CHAPTER 3



*MUSIC CLASS*


Mara's P.O.V.


9 am ang class ko ngayong Sabado pero I woke up at 8 am dahil 2 am na natapos ang gig namin last night. Gosh! Nagmadali akong bumangon at naligo then nagbihis. 


Isinuot ko ang aking dress with matching coat then green sneakers. No time to wear a make up. 8:53 am na. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at pumunta sa parking area namin.


"Gahhd, ngayon ko pa nalimutan. My car key." Bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang susi.


(A/N: Mara's outfit for today ---> http://taeyeonism.com/wp-content/uploads/2013/07/taeyeon-airport-271.jpg)


At exactly 9:06 am, I arrived at the school. Pagkatapos kong e-park ang sasakyan ay tumakbo na ako papuntang music room. James and June were texting me kung nasaan na ako. Bakit ngayon pa ako na-late? First day ko pa naman as music teacher. Pahamak eh. Umakyat pa ako ng 3rd floor, mabuti at hindi ako nag-heels. -_-" pawis ko tumutulo na oh.


*BLAG*


Ayun, may bumunggo pa sa akin. Hindi man lang pinulot ang bag ko, walang mudo.


"Ta-tanga tanga kasi, hindi tumitingin sa daan." Sabi ng isang lalaki. Napaka-engot naman nito. Siya na nga ang bumunggo sa akin eh.

 Tumayo na ako at isinuot ang shoulder bag ko. Naka-earphones pa tung lalaking 'to. Sasagot na sana ako pero tumunog ang phone ko. Si James tumatawag.


"Hello?** Oo nandiyan na.** K,Bye!"


Binaba ko na. Pagtingin ko wala na yung hambog na lalaking yun. Wala man lang galang sa teacher. Anyways, kelangan ko pang pumunta ng room. Kaya tumakbo na naman ako. Pagdating ko sa Music room ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko ang nga estudyante na nagpe-play ng instruments nila. Nakita ako ni June at James kaya nag-wave sila.


"Guys, let's be seated. Nandito na ang teacher natin." Sabi ni June, then they take their sit.


"Asan ang teacher pare?" Tanong nung lalaki. Siya yung lalaking bumunggo sa akin! Tch! Di ba niya alam na ako ang teacher niya?


"Excuse me Miss, pero hindi ka naman taga-Music & Arts Department diba? Anong ginagawa mo dito? Bawal outsider." Dagdag pa ni Hambog. Aaargh! Ang kapal naman ng lalaking ito.


"Hi Miss, I'm Maurine Navarro. Sino po kayo?" Mabuti pa itong isang babae dito marunong gumalang. Pumunta ako sa harap at inilagay ang bag ko sa mesa. Tumuntong ako sa platform ng room. I smiled at them.


"Good Morning everyone. I'm Ms. Mara Alexis de Guzman and i'm your Music instructor."


It's Gonna be LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!