

“Nakita mo bang bumuka ang langit, bro at nagluwa ng napaka-sexy at hot na anghel?” biro ni Nat kay Jacob. Sinamaan ko ng tingin si Jacob ng may makita akong gumuguhit na naka-lolokong ngiti sa mga labi niya.

“Loko! Tara na!” Yaya agad niya kay Nat. “Mauna na kami girls!” Sabay kindat at tumalikod na nga silang dalawa.

Kami naman ay naglakad na papunta sa klasi rin namin ng malapit na kami sa 4th floor ay natigilan sa paghakbang si Hailee. “No way!” Nilingon siya namin. “Hindi kaya kaklasi natin ang babaeng yun?”

Oo nga pala, ang tinanong ng babae ay ang Room 432 ng Business Ad building, doon din ang first period namin.

“Hindi malabong mangyari yun. Ang room na itinanong niya sa’tin ay doon ang first period natin ngayon.” Sagot ni Elise sa kanya.

Hindi talaga pwede ‘to. Dali-dali naming inakyat ang natitirang steps at hinanap agad ang room 432. Halos patakbong lakad kami na pumunta doon at nakita nga naming ang babae. Napakaganda talaga nito kahit na wala masyadong make-up.

Nagkatinginan kaming tatlo at napagpasyahan na umupo sa likuran ng babae kaya pinaalis namin ang mga nakaupo doon. Narinig kong nagsalita si Hailee, “So, we’re classmates naman pala eh.”

Nilingon kami ng babae. “Huh?” Nanlaki pa ang mga mata nito. Kitang-kita tuloy ang bluish-gray niyang mata. Mas lalong gumanda siya sa malapitan.

“Can’t you understand Tagalog? I said—” Salubong na kilay na tanong ni Hailee.

“No, no, I can understand tagalog. What I mean is, are you really talking to me? Cause of course, we don’t know each other and I think all of the students here ay kilala kayong tatlo and I thought you—“

“Yeah, she’s talking to you!” Putol ko sa sinasabi niya. Totoo naman kasi ang sinasabi niya eh, halos lahat ng estudyante dito ay kilala kami kahit pa mga transferees pero siya hindi niya kami kilala. “I’m Sheba.”

“C-carl.” Sabay abot ng kanyang kanang kamay sa akin. Napahanga naman ako sa charm bracelet na Harry Winston na suot niya. Ganito na lang ba kayaman ang babaeng ‘to?

“I’m Hailee. ” Pagpapakilala rin ni Hailee sabay abot ng kanyang kanang kamay. At inabot naman iyon ni Carl. Nakita kong lumaki ang mata ni Hailee at alam kong nakikilala niya rin ang charm bracelet na suot nito. “Short for Carla ha? Cute.” Matipid na ngumiti lang si Carl.

“And you?” tanong nito kay Elise.

“Hi, I’m Elise.” Nakipagkamayan din si Elise sa kanya at katulad namin ni Hailee alam kong napahanga din ito sa bracelet ni Carl.

“Nice to meet you all.”

“Same here.” Sabay-sabay namin na sabing tatlo.

“I think hindi na tayo sisiputin ng prof natin ngayon.” Basag ni Hailee sa katahimikan matapos ang ilang minuto. Tumayo ito at sumunod kami ni Elise. Pero huminto ito sa harapan ni Carl. “Carl? What’s you’re next subject? Kung vacant mo, pwede kang sumama sa’min. Right, girls?” Nilingon niya kami na parang pinandilatan pa na magsabing okay lang.

“O-oo.” Sabay tango naming ni Eise.

“S-sure.” Sagot naman ni Carl.

Sumama nga sa’min si Carl sa coffee shop  dito sa school. Malapit kasi ito sa parking area at walking distance lang mula sa building namin kaya dito naming napagpasyahan na gugulin ang vacant hours namin.

MEAN GIRLS AND LACEY EDWARDSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!